Huwag itong basahin

'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.

Monday, May 21, 2007

Mabuti Pa

Nakakaaliw naman dito at nakikita pa ang mga nalumang mga post wehehe kaya siguro ilalagay ko rito yung ilang mga naipost kong kalokohan sa Tae kong blog na matatagpuan sa link na ito http://meysel.blogs.friendster.com/.

Kalokohan

Hindi man ako mahilig magbasa ay mahilig naman akong magsulat ng kung anu-ano. Mga hinaing sa buhay, mga kainisan, pamimintas, drama at kung anu-ano pang maaaring maisip ng magulo kong utak. Matagal na rin akong nagsusulat sa friendster blogs at doon ko nga nadiskubreng naaaliw pala ako sa paglalathala ng aking mga naisip sa lokong web. Yay! dito naman ako mambubwisit!

Douglas?

Macarthur ang pinakabago kong nabasang libro nitong nakaraang araw. Sa aking paniniwala (dahil hindi naman ako ganoon kahilig magbasa ng libro) ay ito ang pinakabagong akda ni Bob Ong. Hindi ko alam kung kailan siya inilabas pero para sa akin ay bago lang ito. Kung hindi nyo pa nabasa o kaya'y walang balak magbasa ay hindi ko na problema basta may kaunting spoilers sa mga susunod na talata.
Hindi na bago ang storya ng Macarthur at sa pamagat pa lamang ay medyo alam mo na ang kalalabasan ng kwento lalo na 'pag nakilala mo na ang mga tauhan. Isa itong simpleng kwento ng mga adik. Hindi ko na sila ilalarawan para naman magkaroon ka ng interes basahin ito. Pero alam ko na ang naiisip mo at tama ka roon! Oo, may kinalaman ito sa sikat na linya ni MacArthur na I shall return sa maraming paraan na hindi ko na rin sasabihin pa. Halos naririnig ko nang maraming magsasabing huwag na lang siyang sumulat ng mga fiction lalo na't ang katapusan ay may pagka-palasak ang katapusan nito. Ngunit dahil fan ako ni Bob Ong o kahit hindi man siguro ay nagustuhan ko pa rin itong akda. Yung tipo kasi ng pagsulat niya ang talagang kinaaaliwan ko. Madali kasing basahin at hindi maligoy ang pagkakahayag. Magaling ang pagkakalarawan ng mga eksena. Hindi ko gaanong nagustuhan ang simula dahil ang dating sa akin ay medyo may pagka-boring at predictable nga. Sinubukan niyang maging makatawag-pansin ang simulang aksyon agad ang salaysay ngunit para sa akin lang naman, hindi masyadong epektibo dahil marami na rin akong nabasang ibang librong ganito ang simula. Sa kabila ng lahat ng nabanggit ko, nagustuhan ko pa rin ang Macarthur dahil natuwa naman ako sa pagbibigay buhay ni Bob Ong sa mga eksena ng buhay ng kanyang mga tauhan. Nabasa ko naman siya ng ilang oras lang pagkatapos kong mabili at napanatili naman niya ang aking interes sa bawat yugto kaya masasabi kong ok 'to!
Uulitin ko lang, hindi ako mahilig magbasa ng libro kaya huwag magtiwala sa aking mga sinabi hahaha! Nga pala, yung mga kadiring bagay siguro yung nagustuhan ko sa kwento kaya naaliw ako wehehe!

Friday, May 18, 2007

Jebs

Katatapos ko lang tumae. Yay! Success! Matapos ang ilang araw ng pagtitibi at pagtatae ay nakaraos din ako haha! Sa mga oras na ito ay nagmamadali akong magbihis bilang paghahanda da aking pag-uwi sa Gapo upang mag-apply sa mga arki firm doon. Haha natupad na nga pala ang pangarap kong mainterview sa Palafox kaya nga lang sayang. Sa ID team pala nila ako ilalagay at ang aking kailangan ay sa arki team. Sayang talaga gusto ko pa naman doon kahit noong nalaman kong sila pala ang may gawa ng MOA na di ko gusto ang design wahaha. Sayang talaga pero ok lang sabi nung nag-interview mag-apply na lang daw ako dun pagka-graduate ko wehehe. Haay... waah malelate na 'ko!

Tuesday, May 15, 2007

Para sa'yo, ang...

Hello! Ang aking ipapaskil ngayon ay inaalay ko sa aking masugid na tagabasa ng blog. Maligayang kaarawan Rachel! Haha mas matanda ka na sa akin kahit na sobrang mas matanda ang hitsura ko kaysa sa iyo. WEHEHE!
At dahil nga para sa iyo ito, bukod sa paggaya mo sa sayaw ni Manny Villar ay pag-uusapan naman natin si Avril. Gusto kong ipaalam sa iyo na nagbuwis ako ng kaiinisan para mabigyan ng review ang bagong album ng naglumanding si Avril Lavigne. Bukod sa taeng kanta niyang Girlfriend, ang track 2 na Take Me Away, 3 You Never Satisfy Me at 4 Headset, na kasalukuyan kong pinakikinggan, ay sadya ngang napakapangit. Hindi ko malaman kung sinong malanding kantatero ang gusto nyang gayahin pero nakakainis talaga. Yung Keep Holding on lang yata ang medyo matino. Nagloko ang aking computer ngayon dahil sa piratang cd ni Avril at ang gusto kong ipayo sa iyo ay huwag mo nang pangaraping marinig ang lahat ng iba pang kanta ni Avril dahil mababanas ka lang. Ang maipapayo ko naman kay Avril ay palitan na ang pamagat ng album nya ng "The Worst Damn Thing" nang maging mas angkop ito.
'Yan lamang ang aking gustong ibahagi at muli, Maligayang Kaarawan Rachel!

