Huwag itong basahin

'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.

Saturday, December 8, 2007

Woohoo

Syaks! Malapit nang matapos ang Disyembre! Hehe medyo malayo pa pala... Wala trip ko lang magsulat kasi matagal na 'kong di nagpopost. Malapit na ang lantern parade na di ko naman pinapanood haha (nung 1st year lang). At lalong hindi ko mapapanood ngayon dahil magbabantay ako ng construction huhuhu sa 17-23. Sa mga nagbabalak gumala dyan itaon nyong nasa Gapo ako ha! Wihihi!

Nahanap ko na rin sa wakas yung pesteng multiply account na hindi ko maalala ang username. Haha bakit peste? Wala trip lang! 'Pag magkataong nabasa nyo ito at trip nyong mangalap ng pictures andito nga pala ang mga ito ---> meysel.multiply.com

Sana makalikom naman kami ng salapi sa pangangaroling! Haay! Daming babayaran pa'no na kaya ito?!

Saturday, September 29, 2007

Malamig

Sa malalamig na panahong ito ay naaalala ko ang mga araw noong matagal na ang nakalilipas noong ako ay nakapaglalaro pa ng playstation maghapon.

Simula ngayon ay ililista ko na sa blog na ito ang aking mga pangarap natupad man o hindi sapagkat trip ko lang. Hindi ako masaya ngayon dahil marami pa akong kinakailangan matapos na proyekto. Nakakalungkot pa dahil wala man lang akong mararanasang bakasyon. Haay... sana makapanuod na ako ng isang anime series uli!

Maalala ko lang may natutunan nga pala akong kalokohan sa isa sa aking mga prof. Wala lang nakakainis lang. May dahilan na ako para mamintas! Wee! It's an exercise of critical thinking! Haha! Nakakabanas ano?

Ilan lang sa mga nakakatuwang bagay na nagyari ngayong linggo ay natapos ko na ang dalawang season ng honey and clover kahit na napakaraming bagay ang kailangang gawin wihihi. Kauna-unahang madramang anime na nagustuhan ko. Bukad dyan naaalala ko pa rin ang masarap na japanese food na aking kinain sa UP. Haay naaalala ko pa rin ang lasa ng toothpaste tea na ang tawag ng mga kasama ko'y mouthwash. Wala talaga akong kwentang magkwento. Marami akong balak sa nagpapanggap naming sem break sana magawa ko lahat. Kailangan ko ng funds! Waaah! Funds please!

Tuesday, August 28, 2007

Wala, wala namang, wala namang perpektong tao...

Haay! Ang dami nang naghihintay na mga essay sa utak ko at mga blog entries na naipon na lamang sa lobes ng aking brain! Haha nakakainis taglish! Haay ang hirap pagsabay-sabayin ng mga stuff (woohoo!) Hindi tuloy ako masulat ng maayos. Minsan sa tissue paper (wala namang jebs) na lang ako nagsusulat. Nagdoodoodle-doodle ng kung anu-ano sa mga kamot-papel(scratch paper). Syet! Ang dami ko pang gagawin... Masya ako dahil may concept na ko para sa condo ko pero waah! Wala pa 'kong bar design na naisasapapel. Haay! Nakakabanas! Sa susunod na lang pala ako magsusulat ng may katuturan (haha as if may katuturan ang mga sinusulat ko). Yak! Yak!

Tuesday, August 21, 2007

Nakapandidiri

Kadiri talaga. Ang sakit ng tyan ko sa 141 kahapon at di ko na napigilan. Wee! Pers taym kong jumebs sa CHE weee! I'm so proud wahaha! Ang thesis masaya!

Monday, July 30, 2007

Maniwala Ka Sana

Hwaw ang tagal ko nang hindi nagsusulat sa aking blog. Sa bagay ang daming ginagawa at ang daming gumugulo sa utak kong kawawa. Hindi ako makapaniwalang ngayon pa ako nagkakaroon ng pag-aalinlangan pagdating sa pagsasabi ng totoo sa aking kaibigan. Ikaw ba anong gagawin mo kung halimbawang ikaw ang nasa aking kalagayan.

Alam mong medyo lumalayo na sa nararapat na patutunguhan ang iyong kaibigan. Bahagi nito ay maganda para sa kanya ngunit hindi niya napapansing may malaking bahaging nagkukubli at nagpapanggap lamang na makabubuti ngunit hindi naman talaga. Masaya ka para sa mabuting naidudulot nito sa kanya ngunit nagdurusa ka naman panoorin kung paano siya binabago ng prosesong ito at ang masaklap pa rito ay masaya naman siya sa hindi magandang bahagi ng kanyang pagbabago. Tanong: Sasabihin mo ba ito at ipaliliwanag na posibleng kapalit ng mabuti ninyong pagkakaibigan o hahayaan mo na lang siya sa kanyang ikaliligaya kahit na ito ang posibleng makasira sa kanya sa hinaharap?

Hindi ko na alam ang aking gagawin. May gawin man ako o wala talo pa rin ako. Maaaring masira ang pagkakaibigan o masira ang aking kaibigan. Wow ang gandang pagpipilian!

Sunday, June 24, 2007

Huwag Basahin

Stop. (I’m not really expecting anyone to read this but…) If you are easily offended or extremely bored with discussions about faith (in God) and Christianity, then better not continue but if not then read on.

I find it very disturbing that other people waste (yes you read it right) their time compelling other people to change their religion or give up their faith for what they call “something better.” For your info, I know that it is God’s (I am referring to Christianity) will to spread his good news. Everyone has the right to do it their own way but I don’t think it gives some people, the right to force other people to believe in what they think is true especially when they have different religions. Why did I mention different religions? It is because I want to stress that everyone has different beliefs and not everyone knows what they consider true in that particular religion. We won’t know their creed’s traditions and beliefs just by reading books. We are the ones doing and experiencing the things we do in our own religion. This applies to Christianity (especially Christianity having a lot of different congregations). I can’t say that you have lesser faith nor can you say that to me. We cannot judge by just the things we see. Our God taught us to respect one another and this includes our opinions (even though a person doesn’t believe in God, I think it is common knowledge to respect other’s opinions). It is okay if you want to share your beliefs but please do not force it on others. I enjoy talking to my friends who have different religious affiliations and we never end up arguing about it. Instead, we educate ourselves with our differences and similarities.

This is just a very small portion of what I wanted to share and I don’t want to write any more of what I am thinking now because I might include many unnecessary complaints and bitterness haha!

Thursday, June 21, 2007

Bayong

Naghihilamos ako ng mapayapa kanina noong matapos akong maligo. Napadaan yung nanay ko tapos tumawa. Sabi niya mukha raw akong bayong. Ako naman eh dahil sanay na, parang wala lang. Natatawa lang ako dahil sa tagal nya akong inaasar (mula pa noong maliit ako) wala namang nangyayari at ang mas nakatatawa pa eh hanggang ngayon eh ginagawa pa rin nya iyon. Ang nais sana nyang resulta ay mainis ako at ma-concious para magpapayat. Eh pasensya talaga hindi umeepekto. Haha! Hindi naman sa nagpapataba ako eh pero hindi lang talaga ako pumapayat. At syempre heto na naman ako nag-iisip ng kung anu-ano. Naisip ko kung paano kaya kung nasabi ko sa kanya kung anong pumasok sa isip ko habang naghihilamos ako. Naisip ko kasi nung nasabi nya 'yon: "tapos, anong gagawin ko?" Haha kung nasabi ko iyon ng wala lang para sa akin, sa tingin ko ang magiging dating sa kanya eh nambabastos ako hahaha!

Nabanggit ko na rin yang pambabastos, nalungkot ako dahil kapansin-pansin talaga ngayon na napakaraming mga batang hindi na naturuan ng magulang na gumalang. Nagugulat ako kasi lahat na (hindi lang marami kundi lahat) ng mga batang nakikita 'ko ay walang kaalam-alam sa pagrespeto. Napapaisip na nga lang ako kung epekto lang ba ito ng media o talagang tamad na lang magdisiplina ng mga anak ang mga magulang ngayon. Ewan ko ba pero obserbasyon ko lang. Hindi na marunong matakot ang mga bata sa kanilang mga nanay ngayon samantalang noong panahong nasa edad nila ako (na mga 16 taon na ang nakaraan) karamihan ng mga bata kahit yung mga siga eh may takot sa magulang nila. Madali pa naman akong mainis sa mga bata. Baka minsan hindi ko na lang mapigilan 'pag nakatagpo ako uli ng bastusing bata eh pigain ko yung ulo nun tapos itapon ko sa kanal! Mas nakakainis pa kapag 'tong mga tamad na magulang ay nangungunsinte pa at 'pag umiyak ang anak, bigay agad ang gusto. Waah! Wala rin sigurong turo sa magulang (wow nag-aakusa!) Totoo nga pala ito sa mayayaman man o mahirap.

Itutuloy ko na dahil nasimulan ko na rin naman ang paksa ng "turo."Nagulantang ako nang nabalitaang ang mga public high school students ay grabe hindi ko matanggap. Sobrang wala na silang alam (ayon ito sa correspondents) o natututunan sa school. Ako naiintindihan ko naman dahil galing din ako sa public school na may mga guro talagang hindi mo alam kung paano naging guro. ang iba namang mag-aaral sa ibang dako ng aming paaralan ay hindi na magkasya sa silid nila. Pero sobrang nakakagulat na simpleng his-her ay hindi nila magawan ng pangungusap. ni hindi nga nila matukoy kung alin ang ginagamit para sa babae at kung alin sa dalawa ang sa babae. Waah! Dahil ba ito sa pagiging third world country natin o sadya lang kaya talagang ganito na kababa ang kalidad ng edukasyon sa bansa? Pero hindi ako naniniwalang sa public lang ito nangyayari kundi sa mga private schools din. Hindi man natin lahatin ang mga public at private schools, nakakasira pa rin ng ulo na malamang ganito na ang lagay natin ngayon. Waah nakakapraning!

Monday, June 18, 2007

Madaling Araw

Wow 2am na di pa ko inaantok. Ang aga ko kasing nakatulog kanina eh mga 7 yata. Tapos nagising naman ako ng 11 dahil sumakit yung tyan ko sa gutom kakainis! Napagod kasi ako sa kagagala kahapon eh wehehe. Feel kong mag-extend ng bakasyon kaya ayun hehe hirap gumising! Ngayon ko lang napagtantong napakarami ko palang kailangang gawin. Ang saklap. Kanina pa sa klase nung mnabasa ko yung presume di na ko lalo matahimik dahil hindi ko alam kung kailan sya gagamitin kapalit ng assume o kaya eh kung pareho lang ba sila ng ibig sabihin. Ayun nabasa ko na yung dictionary pero ewan ko di ko pa rin alam. Hindi ako matatahimik hanggang di malinaw yang nakakinis na mga salitang yan hehehe. Huwaw! Nablangko na naman ang isip ko. Syet naalala ko na naman kailangan kong mamili ng black na ink cartridge kainis napakamahal pa naman! Mamumulubi na namn ako sana makahingi sa ate ng pambili. Tsk tsk tsk, kanina pa ako inuubo ah, ang kati ng lalamunan ko samantalang naadik na nga ako sa strepsils sa tabi ko eh. Ang hirap matulog sana antukin na ako!

Sunday, June 10, 2007

Kaytagal

Kung inakala ng maraming sobrang korni ng music video ng prinsesa ver. Six Cyle Mind, marami ang nagkamali. Haha may mas babaduy pa ba sa video ng Upside Down na kaparehong nirevive nila? Haha grabe sukdulan sa kapangitan!

Haay! Matapos ang pamimintas, gusto ko lang ipaalam sa lahat ang malungkot na balitang may pasok na sa 12. Masaya na rin kasi natapos na kong mag-ojt! Wee! Report na lang at 5 consultation projects at one major project at special project at thesis at maraming plates! Hwow! Andami pala!

Bukod sa mga ito, marami na akong namiss isulat. Busy kasi ang buhay... daming movies na rin ang di ko napintasan ah... haaay... sa susunod at busy ako ngayon.

Monday, May 21, 2007

Mabuti Pa

Nakakaaliw naman dito at nakikita pa ang mga nalumang mga post wehehe kaya siguro ilalagay ko rito yung ilang mga naipost kong kalokohan sa Tae kong blog na matatagpuan sa link na ito http://meysel.blogs.friendster.com/.

Kalokohan

Hindi man ako mahilig magbasa ay mahilig naman akong magsulat ng kung anu-ano. Mga hinaing sa buhay, mga kainisan, pamimintas, drama at kung anu-ano pang maaaring maisip ng magulo kong utak. Matagal na rin akong nagsusulat sa friendster blogs at doon ko nga nadiskubreng naaaliw pala ako sa paglalathala ng aking mga naisip sa lokong web. Yay! dito naman ako mambubwisit!

Douglas?

Macarthur ang pinakabago kong nabasang libro nitong nakaraang araw. Sa aking paniniwala (dahil hindi naman ako ganoon kahilig magbasa ng libro) ay ito ang pinakabagong akda ni Bob Ong. Hindi ko alam kung kailan siya inilabas pero para sa akin ay bago lang ito. Kung hindi nyo pa nabasa o kaya'y walang balak magbasa ay hindi ko na problema basta may kaunting spoilers sa mga susunod na talata.
Hindi na bago ang storya ng Macarthur at sa pamagat pa lamang ay medyo alam mo na ang kalalabasan ng kwento lalo na 'pag nakilala mo na ang mga tauhan. Isa itong simpleng kwento ng mga adik. Hindi ko na sila ilalarawan para naman magkaroon ka ng interes basahin ito. Pero alam ko na ang naiisip mo at tama ka roon! Oo, may kinalaman ito sa sikat na linya ni MacArthur na I shall return sa maraming paraan na hindi ko na rin sasabihin pa. Halos naririnig ko nang maraming magsasabing huwag na lang siyang sumulat ng mga fiction lalo na't ang katapusan ay may pagka-palasak ang katapusan nito. Ngunit dahil fan ako ni Bob Ong o kahit hindi man siguro ay nagustuhan ko pa rin itong akda. Yung tipo kasi ng pagsulat niya ang talagang kinaaaliwan ko. Madali kasing basahin at hindi maligoy ang pagkakahayag. Magaling ang pagkakalarawan ng mga eksena. Hindi ko gaanong nagustuhan ang simula dahil ang dating sa akin ay medyo may pagka-boring at predictable nga. Sinubukan niyang maging makatawag-pansin ang simulang aksyon agad ang salaysay ngunit para sa akin lang naman, hindi masyadong epektibo dahil marami na rin akong nabasang ibang librong ganito ang simula. Sa kabila ng lahat ng nabanggit ko, nagustuhan ko pa rin ang Macarthur dahil natuwa naman ako sa pagbibigay buhay ni Bob Ong sa mga eksena ng buhay ng kanyang mga tauhan. Nabasa ko naman siya ng ilang oras lang pagkatapos kong mabili at napanatili naman niya ang aking interes sa bawat yugto kaya masasabi kong ok 'to!
Uulitin ko lang, hindi ako mahilig magbasa ng libro kaya huwag magtiwala sa aking mga sinabi hahaha! Nga pala, yung mga kadiring bagay siguro yung nagustuhan ko sa kwento kaya naaliw ako wehehe!

