Huwag itong basahin

'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.

Monday, May 21, 2007

Douglas?

Macarthur ang pinakabago kong nabasang libro nitong nakaraang araw. Sa aking paniniwala (dahil hindi naman ako ganoon kahilig magbasa ng libro) ay ito ang pinakabagong akda ni Bob Ong. Hindi ko alam kung kailan siya inilabas pero para sa akin ay bago lang ito. Kung hindi nyo pa nabasa o kaya'y walang balak magbasa ay hindi ko na problema basta may kaunting spoilers sa mga susunod na talata.
Hindi na bago ang storya ng Macarthur at sa pamagat pa lamang ay medyo alam mo na ang kalalabasan ng kwento lalo na 'pag nakilala mo na ang mga tauhan. Isa itong simpleng kwento ng mga adik. Hindi ko na sila ilalarawan para naman magkaroon ka ng interes basahin ito. Pero alam ko na ang naiisip mo at tama ka roon! Oo, may kinalaman ito sa sikat na linya ni MacArthur na I shall return sa maraming paraan na hindi ko na rin sasabihin pa. Halos naririnig ko nang maraming magsasabing huwag na lang siyang sumulat ng mga fiction lalo na't ang katapusan ay may pagka-palasak ang katapusan nito. Ngunit dahil fan ako ni Bob Ong o kahit hindi man siguro ay nagustuhan ko pa rin itong akda. Yung tipo kasi ng pagsulat niya ang talagang kinaaaliwan ko. Madali kasing basahin at hindi maligoy ang pagkakahayag. Magaling ang pagkakalarawan ng mga eksena. Hindi ko gaanong nagustuhan ang simula dahil ang dating sa akin ay medyo may pagka-boring at predictable nga. Sinubukan niyang maging makatawag-pansin ang simulang aksyon agad ang salaysay ngunit para sa akin lang naman, hindi masyadong epektibo dahil marami na rin akong nabasang ibang librong ganito ang simula. Sa kabila ng lahat ng nabanggit ko, nagustuhan ko pa rin ang Macarthur dahil natuwa naman ako sa pagbibigay buhay ni Bob Ong sa mga eksena ng buhay ng kanyang mga tauhan. Nabasa ko naman siya ng ilang oras lang pagkatapos kong mabili at napanatili naman niya ang aking interes sa bawat yugto kaya masasabi kong ok 'to!
Uulitin ko lang, hindi ako mahilig magbasa ng libro kaya huwag magtiwala sa aking mga sinabi hahaha! Nga pala, yung mga kadiring bagay siguro yung nagustuhan ko sa kwento kaya naaliw ako wehehe!

No comments: