Huwag itong basahin

'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.

Friday, February 22, 2008

Mabaho

Ayan, naligo naman ako kanina bago ako pumasok. Isang araw lang akong di naligo wehehe. Kaya siguro may sakit pa rin ako kasi di ako naligo nung isang araw.

Ang daming kailangang gawin parang wala akong natatapos. Gusto ko nang matapos para makatulog na 'ko. Hindi rin kasi ako makatulog ng maayos kapag alam kong marami pang hindi nagagawa.

Lilipat na naman kami ng bahay kaya di rin ako mapakali. Nakakabanas! Mababaliw ako lalo ng ganito. Wala akong pera tsaka hindi ako makagala. Wehehe! Sabi na kaya 'ko may sakit. Wala rin akong makausap na ibang tao. Buti na lang pinagtitiyagan akong kausapin nung freshie kong classmate sa GE. Ayoko namang mangausap ng mga tao sa ID ngayon dahil lalo kong naaalalang kailangan nang matapos ang thesis. Binaon ko na sa limot yung drafting pero ayan meron pa rin pala sa Huwebes.

Hindi naman masaya ang pakiramdam kapag magsaya 'ko ngayon at manuod ng kung ano nang alam kong di ko pa tapos yung thesis ko di ba? Waah! Kailangan ko 'tong matapos ngayong weekend. Ayan, kailangan kong maabutan ang deadline na ito. hindi na ako pwedeng lumampas ng Linggo sa pagsusulat ng thesis hanggang sa pag-organize ko ng mga impormasyong aking nakuha.

Waaah! Kailangan ko ng maaasar ngayon. Sumasaya lang ako kapag may nababanas sa 'kin.

Wednesday, February 20, 2008

Paano mo isusulat ang tunog ng dighay sa Filipino?

Dumighay ako ng gamot kanina. Dumikit pala sa lalamunan ko yung gamot kaya nung natunaw sumama ang mga powder sa aking pagdighay. Parang magic.

Wuhuhu hindi ako papasok bukas dahil masama talaga 'tong sipon, ubo at panaka-nakang lagnat ko. Kanina ko pa pinipilit i-type yung thesis ko kaya lang nahihilo talaga ako kaya umidlip muna. Ngayon itutuloy ko na itong gawin. Buti na lang nakakabuti ng pakiramdam ang noodles wuhuhu!

Tulad nga nung kalokohan kong pinagsusulat sa friendster kong blog kahapon, napatunayan kong nagkasakit nga ako dahil sa mga libro wehehe. Allergic nga yata ako talaga sa mga pahina ng aklat. Isang malaking JOK kung iisipin. Pero bakit kailangang isipin? Aay... ano na 'tong pinagsususulat ko?

Kalokohan.

Tuesday, February 19, 2008

Mula kay friendster: Bookallergic - Is there such a thing?

Waah! I can't access my blogger blog (wuhuhu). I've decided on posting here because I need to write..te.t.e... (what the? this is not leet speak ok!) Actually, I'm supposed to be doing my thesis now but I'm not really feeling well. It's the pharyngitis (did I get it right) thing again and it's bothering me so much that I can't concentrate on doing anything. I hope I'll feel better tomorrow so I can revise my writeup. Wahaha I'm going to sleep early tonight and hope that tomorrow will be a productive one. I think staying in the Archi Lib made me feel worse because I'm not used to being around too many books harharhar!

P.S. (harhar!)
I hate Fate stay night's main characters.

Monday, February 18, 2008

Eksukaliba

This entry is just a simple test on whether I can still use this language properly.

I have been having trouble in my writing since I stopped blogging. This blog is somewhat my way of practicing even though my topics are rubbish. I can't seem to find any useful topics so I just write stuff that I'm interested in. To be more specific, it's not really the interest that makes me come up with the garbage that I make. It's more of my expressions of anger and disgust with people and things on earth.

Right now, I can't come up with anything. Oyasuminasai!

Saturday, February 16, 2008

I)[] (_) £337?

Hayop! Naiinis talaga ako sa internet slang (sa ngayon papayag akong tawagin itong slang). Naiintindihan mo ba yung title nito? Yan ang ibig kong sabihin. (sorry friends na mahilig mag l33t speak) Para sa akin nakakabanas eh. Sige may kalayaan nga tayong gawin kung anong gusto natin sa internet lalo na sa mga forums at kung saan pa. Nakakainis lang kasi kahit mga mejo seryosong mga bagay ay ginagamitan na rin ng leet speak kung tawagin. Sa aking pagkakaalam eh ginagamit lang ito ng mga may iligal na ginagawa sa web o kaya sa mga mahilig lang magpakyut. Nakikita ko 'to madalas sa mga naglalaro sa netopia para siguro makapagmura sila ng hindi nafifilter yung mga salita o kaya ay sa mga forum para hindi ma-ban. Mas malala pa, pati sa totoong buhay ay ginagamit din itong kawirduhang ito. Hindi ba kaya nga tayo may kanya-kanyang titik para sa mga salita sa iba't ibang wika para 'yon ang gamitin? Kaya lalong nabobobo ang mga tao ngayon dahil sa kagagaya sa mga kung sinu-sino sa internet eh. Hindi ko talaga ito matanggap na tawaging bahagi ng language. Para bang sa txt pro ms mala2. Kaya nga mas nakakainis...

Naghanap ako ng blog na tungkol sa leet speak at tignan natin ang sinulat na guidelines ng manunulat na ito.

Mispell words whenever possible
Use numbers whenever possible
Add "z0r" and "x0r" when speaking casually
Use 1's mixed with !'s only if you've established yourself as 1337.
Use Caps only when you've established yourself as 1337
Practice

Sa aking palagay, sa paggamit ng uri ng pagsulat na ito NGAYON ay isa lamang malaking EXCUSE para maiwasan ang tamang pagbaybay at paggamit ng mga salita. Hindi ako henyo pagdating sa pagsulat at sa balarila ngunit hindi talaga katanggap-tanggap itong internet slang na ito lalo na sa pagkatuto ng mga tao ng tamang grammar at spelling. At sana ay kung sa web lang ito makikita ngunit sa mga nasanay na rito sa balikukong pagsulat na ito, ginagamit din ito sa ibang bagay.

Ayan, paulit-ulit na yung sinasabi ko. Gusto ko lang sabihin sa mga tumatangkilik sa leet speak: P.I.! Hindi kayo COOL!

Oro?

Naalala ko lang ang mga mapayapang oras na nanonood ako ng Rurouni Kenshin sa pakikinig ko ng OST nito wehehe.

Nakakaaliw kasi tapos na ang Kalayaan Renovation project wuhuhu sa wakas. Mga paper na lang at reports ang kulang na ipapasa. Ngayon ang mga gumugulo na lang sa akin ay ang thesis, book review sa PI, model sa ID 151, seminar sa ID 191, movie para sa LA 1 at iba pang stuff na may kinalaman sa pagkumpleto ng mga kailangan.

Nakakayamot yung fair nung Friday. Hindi maayos yung mga banda wehehe...

Ngayon halata namang lutang ako. Walang pagkakakaayos ang aking mga sinusulat. Sa bagay lagi naman mas malala lang ngayon. Nanggaling nga pala ako sa Gapo kahapon. Masaya wala akong ibang masabi.

Mamaya magsisimba kami. Ngayon gumagawa ako ng report para sa ID 191 para bukas. Sa madaling sabi, hindi pa ako tapos.

Oro?!?