Huwag itong basahin

'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.

Saturday, September 27, 2008

Akatsuki

Weee! Dalawang linggo kong inabangan itong episode 76-77 ng Naruto! Nakatutuwa naman noong napanood ko ito kanina! Wooo! Exciting na uli ang mga pangyayari! Malapit nang ipakita 'yung technique nung dalawang akatsuki members na si kakuzu at yung partner niyang 'di ko maalala ang pangalan! Wehehe! Nakakaaliw at ipapakita na rin muli sina Shikamaru at Asuma in action. Si Naruto, well nag-aaral siya ng bagong technique at wala namang gaanong bago dun hehehe.

Sa D. Gray-man naman natapos na rin ang pagka-lame ni Lenalee sa episode 102 harharhar! Gusto ko nang mapanood yung mga kasunod kung papangit uli yung kwento. Ang idol kong si Crowley ay wala pa rin sa kwento ngayon at nananatiling unconcious (haha). At excited na akong panoorin ang kadodownload kong XXXHolic Kei! Woohoo!

'Yan lang naman ang kaadikan ko sa anime.

Friday, September 26, 2008

Pakyu-t!

Buti na lang at antok na antok na ako kagabi dahil malapit na akong dalawin ng depresyon. Mabuti na lamang at nakatulog na ako agad matapos ang aking huling text. Ang daming mga bagay na nasa isip ko ngayon buti na lang at may naitutulong itong kaadikan ko sa anime. Sumaya naman ang umaga ko dahil sa 1-hr special ng Naruto na dinadownload ko ngayon. Naiisip ko rin naman madalas, paano kung hindi ako makapasa sa board exam na sabi nga ng ibang mga tao "sus, madali lang yan" (pakyu!). Naiisip ko lang din na pag-aaksaya lang iyon ng oras para mag-aral na hindi ko rin naman alam kung may patutunguhan pa. Ok lang naman 'yung inspirational talk kahapon na "semi sermon" kasi totoo naman pigsasabi nila. Medyo nakabababa lang talaga ng self-esteem yung ibang bagay na nabanggit. Sana sa totoong boards ay makapasa na kami... Woohoo!

Friday, September 19, 2008

Summer Song

Masyado pa ngang maaga para sa summer pero di naman ako gumawa ng kantang yan eh... (whatever!) Masaya ako ngayon sa di maipaliwanag na dahilan. Dahil kaya sa bagong single ni YUI na Summer Song? Ewan! Kahit na marami pa akong kailangan mabasa para sa board exam na kailangan ko nang i-cram dahil sa dami ng oras na aking pinalagpas ay masaya pa rin ako. Ewan ko rin kung kailan ako uli makapagoonline. ('Pag may bagong episode siguro ng shippuuden?) Pero sa ngayon ay iiwan ko muna ang aking pag-bblog na wala naman talagang kapararakan. Wuhuhu! Sana makapasa ang lahat ng mga mag-tetake ng board exam ng ID!

Processed Brain?

Ilang linggo na ring puro tungkol sa board exam ang aking isinusulat dito. Ngayon pag-usapan naman natin ang pagkain. Ano nga bang babaunin natin sa board exam? Wehehe tungkol pa rin pala sa board exam. Pero kahit na usapang pagkain ito. Ako, napili kong magbaon ng processed food. Bakit? Una, madali itong kainin. Pangalawa, marami itong betsin. At ang panghuli at pinakamagandang dahilan ay hindi ito maganda sa kalusugan. Medyo malabo yata yung huli parang wala lang akong maisip ne? Sa unang araw ay kakain ako ng paborito kong processed food na maraming salitre, tocino. Sa susunod na araw naman ay nuggets para mapuno ng harina ang aking utak. Sa huling arawa ay nakalatang hamon para makalawang.

BUMILI KA NG SAMPAGUITA KUNDI SASAMPALIN KITA!

Haay! Mga tao nga naman... Kanina sa SM nang kami'y pauwi mula sa pamimili ng mga kailangan sa bahay, may nakasalubong kaming nagbebenta ng sampaguita. Noong una umiling na 'ko kasi wala na talaga 'kong pera kahit bente... pinambili ko na ng gamit para sa board. Dumukot naman ako sa aking bulsa at sa kasamaang palad wala talagang mahihita sa akin. Nakita naman nitong si ate ang nangungulit na bata. Binili na rin niya yung sampaguita. Maya-maya ay may lumapit uling babae na kasama nitong si batang nagbenta na sa 'ming nauna. Pinipilit niyang bilhin din namin. Siyempre sabi namin sa iba naman siya magbenta at binili naman na namin yung mga hawak nung kasama niya. Nangulit pa rin 'tong si babae at ayaw umalis. Paulit-ulit ding sumagot ang ate ko na sa iba ka na lang magbenta. Nayamot itong si ateng sampaguita at lumayas ng may binubulong-bulong pa (may sinasabi yatang 'para bente lang' o kaya ay 'para makauwi na nga lang' ng medyo iritable) Eh siyempre sumagot naman itong si ate na, "sabi ko kasi sa 'yo ibenta mo sa iba eh." At aba itong mataray na nagbebenta ng bulaklak eh sumagot, "oo na! oo na! tama na!" Kung tinotopak ako eh pinatulan ko siguro siya. Aba eh kapalmuks din naman at siya pa ang galit at pikon.

DEFINE 'MAPANLAMANG'

Nasa pila pa rin kami ng taxi at maya-maya'y may dumating na nga. Isinakay na namin ang mga pinamili at pumasok sa taxi. Noong makaandar na kami ng konti eh sabi nitong si manong, "Dagdagan nyo na lang ng bente ha." Di kami sumagot dahil obyusli hindi tama 'yon at hindi nararapat. Nahalata nya yatang ayaw namin. Hindi na rin kami bumaba at umangal (na kadalasa'y aming ginagawa) dahil gabi na at pagod na kami. Nagkuwento ngayon itong si manong tungkol sa naunang gustong magpahatid sa kanya. Namili raw ng malaking tv at washing machine at nagpapahatid sa Novaliches. Kwento-kwento naman siya na napakakuripot daw nitong mga sasakay dahil ayaw magdagdag. May nalalaman pa siyang ninety percent daw ng mga sumasakay ng taxi ay kuripot. Nangangati na yung dila kong sumagot, "Oo nga ho eh at 99% ng mga taxi drayber eh nanggugulang ng mga pasahero." Habang iniisip ko 'yon eh bigla niyang sinabi, "Ganyan talaga ang mga tao basta lang makalamang eh manlalamang talaga ng iba." "Parang kayo ho no?" gusto kong sabihin. Haay nanggigigil na 'kong sagutin yung mga kalokohang sinasabi niya. Ang masama pa nito napakabilis nung metro niya tapos may dagdag pang hiningi.

Alam nyo po ba manong na kayo'y nanlalamang ng kapwa? Lahat ng mga nagtatrabaho ay nagbabayad ng tax at kayo nakukuha nyo ng buo yung pera nyo bukod sa boundary ng walang bawas. Magkano 600 minimun kada araw? Eh yung mga nagtatrabaho lang na kailangan lang talagang sumakay ng taxi dahil maraming dala o kung ano pa man buti kung umaabot ng 600 ang kita nila kada araw. Mas mareklamo pa kayo, aba di lang kayo ang naaapektuhan ng pagtaas ng gasolina. Haay nakakapagngitngit talaga.

Wednesday, September 17, 2008

Si Mortise at Si Tenon

Wow may bago akong gustong gawan ng kwento. Gawin ko kayang manga 'tong si Mortise at Tenon.. Ano kayang pangalan nila sa Hapon..?

Kukwentuhan muna kita ng nangyari sa araw na ito. Nagising ako ng maaga kanina nang mag-alarm ang aking cellphone. Ginising ko si ate para magluto ng almusal. Haha! Masamang bata! Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Wala akong makita dahil sa dami ng mutang namuo sa paligid ng aking mata. Humiga-higa ako sa sofa at nang mahimasmasan ay naligo na. Natapos ang maikling paliligo at ako'y nagbihis na. Kumain na kami ng agahan at ng gelatin ni ate (na tayp din ni Chibi). Nagmadali akong lumabas ng bahay na makita ko ang oras. Nagtungo ako sa sakayan ng traysikel at nagpahatid sa sakayan ng UP Ikot.

Makalipas ang ilang minuto'y nakasakay na rin ako sa dyip bitbit ang mga basurang kailangan ko para sa mock board. Ay! baka magtampo sila sa akin... hindi pala sila basura... ang aking mga kayamanan hahaha! Matapos ang maikling paglalakbay ay nakarating din ako sa daan patungo sa liblib na IDS 122A kung saan ginaganap ang taunang Mock Board Exam.

Dumating ang exam at ang lahat ay naging seryoso (haha parang may mali!). Nakaaaliw ang ibang mga tanong at nakababaliw naman ang iba. Ang isang minuto'y parang tumagal ng isa't kalahating minuto... (ermm...huh?) At ako'y magfa-fast forward. Natapos ang exam nang hindi ko nalalaman ang totoong sukat ng isang krib. Tulad ng madalas na nangyayari nanghula na naman ako.

Natapos na nga ang exam at ako'y nagmadaling pumunta sa simbahan sa pag-aakalang may misa ng alas singko. 'Yun pala wala. Kumain na lamang ako sa SC ng sizzling liempo na hindi naman nagsi-sizzle. Nakakabanas pa dahil wala RAW silang kutsara't tinidor. Makalipas ang tila isang oras ng paghihintay sa kutsara't tinidor ay may dumating na aleng may dalang plastik. Kumuha itong si isang ate ng tissue mula sa bitbit na plastik nitong si ale. Nag-init ng ulo ng makita kong naroon lamang pala sa isang sulok ang kutsara't tinidor na itinago ng walanghiyang ate. Binalot niya ito ng tissue bago ibinigay sa akin. Gusto kong idikit ang mukha niya sa maitim na platong nasa harap ko. Haay! Gutom na gutom pa naman ako. Sana hindi na kami muling magtagpo ng landas at hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanya pag nagkaganoon.

Paglabas ko ng kainan noong ako'y naglalakad na palabas ng SC, may nakakayamot na manong na kumakanta-kanta sa gitna at nangangarap yatang madiskober ng kung sinong makaraan. Nagpapaka-raker-raker siya doon sa gitna ng mga makinang nagsasayang nga papel. Matapos akong mabwisit at makakain, nagtungo na ako sa simbahan. Aliw na aliw akong naglakad habang iniisip na may kalokohan na naman akong isusulat ngayon. Pumasok ako sa simbahan at hinintay ang aking ate. Habang naroon ay nagmasid ako sa aking paligid. nakita ko ang mga painting ni Vicente Manansala. Naisip ko agad.. ooh Cubism. Siya nga rin pala 'yung First Filipino...err whatever. Di ko maalala. Dumating rin anf aking ate at nagsimula na rin ang misa. Nakinig ako at nagtaka sa kakaibang accent 'nung pari. Para siyang si Rex Navarrete na Pilipinong-Pilipino ang hitsura pero kakaibang magsalita.

Natapos ang misa at kami'y nag-abang ng Philcoa na dyip. Nakaalis na lahat ng nag-aabang (bukod sa amin) at wala pa ring dumating na dyip. napagkasunduan naming sumakay na lamang ng taksey. Bitbit ang aking mga kayamana'y naupo ako sa taksi at natuwang makakauwi na rin sa wakas.

'Yan ang kwento ng aking nakagugutom na paglalakbay. Harharhar! Nasaan si Mortise at Tenon?

Monday, September 15, 2008

Nakakapagpabagabag

Totoo! Nabagabag nga ako sa aking mga nakita. Magkahalong pagkayamot, pagkasuklam at pagkamuhi ang aking naramdaman ng makita ko ang bidyo. Ang bidyong nasa blog ni Rachel. Hayop na yan! 'Yun agad ang pumasok sa aking isipan.

Hahaha! Rach san mo ba nakuha 'yan Indian na ewan na 'yan? Sumakit ang ulo ko at nadagdag ako sa mga biktima niyang bidyong 'yan. Bakit kailanagang sumayaw ni Superman at Spiderwoman? Haay ayoko nang isipin.

Kagabi habang ako'y nahihilo at nanonood ng TV, kumain ako ng ice cream. Maya-maya naramdaman kong ito'y umaakyat sa sa aking lalamunan. Hanggang sa...toot... Kala ko nagsuka na 'ko ng dugo. Haha kulay pula kasi ang aking isinuka ng maraming beses. Bakit pula , aming pinagnilayan. Kumain ako 'nung umaga ng corned beef, nung tanghali ng corned beef, nung gabi ng corned beef na tira ko nung tanghali, at uminom ako ng maraming-maraming strawberry juice. Ah, kaya pala pula... nawala na rin ang aking pagkabagabag.

Saturday, September 13, 2008

Didisturnilyadurin kita!

Yaaaaaataaaaaaa! Wehehe ngaun ko na lang uli naisip sumulat dito... Naaliw kasi ako masyado sa death note na binigay sa 'kin ng ate ko kaya doon na lamang ako sumusulat ng blog. Wehehe! Ano bang nangyari sa mahabang panohon na hindi ako nagsulat? Isa-isahin natin:

1. Naggala-gala kung saan-saan.
2. Maraming beses bumakay sa nakakaaliw na ride sa Star City na nakabitin ang paa.
3. Pumasok sa review center.
4. Naggala uli ng marami.
5. Inihatid ang nanay sa airport.
6. Nagpanggap na nagrereview.
7. Totoong nagreview.
8. Nanood ng mga pelikula at anime.
9. Namili ng markers at ibang bagay na mahalaga para sa board exam.
10. Nagkakanta kagabi hanggang madaling araw bilang ganti sa mga hinayupak na kapitbahay na isinusumpa ko.
10.1. (10 lang kasi dapat) Nagrereview at nag-bblog.

'Yan lang naman ang natatandaan ko... Ngayon tatapusin ko na 'to para mainstall ko na yung bagong real player... Sa uulitin!