Huwag itong basahin

'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.

Thursday, April 21, 2016

Plastikan

Paano ko ba sisimulan 'to? Sa tagal ko nang hindi nagsusulat, hindi ko na alam kung ano'ng sasabihin. Sa bagay, bukod naman sa walang kapararakang mga bagay sa blog na ito, nariyan din ang mga reklamo ko sa mundo. Magrereklamo ako.

Nitong nakaraan ay nagtungo kami sa Quezon City Hall upang magbayad ng dapat bayaran. Matapos ang lahat ay doon na rin kami nananghalian.

Maraming kumakain sa paligid sapagkat maraming mga nagbebenta ng pagkaing Pinoy. Ilan sa mga ito ay kalamay, okoy, karyoka, turon, kanin at ulam, halo-halo, atbp. Habang masayang kumakain (bagama't nag-aalala sa dami ng mantika ng pagkain), napansin naming maraming umaalis na nag-iiwan ng mga pinagkainan nila sa mga halaman at ilalim ng mga upuan. Nakapagtataka sapagkat ni hindi ko man kinailangang tumingin pa sa malayo upang maghanap ng basurahan.

Ayan oh! Ang layo 'di ba? Sa katunayan, marami pang mga kalat ngunit hindi ko na lamang nakuhanan dahil nahiya naman ako sa ibang mga kumakain. At dahil may kahihiyan ako, itinapon ko naman lahat ng nakita kong basura sa lugar na iyan.

Tatlong malalaking basurahan, ilang hakbang lamang mula sa aming kinauupuan. Nakapagtataka kung bakit maraming pinagkainan sa paligid sa kabila nang pagkakaroon ng mga basurahang makikita mo kahit hindi ka mahilig sa kalabasa.

Katamaran lang talaga ang tanging naiisip kong dahilan. Bakit ba ang tamad-tamad ng mga tao? Napakasimpleng bagay nito pero bakit hindi magawa nang maayos? Ano ba yan? Gising mga kababayan, maliit na bagay lang ito. Ni hindi ka man pagpapawisan sa paglapit sa basurahan (Yes, zero calories). Ang dami-dami nating reklamo sa buhay pero wala tayong ginagawa para solusyunan ito. Gusto ko sanang maniwalang hindi pa napag-iiwanan ng sibilisasyon ang Pilipinas ngunit parang nawawalan na ko ng pag-asa.

Ang daming dinadahilan at ang daming sinisisi. Ang daming dinadahilan. Ang daming sinisisi. 'Yan na nga ba talaga ang nangingibabaw na ugali ng mga tao sa bansang ito? Sana'y gugulin na lamang natin ang oras sa paggawa ng mga bagay na ikabubuti ng ating buhay. Itigil na sana ang pag-asa lamang sa iba. "May magtatapon naman nyan." Tsk tsk tsk. 

Simple lang naman. Gawin natin kung anong makakaya natin. Sanayin natin ang ating mga sariling gawin ang tama. Ayusin natin kung ano ang mali.

Grabe basura lang ang dami ko nang sinabi. 'Yun nga yun eh. Sariling BASURA LANG natin hindi pa maitapon nang maayos. Anong mahirap doon? 

Buti na lang may mga grupo ng taong gumagawa nito. May mga tao pa ring may malasakit.

At dahil ako ito, sa totoo lang hindi naman ko sinasadyang sabihin ng malakas: "Grabe ang tatamad ng mga tao. Ang lapit-lapit lang ng basurahan hindi pa itapon!" Nagpapasalamat na rin naman akong narinig nung katabi namin. Tumayo silang tatlo at iiwan na sana yung pinagkainan nila sa mga halaman. Sabi nung isa, "Uy yung basura..." May gamit din ang pagiging maldita minsan.

Diyan nagtatapon este nagtatapos ang aking kwento. Ayon nga sa pamangkin ko, "The End."

Friday, June 13, 2014

Star

Hindi ko alam kung bakit ako kumakain ng tinapay na may Star margarine. Hindi naman ako mahilig kumain ng tinapay sa umaga. Senyales ba ito ng pagtanda?

