Huwag itong basahin

'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.

Thursday, December 11, 2008

Konti na Lang

Haay! Nakakalungkot na naman dahil konti na lang eh matatapos na itong masaya kong bakasyon. Pagsapit ng January ay seryoso na akong maghahanap ng trabaho. At oo pag-iipunan ko ang speedlight na sb-600! Haay, haay... bago ako matulog at paggising ko eh yung flash ang naiisip ko. Ganito ba ang inlab? Inlab ako kay SB-600! Hehehe! Tinitignan ko kasi ang mga dati kong mga kinuhanang litrato at unti-unti'y napapangitan na ako sa mga ito lalo na sa may mga flash. Nang makita ko ang SB-600 at SB-400, ako'y agad na nahumaling! Hahaha! External flash! External flash! Hehehe! May mga type na naman nga akong maliliit na digicam ng nikon, kodak canon at pentax... Wooo! Ang saya-saya!

Sa ngayon ay ipagpapatuloy ko muna ang aking pag-aaral ng Adobe Illustrator at kung ano pa man ang matripan kong kalkalin. Corel siguro at AutoCAD muli... puro vectors hahaha! Ayan lang naman ang kinaaadikan ko ngayon bukod sa anime.

Alin-alin ba ang mga pinanuod at pananonood ko ngayong nakaraang buwan? Natapos ko na ang Black Cat, Yamato Nadeshiko Shichihenge, Darker than Black at nanonood ako ngayon ng Hakaba Kitaro. Nakapila pang panonoorin ko eh Ergo Proxy at Ichigo Mashimaro. Waah! Ang dami ko pang gustong panoorin!

Nakakaaliw! Sa ngayon, mula noong laban ni Chiyo, Sakura at Sasori, episodes 86-87 na ang pinakamagandang episode ng shippuuden para sa akin! Hindi na nga lang gaanong exciting dahil alam kong may pangit na nangyayari sa manga. Kakashi!

Malapit na rin ang Pasko at ang pagbalik ng aking mga magulang mula sa bansa ng mga Arabo. Haay! Ang dami pang kailangan gawin!

No comments: