Kaninang nasa jip ako naisip ko na kung anong isusulat ko ngayon eh. Hindi ko naman pinaghahandaan, basta ko lang naiisip, "wahaha gusto 'tong isulat." Ngayon naman hindi ko na matandaan. Ang naaalala ko lang eh adobo. Sumakit kasi yung ulo ko kaninang PI. May katabi kasi akong papansin na klasmeyt na ok lang naman sana. Hindi ko lang matiis yung pagka-adobo niya. Ewan ko kung kumain sya ng adobo bago pumasok sa klase kasi nga naman 11:30 yun baka nga gutom na siya. Hindi na siguro ako sana maaapektuhan nung amoy kung hindi siya malikot sa upuan niya. Haaay, ang sama ko na naman alam ko.
Malapit ko nang matapos ng maayos yung thesis ko. Kailangan na lang ng marami-raming edit pa. Malapit na rin ang defense. Holy Monday pa ako natapat. Holy Week ko nga yata yun talaga. Kailangan kong umayos haay naku ayoko nang mag-extend pa ng taon sa UP. Sawa na 'ko mag-aral sa ngayon kahit na alam kong mas masarap mag-aral kaysa magtrabaho. Pero kung iisipin, mas ok yung trabaho eh. Kapag nag-aaral ka kasi naghihirap ka tapos hindi ka naman binabayaran. Kapag nagtatrabaho ka naghihirap ka pero may bayad.
Naiinis talaga 'ko sa mga tao. Nakakabanas lang yata talaga yung mga tao sa jip. Minsan nga gusto ko silang pagalitan na "gago ka kung ayaw mong maipit mag-taxi ka!" Haay 'pag di siguro ako nakapagpigil hmmp... Bwiset ang dami pang ayaw mag-abot ng pamasahe at sukli. 'Di ka na nga nagrereklamong hindi sila naligo at nanlalagkit pa, iaabot na lang yung pamasahe mong malinis pa sa kanila 'di pa magawa.
Haay... yan lang naman ang galit ko sa mundo ngayong araw. Ayoko nang maalala yung iba.
No comments:
Post a Comment