Huwag itong basahin
'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.
Saturday, May 31, 2008
Walang spoilers
Naghihintay na lang ako ng episode 62 ng shippuuden ngayon. 'Di ko pa nacheck kung me subs na ngayon... Wehehe! Ang saya-saya! Sa mga nanonood ng Naruto na di pa nakakapanood ng shippuuden panoorin nyo masaya! Bading pa rin sa Naruto at Sasuke bwisit! At sa season na ito ay isinali na rin nila sa kabadingan si Gaara haaay kaawa-awa naman. Hindi ko inaasahan pero ang paborito kong fight scene sa ngayon eh yung kay Sakura, Chiyo at Sasori! Wahaha hindi na nga gaanong lame si Sakura ngayon nakakaaliw. Nakakainis pa rin lang yung kabadingan ni Naruto haay... Ok sana yung bagong character na idinagdag nila kaya lang bakit siya naka-hanging blouse? Hindi na siguro sila makaisip ng costume wehehe. Aus sana yung character niya pwede kaya nilang ibahin yung drawing ng damit? Harharhar! Mas gusto ko pa ngayon yung mga kwento sa missions nila kesa 'dun sa main story ni Naruto at Sasuke ('di ko naman talaga nagustuhan 'yun eh) Ang kyut nung Kyubi!
Wednesday, May 28, 2008
Since you left me it's been raining...
Haha! Haha! Hahahaha! Nakakatawa naman si Bon Jovi nalilimutan yung lyrics ng kanta niya! Karirinig ko lang nitong live version niya ng Always. Sa tingin ko naman hindi sadya kasi wala namang espesyal kung baligtarin niya yung lyrics, nagkamali lang yata talaga. Dapat kasi diba "it's been raining since you left me..." muharharhar! Me narinig na 'kong iba niyang live na iniba niya yung tono ng Always pero eto nakakatawa talaga wehehehe! Parang Spongecola, yung live din nila inulit niya yung dalawang lines ng unang verse sa pangalawa hahaha hindi alam yung sariling kanta!
Moyashimon at Kung Anu-ano
Natapos ko na rin kagabi yung Moyashimon 11 eps lang naman. Akala ko nakakatuwa lalo na maganda ang drawing. Ang bida naman dito ay si Sawaki. Nakakakita at nakakakausap siya ng mga microbes. Yung unang tatlong episodes yata eh magkakaugnay pa yung kwento pero pagdating sa ga susunod hanggang huli magulo na. Labo-labo na ang kwento. Di yata maisip nung gumawa kung anong gagawin hehehe. Bigla na lang may mga kwento susulpot na hindi naman konektado. Sa title nga nya me nakalagay na Tales of Agriculture pero wala naman talagang koneksyon. Ginawa lang na nag-aaral siya sa School of Agriculture tapos yun na yun. Bigla na lang nagko-cross dress yung childhood friend niya na lalaki... Haay ewan magulo.
Naalala ko lang kanina may nagtatangkang magbukas ng account ko sa gaia wehehe. Magnanakaw yata ng stuff harharhar wala lang!
Ngayon balik Naruto na 'ko. Grabe putol-putol napapanood 'ko eh nakakabanas. Kulang-kulang kasi yung eps sa pirata at ayaw naman magplay ng online videos... Kung me mababait naman na meron nitong eps na 'to pahiram 121-148, 163-170, 181-209. Hehehe para masimulan ko na yung shipuden excited na 'ko eh!

Sunday, May 25, 2008
Nana, Ghost Hound at Elfen Lied
Ayan nagpupuyat na naman ako sa panonood ng anime. Huwag na huwag kayong maniniwala sa kung sinumang nagsasabing maganda ang kwento ng Nana. Katatapos ko lang panoorin ngayon at isa siya sa mga pangit na anime na napanood ko. Kung art at animation ang pag-uusapan sobrang maayos naman pero bokya talaga yung storya.
Ganito kasi 'yun...(paunawa: magulo ako magkwento at susubukan kong ikwento ang Nana, huwag basahin kung mahihiluhin) May dalawang bida na ang pangalan ay Nana pero hindi sila magkamag-anak o kung anuman. Nagkakilala lang sila sa tren papuntang Tokyo tapos nagkataong naging roomates sila doon. Inumpisahan yung anime sa kwento ni Komatsu Nana (na hindi ko na ikukwento) at sinisingit lang yung kwento ni Osaki Nana. Yung nauna college graduate sa isang art school, yung pangalawa eh yung bokalista ng isang banda. Ayoko nang ilarawan pa sila ng mabuti... basta si Komatsu Nana eh yung mas malandi sa kanila. Sa totoo lang halos puro tungkol lang kay Komatsu yung kwento parang bitin lang yung kay Osaki. Muli, nahumaling na naman ako sa magandang drawing ngunit wala namang storya. Puro panlalandi lang ni Nana sa lahat ng lalaking makita nya umiikot ang kwento tapos nabuntis lang sya nung huli. Yung isang Nana hindi na pinakita kung anong pinatunguhan niya at nung banda niya nung final ep.
Sa huli, aking napagtantong nagsayang ako ng oras sa panonood ng 47 ba o 48 eps ng walang kwentang palabas. Sa bagay pwede na rin naman, yung drawing na lang ang nakakaaliw. Pangit kasing hindi tapusin ang mga pinanonood. Wehehe!
'Yan namang Ghost Hound isa ring kalokohan. Tungkol pala siya sa sakit sa utak, astral projection, cloning at global warming. Haaay... ganda pa naman ng drawing kahawig ng Jigoku Shoujo di ko lang sigurado kung pareho ang gumawa.
Elfen Lied naman ay puno ng mga patayan, putol ng mga katawan, mga abnormal na tao at ng fan service. Ayos lang 'to kasi 13 eps lang naman at medyo ok naman yung end marami nga lang ring mali. Hindi gaanong nakaaakit ang drawing pero sobrang ayus yung animation lalo na yung mga napuputol na bahagi ng katawan at sumasabog na mga tao. Magkakahawig lang kasi yung characters... Haaay...

Subscribe to:
Posts (Atom)