Friday, May 18, 2007

Jebs

Katatapos ko lang tumae. Yay! Success! Matapos ang ilang araw ng pagtitibi at pagtatae ay nakaraos din ako haha! Sa mga oras na ito ay nagmamadali akong magbihis bilang paghahanda da aking pag-uwi sa Gapo upang mag-apply sa mga arki firm doon. Haha natupad na nga pala ang pangarap kong mainterview sa Palafox kaya nga lang sayang. Sa ID team pala nila ako ilalagay at ang aking kailangan ay sa arki team. Sayang talaga gusto ko pa naman doon kahit noong nalaman kong sila pala ang may gawa ng MOA na di ko gusto ang design wahaha. Sayang talaga pero ok lang sabi nung nag-interview mag-apply na lang daw ako dun pagka-graduate ko wehehe. Haay... waah malelate na 'ko!

Tuesday, May 15, 2007

Para sa'yo, ang...

Hello! Ang aking ipapaskil ngayon ay inaalay ko sa aking masugid na tagabasa ng blog. Maligayang kaarawan Rachel! Haha mas matanda ka na sa akin kahit na sobrang mas matanda ang hitsura ko kaysa sa iyo. WEHEHE!
At dahil nga para sa iyo ito, bukod sa paggaya mo sa sayaw ni Manny Villar ay pag-uusapan naman natin si Avril. Gusto kong ipaalam sa iyo na nagbuwis ako ng kaiinisan para mabigyan ng review ang bagong album ng naglumanding si Avril Lavigne. Bukod sa taeng kanta niyang Girlfriend, ang track 2 na Take Me Away, 3 You Never Satisfy Me at 4 Headset, na kasalukuyan kong pinakikinggan, ay sadya ngang napakapangit. Hindi ko malaman kung sinong malanding kantatero ang gusto nyang gayahin pero nakakainis talaga. Yung Keep Holding on lang yata ang medyo matino. Nagloko ang aking computer ngayon dahil sa piratang cd ni Avril at ang gusto kong ipayo sa iyo ay huwag mo nang pangaraping marinig ang lahat ng iba pang kanta ni Avril dahil mababanas ka lang. Ang maipapayo ko naman kay Avril ay palitan na ang pamagat ng album nya ng "The Worst Damn Thing" nang maging mas angkop ito.
'Yan lamang ang aking gustong ibahagi at muli, Maligayang Kaarawan Rachel!

Saturday, May 12, 2007

Magic Gel

Kung hindi kayo mahilig sa anime ay huwag nyo nang ituloy ang pagbasa. Salamat!
Kung mahilig naman kayong manood, malamang ay napanood nyo na o kaya'y nabalitaan nyo na ang anime na Monster. Waah! Ang saya-saya ng kwento. Maraming mga kaduda-duda at mga kapalpakan sa pagkakabuo ng istorya na hindi ko na iisa-isahin. Ang masasabi ko lang ay nakakaaliw ang series na ito. Sana mapanood nyo. Maikli lang naman 74 episodes pero sulit naman ang sasayangin mong oras sa panunuod.
Wala lang akong maisulat kaya ganito haha! Iba pang nakakaaliw na anime na napanood ko nitong nakaraan ay Mushishi at Jigoku Shoujo Futakomori. Ok naman ang mga series na ito lalo na yung Mushishi kung mahilig kayo magagandang drawing ng landscapes.
Ilan sa mga kinainisan kong napanood eh yung Genshiken na di ko ma-gets dahil puro tungkol sa otaku at otaku-ness (anu ba?) haha!
Tinatamad na 'ko. Kanina lang gusto kong gumawa ng review eh kaya lang tamad na talaga wala nang magagawa.

