Ayan nagpupuyat na naman ako sa panonood ng anime. Huwag na huwag kayong maniniwala sa kung sinumang nagsasabing maganda ang kwento ng Nana. Katatapos ko lang panoorin ngayon at isa siya sa mga pangit na anime na napanood ko. Kung art at animation ang pag-uusapan sobrang maayos naman pero bokya talaga yung storya.
Ganito kasi 'yun...(paunawa: magulo ako magkwento at susubukan kong ikwento ang Nana, huwag basahin kung mahihiluhin) May dalawang bida na ang pangalan ay Nana pero hindi sila magkamag-anak o kung anuman. Nagkakilala lang sila sa tren papuntang Tokyo tapos nagkataong naging roomates sila doon. Inumpisahan yung anime sa kwento ni Komatsu Nana (na hindi ko na ikukwento) at sinisingit lang yung kwento ni Osaki Nana. Yung nauna college graduate sa isang art school, yung pangalawa eh yung bokalista ng isang banda. Ayoko nang ilarawan pa sila ng mabuti... basta si Komatsu Nana eh yung mas malandi sa kanila. Sa totoo lang halos puro tungkol lang kay Komatsu yung kwento parang bitin lang yung kay Osaki. Muli, nahumaling na naman ako sa magandang drawing ngunit wala namang storya. Puro panlalandi lang ni Nana sa lahat ng lalaking makita nya umiikot ang kwento tapos nabuntis lang sya nung huli. Yung isang Nana hindi na pinakita kung anong pinatunguhan niya at nung banda niya nung final ep.
Sa huli, aking napagtantong nagsayang ako ng oras sa panonood ng 47 ba o 48 eps ng walang kwentang palabas. Sa bagay pwede na rin naman, yung drawing na lang ang nakakaaliw. Pangit kasing hindi tapusin ang mga pinanonood. Wehehe!
'Yan namang Ghost Hound isa ring kalokohan. Tungkol pala siya sa sakit sa utak, astral projection, cloning at global warming. Haaay... ganda pa naman ng drawing kahawig ng Jigoku Shoujo di ko lang sigurado kung pareho ang gumawa.
Elfen Lied naman ay puno ng mga patayan, putol ng mga katawan, mga abnormal na tao at ng fan service. Ayos lang 'to kasi 13 eps lang naman at medyo ok naman yung end marami nga lang ring mali. Hindi gaanong nakaaakit ang drawing pero sobrang ayus yung animation lalo na yung mga napuputol na bahagi ng katawan at sumasabog na mga tao. Magkakahawig lang kasi yung characters... Haaay...
1 comment:
hahaha...parang ayoko na tuloy sila panoorin lahat! Talaga..may nabuntis sa Nana...kakaiba yon ah!
Panoorin mo na lang Soul Eater..ang panget ng drawing..ang tanga ng mga characters...pero nakakaaliw panoorin Hahaha!
Post a Comment