'Pag bata ka sa mababang paaralan, siguradong saulong-saulo mo 'tong tanong na ito: "sa anong katangian kilala ang mga Pilipino sa ibang bansa?" Siyempre uto-uto ka sasabihin mo "hospitality po!" Ayan 'yan eh. Maganda naman siguro talaga ang gustong iparating nito noong mga "unang panahon." Alam naman nating may hindi magandang bahagi ang mga kaugaliang Pilipino, pero bakit ko ba napagdiskitahan itong si hospitality? Sa dinami-rami kasi ng mga foreigner (lalo na mga Koreano) na pagala-gala sa Pilipinas eh nakakarindi na itong maganda dapat nating katangiang pagiging palakaibigan at kabaitan sa mga dayuhan. Nakalulungkot kasi ginagawa itong dahilan ng mga tao para itrato ng mas maayos ang mga dayuhan kaysa sa sariling mga kababayan. Nagiging exaggerated na ang pagkaintindi ng ilang mga tao rito. Akala yata nila dapat pakitaan natin ng kabaitan lahat ng mga dayuhan na parang sila'y mga espesyal na nilalang sa mundo. May karugtong pa: sa kabilang banda naman, maging buraot tayo sa harap ng ibang Pilipino para malaman nila ang kinatatayuan nila sa mundo.
Hindi 'yan OA! Pansinin 'nyo kahit sa mga mall na lang. 'Pag ikaw ang nagtanong sa isang empleyadong maraming ginagawa, iismiran ka nyan at masungit kang sasagutin. Pero 'wag ka, kapag dayuhan ang kaharap niyan, kahit maraming ginagawa eh magkakanda-buhol at dila't pipiliting ngumiti ng lampas tenga 'yan sa pagtulong sa "kawawang" foreigner. Aay 'pag nakakakita nga naman ako ng ganyan eh gusto kong upakan kung sino 'man 'yon na parang pinagpala siya ng langit at kinausap siya ng foreigner. Hello! Mag-isip! Ayusin mo sarili mo ha!
Hehe... Ewan ko ba kung ano'ng kahuma-humaling sa wikang Ingles lalo na't kung galing sa isang alien at nagkakaganito ang mga tao. 'Di naman ako galit. Namamansin lang.
No comments:
Post a Comment