Huwag itong basahin

'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.

Sunday, June 24, 2007

Huwag Basahin

Stop. (I’m not really expecting anyone to read this but…) If you are easily offended or extremely bored with discussions about faith (in God) and Christianity, then better not continue but if not then read on.

I find it very disturbing that other people waste (yes you read it right) their time compelling other people to change their religion or give up their faith for what they call “something better.” For your info, I know that it is God’s (I am referring to Christianity) will to spread his good news. Everyone has the right to do it their own way but I don’t think it gives some people, the right to force other people to believe in what they think is true especially when they have different religions. Why did I mention different religions? It is because I want to stress that everyone has different beliefs and not everyone knows what they consider true in that particular religion. We won’t know their creed’s traditions and beliefs just by reading books. We are the ones doing and experiencing the things we do in our own religion. This applies to Christianity (especially Christianity having a lot of different congregations). I can’t say that you have lesser faith nor can you say that to me. We cannot judge by just the things we see. Our God taught us to respect one another and this includes our opinions (even though a person doesn’t believe in God, I think it is common knowledge to respect other’s opinions). It is okay if you want to share your beliefs but please do not force it on others. I enjoy talking to my friends who have different religious affiliations and we never end up arguing about it. Instead, we educate ourselves with our differences and similarities.

This is just a very small portion of what I wanted to share and I don’t want to write any more of what I am thinking now because I might include many unnecessary complaints and bitterness haha!

Thursday, June 21, 2007

Bayong

Naghihilamos ako ng mapayapa kanina noong matapos akong maligo. Napadaan yung nanay ko tapos tumawa. Sabi niya mukha raw akong bayong. Ako naman eh dahil sanay na, parang wala lang. Natatawa lang ako dahil sa tagal nya akong inaasar (mula pa noong maliit ako) wala namang nangyayari at ang mas nakatatawa pa eh hanggang ngayon eh ginagawa pa rin nya iyon. Ang nais sana nyang resulta ay mainis ako at ma-concious para magpapayat. Eh pasensya talaga hindi umeepekto. Haha! Hindi naman sa nagpapataba ako eh pero hindi lang talaga ako pumapayat. At syempre heto na naman ako nag-iisip ng kung anu-ano. Naisip ko kung paano kaya kung nasabi ko sa kanya kung anong pumasok sa isip ko habang naghihilamos ako. Naisip ko kasi nung nasabi nya 'yon: "tapos, anong gagawin ko?" Haha kung nasabi ko iyon ng wala lang para sa akin, sa tingin ko ang magiging dating sa kanya eh nambabastos ako hahaha!

Nabanggit ko na rin yang pambabastos, nalungkot ako dahil kapansin-pansin talaga ngayon na napakaraming mga batang hindi na naturuan ng magulang na gumalang. Nagugulat ako kasi lahat na (hindi lang marami kundi lahat) ng mga batang nakikita 'ko ay walang kaalam-alam sa pagrespeto. Napapaisip na nga lang ako kung epekto lang ba ito ng media o talagang tamad na lang magdisiplina ng mga anak ang mga magulang ngayon. Ewan ko ba pero obserbasyon ko lang. Hindi na marunong matakot ang mga bata sa kanilang mga nanay ngayon samantalang noong panahong nasa edad nila ako (na mga 16 taon na ang nakaraan) karamihan ng mga bata kahit yung mga siga eh may takot sa magulang nila. Madali pa naman akong mainis sa mga bata. Baka minsan hindi ko na lang mapigilan 'pag nakatagpo ako uli ng bastusing bata eh pigain ko yung ulo nun tapos itapon ko sa kanal! Mas nakakainis pa kapag 'tong mga tamad na magulang ay nangungunsinte pa at 'pag umiyak ang anak, bigay agad ang gusto. Waah! Wala rin sigurong turo sa magulang (wow nag-aakusa!) Totoo nga pala ito sa mayayaman man o mahirap.

Itutuloy ko na dahil nasimulan ko na rin naman ang paksa ng "turo."Nagulantang ako nang nabalitaang ang mga public high school students ay grabe hindi ko matanggap. Sobrang wala na silang alam (ayon ito sa correspondents) o natututunan sa school. Ako naiintindihan ko naman dahil galing din ako sa public school na may mga guro talagang hindi mo alam kung paano naging guro. ang iba namang mag-aaral sa ibang dako ng aming paaralan ay hindi na magkasya sa silid nila. Pero sobrang nakakagulat na simpleng his-her ay hindi nila magawan ng pangungusap. ni hindi nga nila matukoy kung alin ang ginagamit para sa babae at kung alin sa dalawa ang sa babae. Waah! Dahil ba ito sa pagiging third world country natin o sadya lang kaya talagang ganito na kababa ang kalidad ng edukasyon sa bansa? Pero hindi ako naniniwalang sa public lang ito nangyayari kundi sa mga private schools din. Hindi man natin lahatin ang mga public at private schools, nakakasira pa rin ng ulo na malamang ganito na ang lagay natin ngayon. Waah nakakapraning!

Monday, June 18, 2007

Madaling Araw

Wow 2am na di pa ko inaantok. Ang aga ko kasing nakatulog kanina eh mga 7 yata. Tapos nagising naman ako ng 11 dahil sumakit yung tyan ko sa gutom kakainis! Napagod kasi ako sa kagagala kahapon eh wehehe. Feel kong mag-extend ng bakasyon kaya ayun hehe hirap gumising! Ngayon ko lang napagtantong napakarami ko palang kailangang gawin. Ang saklap. Kanina pa sa klase nung mnabasa ko yung presume di na ko lalo matahimik dahil hindi ko alam kung kailan sya gagamitin kapalit ng assume o kaya eh kung pareho lang ba sila ng ibig sabihin. Ayun nabasa ko na yung dictionary pero ewan ko di ko pa rin alam. Hindi ako matatahimik hanggang di malinaw yang nakakinis na mga salitang yan hehehe. Huwaw! Nablangko na naman ang isip ko. Syet naalala ko na naman kailangan kong mamili ng black na ink cartridge kainis napakamahal pa naman! Mamumulubi na namn ako sana makahingi sa ate ng pambili. Tsk tsk tsk, kanina pa ako inuubo ah, ang kati ng lalamunan ko samantalang naadik na nga ako sa strepsils sa tabi ko eh. Ang hirap matulog sana antukin na ako!

Sunday, June 10, 2007

Kaytagal

Kung inakala ng maraming sobrang korni ng music video ng prinsesa ver. Six Cyle Mind, marami ang nagkamali. Haha may mas babaduy pa ba sa video ng Upside Down na kaparehong nirevive nila? Haha grabe sukdulan sa kapangitan!

Haay! Matapos ang pamimintas, gusto ko lang ipaalam sa lahat ang malungkot na balitang may pasok na sa 12. Masaya na rin kasi natapos na kong mag-ojt! Wee! Report na lang at 5 consultation projects at one major project at special project at thesis at maraming plates! Hwow! Andami pala!

Bukod sa mga ito, marami na akong namiss isulat. Busy kasi ang buhay... daming movies na rin ang di ko napintasan ah... haaay... sa susunod at busy ako ngayon.