Saturday, May 5, 2007

Rechargeable

Kapag wala kang magawa sa buhay at marami kang problema magpakamatay ka na lang. Oo seryoso. Pero bago mo gawin ang bagay na 'yon may tatlong bagay kang dapat paghandaan at pag-isipan. Una, paano mo gustong mamatay? Ikaw na syempre ang bahala kung papaanong paraan ang gusto mo. Hindi kita bibigyan ng ideya para "orihinal" o kaya'y galing naman talaga sa 'yo ang kaisipan ng pagsasagawa nito. Sa pamamaraang iyong mapagdesisyunan, kailangang masiguradong ito'y siguradong nakamamatay, kung hindi ay mapapagastos ka lang lalo kung sakaling may gusto pang magpahospital sa 'yo.
Ang ikalawang dapat mong paghandaan ay may kahirapan makamit. Pera. Kung may problema ka, problema mo 'yon at hindi ka dapat nandadamay ng iba. Paghandaan mo muna ang perang pampalibing. Mas mainam kung nakapagpareserba ka na ng lote kung saan ibabaon ang iyong katawan. Pag-isipan mo na rin kung saang punerarya ka magpapaayos upang malaman mo kung anong maaaring maging hitsura ng bangkay mo kapag nasa kabaong ka na. Ito ay kung hindi ka magpapa-cremate. Sa madaling salita, pagplanuhan mo rin dapat ang maaaring mangyari pagkatapos mong magpakamatay upang hindi na magdulot pa ng sakit ng ulo sa mga taong iiwanan mo.
Ang pinakahuli naman ay pagplanuhan mo naman din kung saan mapupunta ang mga basura mo. Ano ka may katulong? Kung mayaman ka siguro pero kung hindi eh magbawas-bawas ka muna ng kalat sa kwarto mo dahil pahihirapan mo ang buhay na taong maglinis at magligpit pa ng mga gamit mo. At isipin mo na lang, anong ibinahagi mo sa mundo? Basura? Magpakamatay ka na nga lang kung ganyan ang pag-iisip mo.
Bukod sa tatlong nabanggit may ilang mga bagay pa akong gustong ipayo sa iyo. Una, huwag kang uminom ng alak bago ka magpakamatay. Paano mo malalaman kung anong gagawin mo kung wala ka sa tamang pag-iisip bago ka magpakamatay? Ikalawa, laos na ang sulat. Wag mo na lang ipangalandakan kung bakit ka nagpakamatay nakakainis 'yung ganoon eh. Ikaw na nga itong makasariling magpapakamatay, ikaw pa 'tong makapal ang mukhang magpapaawa sa sulat na iiwan mo.
Ako ayokong magpakamatay kasi masyadong komplikado ang proseso. Bukod doon, napakarami pang palabas sa telebisyon at sine ang hindi ko pa napapanood liban sa mga basurang palabas ngayon. Wala akong pakialam kung gusto mong magpakamatay alam ko namang sarili mo lang ang iniisip mo eh. Masyado ka kasing komportable sa buhay mo kaya kaunting problema lang ay nauuto ka kaagad. Ayokong kausap ang mga katulad mong walang maisip gawin sa buhay bahala ka!

Thursday, April 5, 2007

Weh

Wee! Bakasyon na... haha sana! Tagal ko nang di nagpost karereformat ko lang kasi ng pc huhuhu! Anu bang masayang ikwento? weh wala akong maisip. Nagonline ako kanina tapos nagoffline tapos nagonline uli tapos natulog tapos kumain tapos nagonline tapos natulog tapos naiwang bukas yung pc tapos nagising tapos natulog uli. Yay! Sana naman may kumpanya nang tumanggap sa kin... Haaay... ayoko magojt pero kailangan wehehe gusto lang magbakasyon! Kailangan matapos ko na agad kaya lang problema mahirap humanap ng mga firm. Anu bang masaya? Nuod na lang ng tv para masaya kaya lang inaantok na ko uli eh namiss ko masyado ang pagtulog. Bukas ko na lang gagawin yung folio ko. Waah isang taon na lang! Sana matapos na... Anu kayang gagawin ko pag tapos? Magiging unemployed kaya ako o underemployed wehehe... Wala lang akong maisip sawa na ko mag-isip pati nga maligo eh sawa na ko wehehe. Wish ko lang sana... majebs na 'ko.

Saturday, March 10, 2007

Masashi Kishimoto

Ikaapat na beses ko nang naghilamos at nagtoothbrush. Gusto ko nang matulog pero ayaw ko pa nakakainis! Sinasayang ko na naman ang oras ko sa walang kapararakang bagay sana tinatapos ko na yung mga paper ko ngayon ano ang tamad kasi eh! Tinotopak na naman ako. Masaya naman ako nitong linggo yay bait kasi ni sir natapos na ang report weee weee weee! Pero malungkot na naman ako kasi praning ako eh. pms siguro to, post menstrual syndrome meron kaya nun hehe. Naalala ko tuloy yung archaeo namin 8 lang kaming nagklase nung friday ang saya tapos nagcheck pa rin ng attendance... nawili magdiscuss si sir kaya umabot hanggang 6:35 yung lec. Halos 7 na ko nakarating sa Philcoa tapos naalala ko ayokong tignan yung maraming tao dun sa bilihan ng pirata. Natatakot ako sa Philcoa 'pag gabi. Pa'no kung may makita akong krimen? Di 'ko sure kung anong gagawin ko... Naisip ko nung minsan sisigaw ako, kriminal, kriminal haha kaya lang masyadong nakakatawa baka walang maniwala. Minsan naman naisip ko kunwari snatcher, itutulak ko pag may malapit ng jeep para masagasaan, wag na lang nga. Nakakatakot pa minsan yung mga nanghihingi ng tulong. Madalas may nanghihingi sa 'kin ng pamasahe 'di 'ko kilala minsan lang talaga nakakatakot kasi Philcoa yun eh. Tapos nung minsan may ale ngang nanghingi ng pamasahe sa 'kin nanakawan raw siya kasi at walang kapera-perang natira. Masyado siyang makwento kaya natakot ako baka inuuto na nya lang ako pero ayus naman. Banas na banas ako nung friday may bigla kasing sumigaw akala mo kung napaano napatingin kami dun sa babae tapos nakita lang pala yung friend nya pasalamat sya di ako bad trip nun kundi binitin ko sya sa overpass hehe oa no! Yay! antok na yata ako totoo na to! Wee sana magising ng maaga para magawa na ang mga gawaing gagawin heh ewan!

Friday, March 2, 2007

Green Tea

Nagtitiyaga na lang ako sa green tea. Actually Lemon Iced Tea lang yun na kulay green ang pakete (go Kwai!) at may nakasulat na green tea pero sa tingin ko ay hindi naman talaga green tea pero masarap naman. Grabe nakakapraning ang green tea parang college kong napakahirap at wala man lang sapat na lcd projector na maipahiram sa mga estudyanteng naghihirap din. Waaah! Nang-abala pa ko ng mga tao kanina at nambastos ng kung sino sa educ... tsktsktsk... para lang sa projector. Waah ang sama-sama ko nilayasan ko yung manang na kausap ko sa Educ na tinarayan ako. Waah! Ang sama-sama ko buti na lang may mga kasama ako at di naman nya siguro masyadong naramdamang nilayasan ko siya. Ang sama-sama ko! Naiinis kasi ako eh! DInala-dala ko pa yung violin ko tapos wala naman sila nung #1 na string wala ring nangyari. Di kasi ako marunong magpalit ng strings eh... at syempre mas mahal pa pala magpalagay ng strings may extra charge na 35 pesos per string haay ang mahal... eh nakakainis talaga! Syet gusto kong malaman kung anong scale nung mga drawings sa 133! Panu ko yun sisimulan! Tae talaga! Tae! Haay ang sarap ng sharksfin...

Saturday, February 24, 2007

Mello Marshmallow P12.20

Matatapos na naman ang weekend... Nanamnamin ko na lang 'tong masarap na marshmallow para malimutan ko lahat ng galit ko sa mundo wehehe. Ang gago kasi ng mga pahirap sa buhay na hindi naman kailangan eh. Tae talaga ang sama ng ugali nung taeng inimbita naming speaker. Humanda siya tatambangan ko sya sa arki sa march 9. Bading kasi eh ang sarap upakan! Sana pwedeng lumipat ng college pero ganun pa rin yung course! 'Di bale isang taon na lang(sana) na titiisin kong mga pagmumukha ng mga %#^^@@* yan! Hindi ako galit masarap lang talaga ang marshmallow!

Saturday, February 17, 2007

Tuliro

Yay! Di rin nakatiis ang bata at nagpunta rin sa fair wahaha! Buti na lang di ako naharass ng mga jumping jologs wahaha!!! Ang tae ng spongecola dalawa lang yung kinanta...wala lang nababanas lang. Ano kaya kung nalaglag sa stage yung bokalista ng Juana? Sobrang antok nag-enjoy lang nung Parokya na at Kamikazee... Masaya naman din pala nung tumugtog na yung radioactive sayang di kinanta yung alaala ni batman... Basta masarap ang isaw at fruitshake at marami pang iba yay foodtrip! Sori lasing...

Sunday, February 11, 2007

Fairst Night High

Waaah! Ang saya lahat ng bandang gusto ko tutugtog bukas kaya lang sobrang tinatamad akong mag-fair... Lagi ko naman silang nakikita eh ok lang at saka may isang taon pa naman ako wehehe! Masaya ako ngayon kasi naaliw ako sa misa kanina. Idol ko talaga si pader. Galing-galing magsalita... Kung trip nyo lang basahin yung mga homily nung mga nakaraang linggo eto yung link http://faithofacenturion.blogspot.com/ Wee! Ang saya sobrang dami ko na namang kinain kakasakit ng tyan ang sarap kasing kumain pag nakatulog ka na ng maaus eh wihihi! Happy Valentines Day sa lahat!

Friday, February 9, 2007

Grilled Stuft Burrito

Yay 48 hours na kong gising! Bangag na bangag na ko... Sa bagay may bago pa ba dun? Ok lang naman tapos na rin plates pero syempre dami na namang dagdag... Grupmates galit ako sa inyo kasi di nyo ko tinulungang magligpit nung exhibit natin! Dahil jan kailangan nyo 'kong ilibre ng isang buong devil's foodcake! Pero seryoso galit talaga ako! Masama kayo... Si ate angel ayos lang kasi aalis tatay nya pero kayo... Maghanda na kayo ng Devil's Foodcake sa Lunes!!! Oi yung mga magagaling namang magperspective dyan turuan nyo naman ako... Tsampektib ang tinutukoy ko ha di kasi ako marunong nun eh... waaahhh! Di ako, di ako bakla... (hala san galing to?) Naaalala ko na naman si Bitoy... si sir kasi eh wehehe. Di pa pala ako naliligo. Teka maliligo muna ako, kaya pala amoy basura dito sa kwarto eh...

Tuesday, February 6, 2007

Masaklap

Naantok na ko. Waah wala pa kong school! La pa kong rcp nung bank! La pa rin akong perspectives... Hala matatapos kaya to? Syet yang table setting na 'yan kasi eh! Kailangan ko na tong tapusin! Masaklap ang buhay! Nakakabanas pa yung ibang tao sa mundo ang kapal ng mukha sila na nga ang tutulungan nagrereklamo pa! Ngudngod kita sa kanal eh! Wala akong masabing matino... Dala ba ito ng stress? Yoko na!

Monday, February 5, 2007

Walang Pera

Huhuhu... Masama ang loob ko sa 75 pesos na ibinayad ko sa seminar kanina. Ok naman din kasi maganda naman yung seminar kaya lang yun na lang ang natitira kong allowance. Ang nag-iisa kong isandaang piso ngayon wala na... Kailangan ko tuloy bawasan ang naipon ko... nakakalungkot... huhuhu... Tapos may folio na naman... nakakalungkot talaga...

Saturday, February 3, 2007

Nesvita

Haha! Nesvita! alam ko na kung bakit ako nagtae! Dahil jan sa expired na Nesvitang nilaklak ko nung ilang mga araw. Nakita ko na kasi eh BEST BEFORE 04/2006 haha katakawan ininom pa rin. Paalala 'wag maging kasing takaw ko at huwag uminom ng lipas na gatas lalo na kung mag-iisang taon na itong expired. Maraming salamat po!

Overtake

Hirap pala sumabit sa jeep. Buti na lang mababait yung mga nakasakay ko sa jeep kanina. Pauwi kasi ako galing Cubao. Naag-abang ako ng jeep tapos may tumigil syempre sumakay ako. Ewan ko ba naman kung anung topak nung manong driver at di pa ko nakakasakay biglang pinaandar yung jeep. Di naman ako makatuloy sa loob ng jeep dahil baka lalo akong mangudngod kaya tumayo na lang ako dun sa "entrance" ng jeep. At lokong manong di pa nakuntento nagmabilis pa at nagovertake. Buti na lang mabait si manang at manong inalalayan ako para di malaglag. Sa bagay, ok rin kasi naexperience kong sumabit sa jeep kahit isang beses lang. Pero 'wag na 'wag kong makita yang manong drayber na yan uli kundi ihuhulog ko sya sa hagdan! Pa'no kung walang hagdan? Tutulak ko sya sa ilog! Pa'no kung walang ilog? Pasasabugin ko ang mukha nya! Pa'no kung wala akong pampasabog? Ah basta totorturin ko sya kahit anong mangyari hanggang sa magkalasog-lasog ang katawan nya!

Wednesday, January 31, 2007

Sarap Matulog

Nakakatuwang humiga sa kakahuyan. (hehehe) Naaliw lang ako sa picture na 'to nakita ko kasi kanina nung naglalagay ako ng mga picture sa album. Pwede na bang pang-CSI na picture? Kulang na lang ng maraming dugo eh pwede na. (haha mukha 'kong patay) Pero sa totoo lang wala akong maramdaman sa mga panahong 'yan. Hehe nga pala sa Bacolod 'yan dun sa may pitong waterfalls hehe pangatlo pa lang 'yan at di ko na kinaya. Namanhid buong katawan ko at nagsuka ng marami hypoxia raw yata ang tawag nila dyan. (sayang yung manok na kinain ko) At least nag-iwan ako ng remembrance sa lugar na yan. Isang mainit na suka. Sana nagdala ako ng tanke ng oxygen para nakaakyat pa 'ko.(wehehe)
Nga pala pasensya at di ako makapanlibre ngaun kasi 'lam nyo naman taghirap tayo dahil sa mga projects. Salamat nga pala sa mga humabol pang naggreet kahapon at ngayon! Yung mga di nakaalala sana magkapigsa kayo! (wehehe jok)

Sakit ng Tiyan

Grabe ang daming tae sa labas ng bahay. Hindi naman talaga sa tapat ng bahay kundi dun sa daan patungo sa waiting shed na malapit sa 'min. Tapos pagpasok ko naman sa bahay yung aso namin pinunas yung pwet nyang me tae sa washing machine yaak kadiri! (sana kumakain kayo habang binabasa 'to) Actually, naiisip ko 'tong mga bagay na 'to habang kumakain ako ng kare-kareng malapot at kulay orange na parang hinaluan ng konting burnt umber. Pagkatapos ay nagdessert ako ng devil's foodcake! devil's foodcake! devil's foodcake aylabyu! hehe... Pagkatapos ng mga karugyutang ito ay sumakit ang tiyan ko kaya't napagdesisyunan kong tumae ngunit ako pala'y nagtitibi. Pa'no ba naman eh lumaklak ako ng dalawang imodium nung isang araw para 'wag akong magtae sa klase. Hanggang ngayon ay hindi pa 'ko nakakatae.
Hello nga pala kay Rachel na fan na ng aking blog (joke lang Rach) Siya lang yata ang nagbabasa ng mga karugyutan ko at nageenjoy wehehe. Isaw tayo bukas ha 30 pcs!
Kailangan ko na yatang gumawa ng plate baka magmadali na naman ako mamayang madaling araw buti na lang walang class ngayong hapon. Sana sa 123 rin at 131 walang klase. Siya 'tong malakas magbigay ng plates, reports at folio tapos siya pa 'tong laging nagkaklase! (hehe magreklamo ba?) Hehe gudlak sa 'ting lahat at sana makajebs na 'ko.

