Huwag itong basahin

'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.

Wednesday, May 28, 2008

Moyashimon at Kung Anu-ano

Natapos ko na rin kagabi yung Moyashimon 11 eps lang naman. Akala ko nakakatuwa lalo na maganda ang drawing. Ang bida naman dito ay si Sawaki. Nakakakita at nakakakausap siya ng mga microbes. Yung unang tatlong episodes yata eh magkakaugnay pa yung kwento pero pagdating sa ga susunod hanggang huli magulo na. Labo-labo na ang kwento. Di yata maisip nung gumawa kung anong gagawin hehehe. Bigla na lang may mga kwento susulpot na hindi naman konektado. Sa title nga nya me nakalagay na Tales of Agriculture pero wala naman talagang koneksyon. Ginawa lang na nag-aaral siya sa School of Agriculture tapos yun na yun. Bigla na lang nagko-cross dress yung childhood friend niya na lalaki... Haay ewan magulo.

Naalala ko lang kanina may nagtatangkang magbukas ng account ko sa gaia wehehe. Magnanakaw yata ng stuff harharhar wala lang!

Ngayon balik Naruto na 'ko. Grabe putol-putol napapanood 'ko eh nakakabanas. Kulang-kulang kasi yung eps sa pirata at ayaw naman magplay ng online videos... Kung me mababait naman na meron nitong eps na 'to pahiram 121-148, 163-170, 181-209. Hehehe para masimulan ko na yung shipuden excited na 'ko eh!

Sunday, May 25, 2008

Nana, Ghost Hound at Elfen Lied

Ayan nagpupuyat na naman ako sa panonood ng anime. Huwag na huwag kayong maniniwala sa kung sinumang nagsasabing maganda ang kwento ng Nana. Katatapos ko lang panoorin ngayon at isa siya sa mga pangit na anime na napanood ko. Kung art at animation ang pag-uusapan sobrang maayos naman pero bokya talaga yung storya.

Ganito kasi 'yun...(paunawa: magulo ako magkwento at susubukan kong ikwento ang Nana, huwag basahin kung mahihiluhin) May dalawang bida na ang pangalan ay Nana pero hindi sila magkamag-anak o kung anuman. Nagkakilala lang sila sa tren papuntang Tokyo tapos nagkataong naging roomates sila doon. Inumpisahan yung anime sa kwento ni Komatsu Nana (na hindi ko na ikukwento) at sinisingit lang yung kwento ni Osaki Nana. Yung nauna college graduate sa isang art school, yung pangalawa eh yung bokalista ng isang banda. Ayoko nang ilarawan pa sila ng mabuti... basta si Komatsu Nana eh yung mas malandi sa kanila. Sa totoo lang halos puro tungkol lang kay Komatsu yung kwento parang bitin lang yung kay Osaki. Muli, nahumaling na naman ako sa magandang drawing ngunit wala namang storya. Puro panlalandi lang ni Nana sa lahat ng lalaking makita nya umiikot ang kwento tapos nabuntis lang sya nung huli. Yung isang Nana hindi na pinakita kung anong pinatunguhan niya at nung banda niya nung final ep.

Sa huli, aking napagtantong nagsayang ako ng oras sa panonood ng 47 ba o 48 eps ng walang kwentang palabas. Sa bagay pwede na rin naman, yung drawing na lang ang nakakaaliw. Pangit kasing hindi tapusin ang mga pinanonood. Wehehe!

'Yan namang Ghost Hound isa ring kalokohan. Tungkol pala siya sa sakit sa utak, astral projection, cloning at global warming. Haaay... ganda pa naman ng drawing kahawig ng Jigoku Shoujo di ko lang sigurado kung pareho ang gumawa.

Elfen Lied naman ay puno ng mga patayan, putol ng mga katawan, mga abnormal na tao at ng fan service. Ayos lang 'to kasi 13 eps lang naman at medyo ok naman yung end marami nga lang ring mali. Hindi gaanong nakaaakit ang drawing pero sobrang ayus yung animation lalo na yung mga napuputol na bahagi ng katawan at sumasabog na mga tao. Magkakahawig lang kasi yung characters... Haaay...

Thursday, April 24, 2008

Yozora no Mukou

Ang tagal ko nang di nagsulat rito mula nang matapos ang thesis. Ayun! Natapos na rin lahat... Pati clearance ok na. 'Di pa rin ako nahihimasmasan at di ko pa alam kung graduate na ba ako. Nakapagbayad na ako ng kung anu-anong dapat bayaran para makapagtapos pero hindi pa rin ako kumbinsidong graduate na 'ko. Ewan. Syempre natutuwa akong tapos na 'ko mag-aral pero ngayon ko lang naisip 'di ko pa gustong isipin kung anong gagawin ko ngayon. Ang gulo. Mabuti pang hindi na lang ako magkuwento. Nalulungkot ako ngayon (epekto siguro ng gutom). Ayan na naman. Pagtapos ng graduation ceremony at pag-alis muli ng tatay ko rito sa Pilipinas... magtatrabaho na ba ako? Ewan, ewan at ewan. Gustong-gusto ko magbakasyon pero ngayong wala na 'kong maraming ginagawa napapraning naman ako. Praning! Haha may ADD na nga ako, schizo pa 'ko ngayon. Oo may sira ako sa ulo.