Saturday, May 12, 2007

Magic Gel

Kung hindi kayo mahilig sa anime ay huwag nyo nang ituloy ang pagbasa. Salamat!
Kung mahilig naman kayong manood, malamang ay napanood nyo na o kaya'y nabalitaan nyo na ang anime na Monster. Waah! Ang saya-saya ng kwento. Maraming mga kaduda-duda at mga kapalpakan sa pagkakabuo ng istorya na hindi ko na iisa-isahin. Ang masasabi ko lang ay nakakaaliw ang series na ito. Sana mapanood nyo. Maikli lang naman 74 episodes pero sulit naman ang sasayangin mong oras sa panunuod.
Wala lang akong maisulat kaya ganito haha! Iba pang nakakaaliw na anime na napanood ko nitong nakaraan ay Mushishi at Jigoku Shoujo Futakomori. Ok naman ang mga series na ito lalo na yung Mushishi kung mahilig kayo magagandang drawing ng landscapes.
Ilan sa mga kinainisan kong napanood eh yung Genshiken na di ko ma-gets dahil puro tungkol sa otaku at otaku-ness (anu ba?) haha!
Tinatamad na 'ko. Kanina lang gusto kong gumawa ng review eh kaya lang tamad na talaga wala nang magagawa.

Saturday, May 5, 2007

Rechargeable

Kapag wala kang magawa sa buhay at marami kang problema magpakamatay ka na lang. Oo seryoso. Pero bago mo gawin ang bagay na 'yon may tatlong bagay kang dapat paghandaan at pag-isipan. Una, paano mo gustong mamatay? Ikaw na syempre ang bahala kung papaanong paraan ang gusto mo. Hindi kita bibigyan ng ideya para "orihinal" o kaya'y galing naman talaga sa 'yo ang kaisipan ng pagsasagawa nito. Sa pamamaraang iyong mapagdesisyunan, kailangang masiguradong ito'y siguradong nakamamatay, kung hindi ay mapapagastos ka lang lalo kung sakaling may gusto pang magpahospital sa 'yo.
Ang ikalawang dapat mong paghandaan ay may kahirapan makamit. Pera. Kung may problema ka, problema mo 'yon at hindi ka dapat nandadamay ng iba. Paghandaan mo muna ang perang pampalibing. Mas mainam kung nakapagpareserba ka na ng lote kung saan ibabaon ang iyong katawan. Pag-isipan mo na rin kung saang punerarya ka magpapaayos upang malaman mo kung anong maaaring maging hitsura ng bangkay mo kapag nasa kabaong ka na. Ito ay kung hindi ka magpapa-cremate. Sa madaling salita, pagplanuhan mo rin dapat ang maaaring mangyari pagkatapos mong magpakamatay upang hindi na magdulot pa ng sakit ng ulo sa mga taong iiwanan mo.
Ang pinakahuli naman ay pagplanuhan mo naman din kung saan mapupunta ang mga basura mo. Ano ka may katulong? Kung mayaman ka siguro pero kung hindi eh magbawas-bawas ka muna ng kalat sa kwarto mo dahil pahihirapan mo ang buhay na taong maglinis at magligpit pa ng mga gamit mo. At isipin mo na lang, anong ibinahagi mo sa mundo? Basura? Magpakamatay ka na nga lang kung ganyan ang pag-iisip mo.
Bukod sa tatlong nabanggit may ilang mga bagay pa akong gustong ipayo sa iyo. Una, huwag kang uminom ng alak bago ka magpakamatay. Paano mo malalaman kung anong gagawin mo kung wala ka sa tamang pag-iisip bago ka magpakamatay? Ikalawa, laos na ang sulat. Wag mo na lang ipangalandakan kung bakit ka nagpakamatay nakakainis 'yung ganoon eh. Ikaw na nga itong makasariling magpapakamatay, ikaw pa 'tong makapal ang mukhang magpapaawa sa sulat na iiwan mo.
Ako ayokong magpakamatay kasi masyadong komplikado ang proseso. Bukod doon, napakarami pang palabas sa telebisyon at sine ang hindi ko pa napapanood liban sa mga basurang palabas ngayon. Wala akong pakialam kung gusto mong magpakamatay alam ko namang sarili mo lang ang iniisip mo eh. Masyado ka kasing komportable sa buhay mo kaya kaunting problema lang ay nauuto ka kaagad. Ayokong kausap ang mga katulad mong walang maisip gawin sa buhay bahala ka!