Tuesday, January 30, 2007

Berdey

Haha ang ganda ng gift sa kin ngayong birthday ko. Isang malaking singko sa exam kanina. Swerte ko talaga! Mukha lang talaga akong delingkwente pero gc talaga ako at di ako sanay bumagsak sa exam. Pwedeng isiping nagyayabang ako pero 'di talaga ako sanay sa 5 at sa 3 lalo na sa plates kaya sobra 'kong nanlulumo. Nagdadrama na nga ako sa jeep kanina eh. Paalam us at cs haha kung anu-anong naiisip ko dahil lang sa isang exam na 10% ng final grade ko. Galing nga eh, nung naunang araw nagkasakit ako kaya di nakareview ng maayos. Tapos nung araw ng exam nagtatae naman ako. Wee! nakakabanas tong araw na to kaya eto di ko na kinayang pumasok pa sa mga subject ko sa hapon. Konti na lang at pwede na 'kong tawaging delingkwente haha. Ang sarap umabsent eh. Nakakaadik parang rugby.
Nitong hapon naman sana magpapahinga ko kaya lang nailipat ko bigla yung pinapanood ko sa hbo. Kala ko bagong creepy movie ni Naomi Watts yun pala The Ring 2. Di pa nga ako nakakarecover sa mga scary movies na pinanuod ko ngaun weekend tapos RIng 2 na naman. Kaya yan di ako nakatulog at nagpasya na lamang magliwaliw.
Pangit tong araw na 'to. Nakakabanas. Kung ganito lang lagi ang nangyayari 'pag birthday eh ayoko nang magbirthday uli.
Di na rin ako siguro malas kasi di naman ako natae habang nag-eexam. Sa tagal ko namang dumadaan at sumasakay sa Philcoa ay di pa naman ako naholdap at sana hindi na kahit kelan. Naulit ko naman yung faux marble ko na nung isang araw ko pa pinag-iisipang ulitin dahil sabi ng ate ko mukha raw landscape na may sanga ng puno. At least ngayon proud na 'kong mukha na siyang marble (kahit papaano) wehehe.
Pero ayoko talaga 'tong araw na 'to.
(SALAMAT NGA PALA SA MGA BUMATI SA AKIN KANINA!) HAPI BERDEY DIN SA INYO!

Monday, January 29, 2007

Ayokong magreview

Nabanas ako sa etc. Nanunuod kasi ako ng ambush makeover dahil tinatamad pa akong magreview.
The "fashion victim" was a 40-yr-old woman. Her friend set her up for an ambush makeover because she wanted her friend to change her "tomboy fashion." She wanted her to be more feminine. The woman wore a simple blouse and a jumper. I thought to myself, what the heck? I've seen other episodes like this one. The accomplice wanted their victim to BE feminine. I've seen the worst results. I've asked myself several times if feminine is synonymous to slutty nowadays. 'Cause they're making normal looking girls wear heavy makeup, revealing clothes and what? blonde hair? What the hell is their problem!
I'm having a really bad headache right now (not because of the show ok?). I still have about 19mm thk paper left to read.

Tuesday, January 23, 2007

Faux Finish Alchemist?

STRESS
strain felt by somebody: mental, emotional, or physical strain caused, e.g. by anxiety or overwork. It may cause such symptoms as raised blood pressure or depression.
PROMOTION
Yay! I'm promoted as alchemist! I'm about to turn a half-inch ordinary plyboard into a marble slab! Think I can do it? Find out in the next episode of... ID 123?

Monday, January 22, 2007

Nakikinig

Yay! May paulit-ulit na naman akong pinakikinggang kanta yay!
Matapos ang tuliro ng spongecola, goodbye days ni yui, sore feet song ni ally kerr at bleach ost, may bago na naman akong pinakikinggan nakakaaliw tunog alanis morissette...
Duvet by Boa
And you don't seem to understandA shame you seemed an honest manAnd all the fears you hold so dearWill turn to whisper in your earAnd you know what they say might hurt youAnd you know that it means so muchAnd you don't even feel a thingI am falling, I am fadingI have lost it allAnd you don't seem the lying kindA shame then I can read your mindAnd all the things that I read thereCandle lit smile that we both shareand you know I don't mean to hurt youBut you know that it means so muchAnd you don't even feel a thingI am falling, I am fading, I am drowningHelp me to breatheI am hurting, I have lost it allI am losingHelp me to breathe

Friday, January 12, 2007

Arrggghhh!

p***** i**! gago talagang naggupit ng buhok ko nakakbanas hindi yata alam kung ano ang trim at kung ano ang 1 inch! gago talaga yung nagpapanggap na hindi bading na yun! syet ilang beses ko nang sinabing wag iklian puta bingi yata!
(pasensya sa mga nagbabasa... galit lang talaga ako!)