Thursday, March 20, 2008

Pamahalaan ang Iyong mga Blog

Ngayon ko lang nakalkal ang aking blogger dashboard. Meron na nga palang Filipino sa mga wikang maaaring gamitin sa blogger. Wehehe! Nakakaaliw lalo na 'tong mga "katamtamang puna." Hindi ko tuloy maisip kung ano'ng pangalan ng tab na 'yan sa Ingles. Ah naalala ko na! moderate comments wehehe! Sobrang mali! May nakasulat naman sa itaas na tulong para sa help at lumabas para sa log-out. Nakakatawa lang kasi sa aking palagay mas magiging natural ang dating ng pagkasalin kung ginawa nilang magkatulad ang panahon ng pandiwa sa Filipino at Ingles. Wala ngang maisip yung gumawa ng salin ng settings at layout eh. 'Yung layout, maaari namang pagkakaayos sa aking palagay. Ang setting naman... teka wala rin akong maisip.

Haay! Gutom lang 'to!

Lindol

I had the strangest dream just minutes ago. Actually, I don't remember the details. I just found myself waking up and panicking because of an earthquake. I really thought (and felt) the room was shaking as I opened my eyes. I even asked my mom if she was aware of the quake but she didn't sense any. That was the only moment I realized I was having a bad dream.

It really was weird and I couldn't go back to sleep 'til now. I was out of the bedroom at exactly 12:35 am and rummaged through the stuff in the fridge. Then, there was this creepy feeling as I grabbed a knife from the cupboard. It was a feeling you usually get while you're watching a horror film. I think I was still half-asleep but anyway, it was nothing special. I just ate an apple afterwards.

Now, I'm blogging and hoping I'll fall asleep later. Haha! I think my thesis woke me up because I haven't finished the final final draft ('cause I did the final draft already). Fortunately, thinking of my thesis makes me feel dizzy. My eyes are literally getting heavier by the second. I guess I'm going to (*yawn*)... zzzzz...

Sunday, March 16, 2008

Susulat ba 'ko?

Pinag-iisipan ko pa kung magsusulat ako tungkol sa thesis defense ko kanina. Haay, parang ayokong magkuwento. Ang daming kung anu-anong tinanong at mga comments irereserba ko na lang sa pag-rerevise ng papel.

Gagawa pa nga pala kami ng model ng set design para sa hindi pa namin napagdedesisyunang play o musical. Sana pala matapos na namin agad para umabot sa 27 wehehe. Iniisip kong gawan ng model eh yung pelikulang Bayaning 3rd World kasi nahawa na nga 'ko sa prof ko sa PI 100 sa pagkahumaling sa kwento ng buhay ni Rizal. Waaah sana matapos na ang sem. Nakukulangan na 'ko sa aking anime entertainment wahaha. Mababa na rin ang levels ng aking PSP skills dahil hindi na ko nakakalaro. Wahaha walang ibang gustong gawin kundi manuod ng tv, gumawa ng mga 3d, magdrowing ng kung anu-ano, at kumain. Gusto kong magpakatamad ng kahit dalawang araw lang. Tamad = hindi gagalaw-galaw, 'di maliligo, hihiga-higa lang at manunuod. Harharhar!

Thursday, March 13, 2008

Baluuur

Bakit kaya baluur ang sinisigaw ni manong balot? Wehehe nagugutom na naman ako.

Kaninang umaga, hinugot ko ang mga parasitikong bulateng nakadikit kay Ichigo. Medyo kadiri pero buti na lang natanggal at ngayon masigla na siyang muli! Haay, ang tagal na namin may mga isda ewan ko kung bakit ngayon lang sila nagkakasakit ng bulate.

Isa pang kadiri, may mga pinatay sa Olongapo ipinakita lang ngayon sa tv. Iniwan yung dalawang katawan sa banyo. Yung dalawa naman ay nasa sala. Binaril silang lahat sa isang apartment sa Gordon Heights na tinangkang sunugin nung mga pumatay. Kaya lang tanga rin yung mga kriminal, namatay agad yung sunog na ginawa nila, parang yung ibabang bahagi lang ng pader yung nasunog tapos ang dami pa nilang iniwang ebidensya. Hindi siguro talaga mga bihasang mamamatay-tao. Kahit ano pa man ang dahilan, hindi nakakatuwa.

Ayan, nawala tuloy yung ikukwento ko. Nahanap kasi namin yung sulat ng tatay ko sa 'kin nung Grade 5 ako. Nakakatawa kasi matagal ko na rin yung hinahanap. Kung hindi siguro nahanap 'yon di maniniwala sa 'kin si Ate. Sinasabi ko na kasi sa kanya dati na meron ngang sulat si papa sa 'kin nung maliit ako na sinesermonan ako na parang napakadelingkwente kong bata. Haha tawa kami nanh tawa nung nabasa namin kanina. OA kasi yung pagkasulat nung tatay namin kaya nakakaaliw. Pero kung ihaambing ko noong nabasa ko 'yon noong labing-isang taong gulang ako, ibang-iba syempre ang dating. May pagka-clueless ako 'nun at pakiramdam ko ay napakasama kong nilalang. Ginagatungan pa ng nanay ko noon na "yung ate mo ni hindi nasabihan ng papa mo ng ganyan tapos ikaw... yada yada" wehehehe! May nabanggit pa doon na kung ayaw ko na raw mag-haysul eh sabihin ko lang daw. WUHUHU! Nakakatawa talaga! HARHARHAR! Gusto ko pang ikuwento e kaya lang kailangan ko nang mag-print ng final draft ko eh.

Bukas kukutuhan ko rin sina Mion at Shion!