Nasubukan mo na bang amuyin ang bagong lagang saging na saba? Eh 'yung matagal na sa plastik? Sabi ng aking ama at ng aking kapatid, amoy bulok na basahan daw. Ewan ko kung sino'ng nagsabing amoy paa naman daw... Sa aking palagay, mas naaangkop ang amoy basahang pinamunas ng bulok na paa.
Wala na naman akong maisip isulat. Mabaho lang siguro ako kaya ko naisip 'to. Nakakaaliw lang kasi ang magsulat ng blog. Minsan nalilimutan mong may mga taong nakakabasa. Sa bagay, kahit alam mong may ibang nakakakita, ikaw naman ang bahala kung susunod ka ba sa mga patakaran ng pagsulat na iyong natutunan. Sa bagay ito naman ang iyong sariling talaarawan kaya't ikaw ang bahala kung ano'ng gusto mong gawin dito.
Hindi rin kailangang pormal o may istilo ang iyong pagsulat, ikaw na rin ang bahala. Ngunit kung praning ka katulad ko, marahil nais mo ring ayusin kahit paano kahit ang porma lamang ng iyong mga pangungusap. Oo, kahit walang kapararakan ang aking mga sinusulat.
Para nga pala sa impormasyon ng mga nang-iimbyerna sa akin sa aking pagiging unemployed, magsaya na kayo dahil mula noong ikalabindalawa ng Pebrero ay naghahanap na ako ng trabaho. Salamat!
Sa ngayon, isa pa rin akong gusgusing batang pakalat-kalat kung saan. Nagkakamot ng ulo't naghahanap ng kuto.
No comments:
Post a Comment