Huwag itong basahin
'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.
Wednesday, December 17, 2008
Parada ng mga Parol Taong Dalawanlibo't Walo
Walong minuto ng nakatutuwang fireworks. Sulit na rin ang pagpunta sa Lantern Parade. Masyado lang yata akong nag-expect ng sobrang maganda haha! Isandaang taon naman kasi UP, kelan mauulit ang 100 years? Hindi naman siguro makatarungan kung aking sasabihing pangit ang Lantern Parade dahil hindi ko naman nakita lahat ng nagparada. Pero sa aking naabutan syempre wala pa ring tatalo sa CFA na natatanging inaabangan ng lahat. Tulad ng dati wala pa ring kwenta yung sa ibang kolehiyo (pasensya na sa mga naabutan kong colleges pangit talaga eh hehehe). Nakakaaliw rin naman pala yung lantern ng UP Pampanga (syempre papatalo ba sila sa paggawa ng parol). Oooh! Nakatulog ako ng saglit ah! Ngayon-ngayon lang habang ako'y nagtatayp. Wala kasing masakyan pauwi kaya naglakad na lamang kami hanggang KNL. Pero buti na lang talaga at nabawi ng fireworks ang pagkaburyong ko sa ibang mga lantern. Kahit hindi ko nakita yung sa college namin sigurado naman akong pangit yun eh (waah! 'wag nyo kong bugbugin totoo naman eh). Sayang nga lang di ko dala si Tyaki o kaya si Kun-kun pero mas ok namang wala akong camera no Rachel? Wehehe 'wag magalit alam ko namang paborito mo yung lantern ng Babaylan eh. Sayang naman 'yung mga hindi nakapunta... ngunit sa kabilang banda, ok lang din wala namang masyadong pinagbago eh wehehe!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment