Hwaw ang tagal ko nang hindi nagsusulat sa aking blog. Sa bagay ang daming ginagawa at ang daming gumugulo sa utak kong kawawa. Hindi ako makapaniwalang ngayon pa ako nagkakaroon ng pag-aalinlangan pagdating sa pagsasabi ng totoo sa aking kaibigan. Ikaw ba anong gagawin mo kung halimbawang ikaw ang nasa aking kalagayan.
Alam mong medyo lumalayo na sa nararapat na patutunguhan ang iyong kaibigan. Bahagi nito ay maganda para sa kanya ngunit hindi niya napapansing may malaking bahaging nagkukubli at nagpapanggap lamang na makabubuti ngunit hindi naman talaga. Masaya ka para sa mabuting naidudulot nito sa kanya ngunit nagdurusa ka naman panoorin kung paano siya binabago ng prosesong ito at ang masaklap pa rito ay masaya naman siya sa hindi magandang bahagi ng kanyang pagbabago. Tanong: Sasabihin mo ba ito at ipaliliwanag na posibleng kapalit ng mabuti ninyong pagkakaibigan o hahayaan mo na lang siya sa kanyang ikaliligaya kahit na ito ang posibleng makasira sa kanya sa hinaharap?
Hindi ko na alam ang aking gagawin. May gawin man ako o wala talo pa rin ako. Maaaring masira ang pagkakaibigan o masira ang aking kaibigan. Wow ang gandang pagpipilian!