Huwag itong basahin

'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.

Saturday, September 29, 2007

Malamig

Sa malalamig na panahong ito ay naaalala ko ang mga araw noong matagal na ang nakalilipas noong ako ay nakapaglalaro pa ng playstation maghapon.

Simula ngayon ay ililista ko na sa blog na ito ang aking mga pangarap natupad man o hindi sapagkat trip ko lang. Hindi ako masaya ngayon dahil marami pa akong kinakailangan matapos na proyekto. Nakakalungkot pa dahil wala man lang akong mararanasang bakasyon. Haay... sana makapanuod na ako ng isang anime series uli!

Maalala ko lang may natutunan nga pala akong kalokohan sa isa sa aking mga prof. Wala lang nakakainis lang. May dahilan na ako para mamintas! Wee! It's an exercise of critical thinking! Haha! Nakakabanas ano?

Ilan lang sa mga nakakatuwang bagay na nagyari ngayong linggo ay natapos ko na ang dalawang season ng honey and clover kahit na napakaraming bagay ang kailangang gawin wihihi. Kauna-unahang madramang anime na nagustuhan ko. Bukad dyan naaalala ko pa rin ang masarap na japanese food na aking kinain sa UP. Haay naaalala ko pa rin ang lasa ng toothpaste tea na ang tawag ng mga kasama ko'y mouthwash. Wala talaga akong kwentang magkwento. Marami akong balak sa nagpapanggap naming sem break sana magawa ko lahat. Kailangan ko ng funds! Waaah! Funds please!