Hayop! Naiinis talaga ako sa internet slang (sa ngayon papayag akong tawagin itong slang). Naiintindihan mo ba yung title nito? Yan ang ibig kong sabihin. (sorry friends na mahilig mag l33t speak) Para sa akin nakakabanas eh. Sige may kalayaan nga tayong gawin kung anong gusto natin sa internet lalo na sa mga forums at kung saan pa. Nakakainis lang kasi kahit mga mejo seryosong mga bagay ay ginagamitan na rin ng leet speak kung tawagin. Sa aking pagkakaalam eh ginagamit lang ito ng mga may iligal na ginagawa sa web o kaya sa mga mahilig lang magpakyut. Nakikita ko 'to madalas sa mga naglalaro sa netopia para siguro makapagmura sila ng hindi nafifilter yung mga salita o kaya ay sa mga forum para hindi ma-ban. Mas malala pa, pati sa totoong buhay ay ginagamit din itong kawirduhang ito. Hindi ba kaya nga tayo may kanya-kanyang titik para sa mga salita sa iba't ibang wika para 'yon ang gamitin? Kaya lalong nabobobo ang mga tao ngayon dahil sa kagagaya sa mga kung sinu-sino sa internet eh. Hindi ko talaga ito matanggap na tawaging bahagi ng language. Para bang sa txt pro ms mala2. Kaya nga mas nakakainis...
Naghanap ako ng blog na tungkol sa leet speak at tignan natin ang sinulat na guidelines ng manunulat na ito.
Mispell words whenever possible
Use numbers whenever possible
Add "z0r" and "x0r" when speaking casually
Use 1's mixed with !'s only if you've established yourself as 1337.
Use Caps only when you've established yourself as 1337
Practice
Sa aking palagay, sa paggamit ng uri ng pagsulat na ito NGAYON ay isa lamang malaking EXCUSE para maiwasan ang tamang pagbaybay at paggamit ng mga salita. Hindi ako henyo pagdating sa pagsulat at sa balarila ngunit hindi talaga katanggap-tanggap itong internet slang na ito lalo na sa pagkatuto ng mga tao ng tamang grammar at spelling. At sana ay kung sa web lang ito makikita ngunit sa mga nasanay na rito sa balikukong pagsulat na ito, ginagamit din ito sa ibang bagay.
Ayan, paulit-ulit na yung sinasabi ko. Gusto ko lang sabihin sa mga tumatangkilik sa leet speak: P.I.! Hindi kayo COOL!
No comments:
Post a Comment