Huwag itong basahin

'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.

Thursday, March 20, 2008

Pamahalaan ang Iyong mga Blog

Ngayon ko lang nakalkal ang aking blogger dashboard. Meron na nga palang Filipino sa mga wikang maaaring gamitin sa blogger. Wehehe! Nakakaaliw lalo na 'tong mga "katamtamang puna." Hindi ko tuloy maisip kung ano'ng pangalan ng tab na 'yan sa Ingles. Ah naalala ko na! moderate comments wehehe! Sobrang mali! May nakasulat naman sa itaas na tulong para sa help at lumabas para sa log-out. Nakakatawa lang kasi sa aking palagay mas magiging natural ang dating ng pagkasalin kung ginawa nilang magkatulad ang panahon ng pandiwa sa Filipino at Ingles. Wala ngang maisip yung gumawa ng salin ng settings at layout eh. 'Yung layout, maaari namang pagkakaayos sa aking palagay. Ang setting naman... teka wala rin akong maisip.

Haay! Gutom lang 'to!

Lindol

I had the strangest dream just minutes ago. Actually, I don't remember the details. I just found myself waking up and panicking because of an earthquake. I really thought (and felt) the room was shaking as I opened my eyes. I even asked my mom if she was aware of the quake but she didn't sense any. That was the only moment I realized I was having a bad dream.

It really was weird and I couldn't go back to sleep 'til now. I was out of the bedroom at exactly 12:35 am and rummaged through the stuff in the fridge. Then, there was this creepy feeling as I grabbed a knife from the cupboard. It was a feeling you usually get while you're watching a horror film. I think I was still half-asleep but anyway, it was nothing special. I just ate an apple afterwards.

Now, I'm blogging and hoping I'll fall asleep later. Haha! I think my thesis woke me up because I haven't finished the final final draft ('cause I did the final draft already). Fortunately, thinking of my thesis makes me feel dizzy. My eyes are literally getting heavier by the second. I guess I'm going to (*yawn*)... zzzzz...

Sunday, March 16, 2008

Susulat ba 'ko?

Pinag-iisipan ko pa kung magsusulat ako tungkol sa thesis defense ko kanina. Haay, parang ayokong magkuwento. Ang daming kung anu-anong tinanong at mga comments irereserba ko na lang sa pag-rerevise ng papel.

Gagawa pa nga pala kami ng model ng set design para sa hindi pa namin napagdedesisyunang play o musical. Sana pala matapos na namin agad para umabot sa 27 wehehe. Iniisip kong gawan ng model eh yung pelikulang Bayaning 3rd World kasi nahawa na nga 'ko sa prof ko sa PI 100 sa pagkahumaling sa kwento ng buhay ni Rizal. Waaah sana matapos na ang sem. Nakukulangan na 'ko sa aking anime entertainment wahaha. Mababa na rin ang levels ng aking PSP skills dahil hindi na ko nakakalaro. Wahaha walang ibang gustong gawin kundi manuod ng tv, gumawa ng mga 3d, magdrowing ng kung anu-ano, at kumain. Gusto kong magpakatamad ng kahit dalawang araw lang. Tamad = hindi gagalaw-galaw, 'di maliligo, hihiga-higa lang at manunuod. Harharhar!

Thursday, March 13, 2008

Baluuur

Bakit kaya baluur ang sinisigaw ni manong balot? Wehehe nagugutom na naman ako.

Kaninang umaga, hinugot ko ang mga parasitikong bulateng nakadikit kay Ichigo. Medyo kadiri pero buti na lang natanggal at ngayon masigla na siyang muli! Haay, ang tagal na namin may mga isda ewan ko kung bakit ngayon lang sila nagkakasakit ng bulate.

Isa pang kadiri, may mga pinatay sa Olongapo ipinakita lang ngayon sa tv. Iniwan yung dalawang katawan sa banyo. Yung dalawa naman ay nasa sala. Binaril silang lahat sa isang apartment sa Gordon Heights na tinangkang sunugin nung mga pumatay. Kaya lang tanga rin yung mga kriminal, namatay agad yung sunog na ginawa nila, parang yung ibabang bahagi lang ng pader yung nasunog tapos ang dami pa nilang iniwang ebidensya. Hindi siguro talaga mga bihasang mamamatay-tao. Kahit ano pa man ang dahilan, hindi nakakatuwa.

Ayan, nawala tuloy yung ikukwento ko. Nahanap kasi namin yung sulat ng tatay ko sa 'kin nung Grade 5 ako. Nakakatawa kasi matagal ko na rin yung hinahanap. Kung hindi siguro nahanap 'yon di maniniwala sa 'kin si Ate. Sinasabi ko na kasi sa kanya dati na meron ngang sulat si papa sa 'kin nung maliit ako na sinesermonan ako na parang napakadelingkwente kong bata. Haha tawa kami nanh tawa nung nabasa namin kanina. OA kasi yung pagkasulat nung tatay namin kaya nakakaaliw. Pero kung ihaambing ko noong nabasa ko 'yon noong labing-isang taong gulang ako, ibang-iba syempre ang dating. May pagka-clueless ako 'nun at pakiramdam ko ay napakasama kong nilalang. Ginagatungan pa ng nanay ko noon na "yung ate mo ni hindi nasabihan ng papa mo ng ganyan tapos ikaw... yada yada" wehehehe! May nabanggit pa doon na kung ayaw ko na raw mag-haysul eh sabihin ko lang daw. WUHUHU! Nakakatawa talaga! HARHARHAR! Gusto ko pang ikuwento e kaya lang kailangan ko nang mag-print ng final draft ko eh.