Oo nga naman bente sais na 'ko. Hindi pa naman katandaan ngunit malapit na ring mawala sa kalendaryo sabi nga nila. (Sino nga sila? Ewan ko rin.)

Naubos ko na ang kalahati ng tinapay. Kakaiba. Kulay dilaw na parang may sakit. Hindi ko masabi kung masarap o hindi. Parang... ahh! Panghugas ng pinggan! Hindi pa ako nakakain ng panghugas ng pinggan ngunit tuwing tititigan ko ang tinapay, ito ang naiisip ko. Hindi rin ako mahilig maghugas ng pinggan. Ano ba yun?

Ayan, ubos na!

Tuesday, May 27, 2014

Blag!

I miss blogging! I'm out of ideas though. What to write about? Hmmm... I'm once again losing interest in the things that I've once liked.

I don't want my blog entries to be as boring as me. Unfortunately, this is how my brain is right now - empty and useless. I missed the days when I can just write about anything. It's not that they are really interesting but I did enjoy writing them.

I'll try again next time.

Saturday, July 6, 2013

RAM

Some of the things I should be doing while trying to figure out what to do with my life...

1. Stay stable
2. Get a part-time job
3. Lose weight
4. Find a new hobby
5. Save money
6. Invest
7. Improve skills
8. Develop new skills
9. Avoid forming unhealthy attachments
10. Stop procrastinating

Some of them I'm already doing but many of them are still waiting to be done...

Tuesday, July 2, 2013

Lamok

Tag-ulan na naman kaya maraming lamok. Lalo na siguro sa bahay namin dahil walang kuryente simula mamayang alas dose ayon sa balita. Ano na kayang mangyayari sa Olongapo? Hanggang kelan kaya mawawalan ng kuryente? Hihihihi. Hindi nakakatuwa. Paano magkaklase? Paano magbabangko? Paano maggagala? Paano magmo-mall? Paano manunuod ng sine? Paano magpe-peysbuk?

Buti na lang at may internet sa kinauupuan ko ngayon at kahit paano'y hindi ako nababagot. Nakakainis mag-isip ng mga bagay na mahirap sulusyunan. Parang ayoko na lang isipin. Mas gusto ko pang pansinin ang mga walang kwentang bagay dahil yun ang madali. Hmmm... mabaho na tamad pa?

Sa totoo lang wala na talaga akong maisip isulat kaya kung anu-ano na lang pinaglalalagay ko. Walang nakakaaliw na ginagawa ang utak ko.

Kailangan ko na palang magsulat ng mga utang kong reviews. Hanggang sa muli!

Monday, July 1, 2013

Isda

Uy kumusta, Blog? Matagal din tayong hindi nagkita. Pati yung mga isda sa ibaba ngayon ko na lang napakain. Buti na lang buhay pa sila.

Wala naman talaga akong naisip pang isulat. Nakita ko nga lang 'to sa twitter dahil nilista ko pala 'to dun. Haha! Ang dami ko na namang sinimulang blog. Siguradong mababaon din sila sa limot sa paglaon ng panahon pero keri lang. Haha! Ang saklap!

Bawal nang sumulat ng kahit anong hindi kanais-nais sa blog na ito kaya mag-iisip ako ng kung anumang kanais-nais. Hmmm... errr... ang hirap! Baka tumanda na 'ko sa kakaisip.

Napagtanto ko lang, kahit mabahong bata ako, maarte ako sa kalinisan. Good luck sa 'min bukas. Sana eh matiwasay na lamang makauwi ng bahay at hindi ko kayang magtagal sa lugar na 'yon. Ako na ang maselan pero hindi ko ipagpapalit ang kalusugan ko para lang masabing nakikisama ako. May choice naman kasi. Haha! Depensahan ang sarili!

Ano pa bang nakakaaliw sa mundo? Hmm... natutuwa lang akong nagkakaroon na ako ng pagkakataong kumuha muli ng mga litrato ngayon kaya wala... masaya lang.

Heto na naman ang eksena ng buhay ko bukas. See you!

Saturday, February 2, 2013

Google

Tuwing sumusulat ako at hindi ko natatapos, nahihirapan an akong dugtungan ito. Dapat tuwing susulat ako eh yung tuluy-tuloy. Ano na nga?