Nauna ba ang terminong smileys kaysa sa emoticons? Naisip ba nung nagpangalan ng smileys na hindi naman lahat sila ay nakangiti at tinawag na lang emoticons o ito ba'y kabaligtaran? Bakit nga ba napakalaki ng epekto ng mga bilog na ito sa ating buhay? Halimbawa na lang may kausap ka internet at sinabihan ka niyang...
Gago ka =)
Gago ka ;p
Gago ka =S
Gago ka =(
Gago ka :@
Gago ka B)
eh iba't iba ang magiging reaksyon mo?
Alam naman natin siguro ang sagot ngunit hindi na lang natin binibigyan ng pansin. Ngunit ayos lang 'yun dahil wala namang mabuting idudulot ang pag-iisip nito. 'Wag 'nyo kong pagpaliwanagan ng mga teorya at kung anu-ano pa ng mga simbolo at salita. Nais ko lang magsulat.
No comments:
Post a Comment