Bukas kukutuhan ko rin sina Mion at Shion!

Wednesday, March 12, 2008

Chibi

Haha inaalay ko itong post kong ito kay Chibi...

Wehehe naaaliw ako kay Chibi kasi natutuwa siya sa nilipatan namin kasi nakakagala siya. Hinahayaan siyang makawala ni mama kaya ang saya-saya niya. Ngayon nga lang nakatali siya uli kasi wiwi siya ng wiwi sa loob ng bahay. Wehehe...

Gusto ko nang maligo mabaho na kasi ako. Tatapusin ko na ngayon ang aking final draft ng thesis. Haaay sana naman maipasa ko ang defense. Nayayamot pa naman ako sa mga magtatanong.

Naalala ko lang nga pala ang aking "misyon" noong Lunes. Napagtanto kong nabigo na ako ng lubusan. Haay! Parang gusto kong kantahin yung kanta ng Apo na kinanta ng Sugarfree. Pero teka wala pala 'yong kinalaman. Naalala ko lang yung linyang "Ganyan talaga ang buhay..." pero wala na palang koneksyon yung kasunod na lyrics. Nakakalungkot malamang nabigo na nga ako at ang masaklap pa ay wala na akong magagawa. Harharhar! Tatandaan ko 'to sa susunod para maging matagumpay na ako sa aking MISYON.

Waah! Sinusunod ko pa rin ang aking pilosopiya sa buhay na "who cares?" harhar! Pilosopiya ba yun?

Ang kyut mo Chibi!

Sunday, March 9, 2008

Pishi

Haha may bago akong pwets... este pets. Waah nakakalungkot namatay na si Raichu. Si Raichu nga pala ang aming dilaw na ranchu na naging silver nung tumagal (parang nangupas yung kulay). Namatay siya sa red spots na nakuha niya noong lumipat kami ng bahay. Noong isang araw naman namili ako ng pulang ranchu. Ang pangalan niya ay Ichigo hindi dahil mukha siyang strawberry wehehe orange kasi siya kakulay ng buhok ni Ichigo sa Bleach. Sabi ko kanina pula pero ngayon orange... haay bahala na! Tapos kahapon binili ko si Mion at Shion. Dalawang maliit na pulang ryukin sila na medyo may sakit. Hindi ko agad napansin kaya ginagamot ko sila ngayon. Wehehe... hindi ko pa naeedit yung thesis ko kasi natuwa ako masyado kina pishi. Waah! Kailangan ko nang matapos isang linggo na lang ang klase!

Friday, March 7, 2008

Adobo

Kaninang nasa jip ako naisip ko na kung anong isusulat ko ngayon eh. Hindi ko naman pinaghahandaan, basta ko lang naiisip, "wahaha gusto 'tong isulat." Ngayon naman hindi ko na matandaan. Ang naaalala ko lang eh adobo. Sumakit kasi yung ulo ko kaninang PI. May katabi kasi akong papansin na klasmeyt na ok lang naman sana. Hindi ko lang matiis yung pagka-adobo niya. Ewan ko kung kumain sya ng adobo bago pumasok sa klase kasi nga naman 11:30 yun baka nga gutom na siya. Hindi na siguro ako sana maaapektuhan nung amoy kung hindi siya malikot sa upuan niya. Haaay, ang sama ko na naman alam ko.

Malapit ko nang matapos ng maayos yung thesis ko. Kailangan na lang ng marami-raming edit pa. Malapit na rin ang defense. Holy Monday pa ako natapat. Holy Week ko nga yata yun talaga. Kailangan kong umayos haay naku ayoko nang mag-extend pa ng taon sa UP. Sawa na 'ko mag-aral sa ngayon kahit na alam kong mas masarap mag-aral kaysa magtrabaho. Pero kung iisipin, mas ok yung trabaho eh. Kapag nag-aaral ka kasi naghihirap ka tapos hindi ka naman binabayaran. Kapag nagtatrabaho ka naghihirap ka pero may bayad.

Naiinis talaga 'ko sa mga tao. Nakakabanas lang yata talaga yung mga tao sa jip. Minsan nga gusto ko silang pagalitan na "gago ka kung ayaw mong maipit mag-taxi ka!" Haay 'pag di siguro ako nakapagpigil hmmp... Bwiset ang dami pang ayaw mag-abot ng pamasahe at sukli. 'Di ka na nga nagrereklamong hindi sila naligo at nanlalagkit pa, iaabot na lang yung pamasahe mong malinis pa sa kanila 'di pa magawa.

Haay... yan lang naman ang galit ko sa mundo ngayong araw. Ayoko nang maalala yung iba.