Huwag itong basahin

'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.

Sunday, November 23, 2008

100th POST!

Hehe! Wala namang espesyal sa aking pang-isandaang post. Wala nga namang espesyal kung nakasulat na ako ng isandaang walang kwentang bagay. Nakakaaliw lang dahil tuwing ako'y magla-log-on sa aking blogger account, papakitaan na niya ako ng 3-digit number. Ang ewan 'no?

Nabanggit ko na rin yata sa isa 'kong post na matagal ko na talagang hilig itong pagsusulat mula pa noong ako'y maliit pa at magaan pa sa isang kabang bigas. Nasubukan ko na rin nga palang sumulat ng seryoso dahil sumali ako sa aming school paper noong elementary kung saan ako'y sumusulat ng editorial, news at nag-proofread. Isa talaga akong newswriter at editorial writer noon. Pangarap ko lang ang maging feature/s writer noon (hanggang ngayon) pero hindi ako naging matagumpay. Pinakawalan ko na ang aking pangarap sa journalism noong pagtungtong ko ng hayskul dahil sa aking katamaran (hehe). Bukod doon ay isa akong sawaing tao kaya yata kapag sobrang paulit-ulit ko ng ginagawa ang isang bagay eh nagsasawa na rin ako at gusto ko naman ng bago. Pagdating din naman ng hayskul eh medyo sawa-sawa ka rin namang magsulat at gumawa ng mga reaksyon sa kung anu-ano kaya hindi ko naman ito na-miss. Noong college, bukod sa mga GE at thesis ay hindi naman gaanong sumusulat. Pero nakasanayan ko na yata kasing magsayang ng tinta ng bolpen sa mga scratch paper at kung anu-anong bagay na pwedeng sulatan kaya marami-rami pa rin akong mga naisulat na bagay na tungkol lang naman sa aking mga saloobin at opinyon.

Sa mga panahong hindi ako sumusulat ay napupunan naman ito ng mga oras na ako'y nakikihalubilo sa mga produkto ng teknolohiyang aking kinahuhumalingan. Eh noong panahong madiskubre ko ang pagbblog, eto na ang naging gawain ko kapag walang magawa o kaya'y 'pag trip ko lang magkwento sa aking pc. Nitong mga huli ko lamang naalalang lahat pala ng kinukwento ko eh may ibang mga taong nakababasa. Mga taong ikinatutuwa kong hindi nila ako nakikita habang nababasa nila ang mga kalokohang sinusulat ko dahil malamang napagtaasan na nila ako ng kilay. Nakakaaliw lang din pala minsan kapag naaalala kong may mga tao ring nag-aaksaya ng oras na magbasa sa kwento ng mga taong kahit kilala nila'y di naman nila nakikita.

Parang inaantok na yata ako, neks taym na lang uli!

Saturday, November 22, 2008

Ayoko munang lumabas ng bahay!

Kahit na malapit ko nang patayin itong aso ng kapitbahay namin na nakakainis na sa sobra-sobra niyang pag-iyak, eh ayaw ko munang lumabas ng bahay. Grabe kasi talaga kapag malapit na ang Pasko, maraming hindi magandang nangyayari sa mga pampublikong lugar, lalo na sa mga pampublikong sasakyan. Nakakainis na talaga 'yung mga umaabuso na sa panghihingi ng tulong. Madalas nag-aabot sila ng mga sobre, sulat at kung anu-ano na minsan eh parang imbento na lang. Ok lang sana kung manghihingi lang sila ng kusa mong ibibigay pero nakakayamot kapag namimilit na sila at nangungulit. Eh sa kalagayan kong ito na wala pang sariling kinikita eh paano naman magiging magaan sa aking kalooban na bigyan na lamang lahat ng manghingi sa akin? Makasarili nga ako siguro pero nakakainis lang isipin 'yung iba na alam mo namang nanloloko lang talaga at may kakayahan namang kumilos at magtrabaho ang siyang mga malakas manghingi at mabuhay na lamang sa paghingi.

Ayaw ko rin munang lumabas ng bahay dahil ayaw kong gumastos at mausukan sa labas. Lalong ayoko nang mag-mall dahil lahat ng mga tao sa Maynila eh nagkukumpulan sa mga Mall para maglakad-lakad o kaya minsa'y mag-shopping para muli sa Kapaskuhan. Gusto ko munang manahimik at magkulong sa bahay (lumalala na ang aking "sakit"). Syet napupunta na naman 'to sa ayaw kong makakita ng mga tao. Tama na nga! Wala nang saysay 'tong mga pinagsususulat ko. Basta, Meri Krismas na lamang sa inyong lahat! Sana'y palaging makapagsimbang gabi!

Friday, November 21, 2008

Hindi ko kayang mabuhay nang hindi nag-

Ilang araw na rin akong bilang ng bilang ng kung anu-anong bagay. Wala lang siguro akong masyadong trip gawin. Napaisip lang ako kanina kung alin-alin ang limang bagay na hindi ko kayang hindi gawin.

1. Kumuha ng Litrato

Wala man sa pagkakasunud-sunod ng pinakahindi ko kayang hindi gawin, ito'y isa lamang sa mga unang pumasok sa isip ko kanina. Simula noong naipakilala sa akin ang digital camera ay nahilig na akong magkukuha-kuha ng kung anu-anong bagay, lalo na ng mga taong hindi nakatingin. Simula noong college si ate noong siya'y namili ng digicam ay nahumaling na talaga ako rito. Hindi kasi tulad ng dating mga camera, nakikita agad ang ma kuha sa digicam. Mula noon ay mahirap na kaming paghiwalayin ng aking mga camera. Dala ko sila kahit saan hehehe. May pangalan nga pala silang lahat. Yung unang-unang binili ni ate na Logitech na hindi pa gaanong malinaw ay si Odyi. Yung sumunod 'kong Kodak ay si Kamu-chan, Casio ay si Tyaki, at si Nikon ay si Kun-kun. Nakakaaliw lang kumuha ng picture ng mga taong kung anu-ano ang ginawa at kung anu-ano ang expression ng mukha. Nakakaaliw lang dahil mahilig akong kumuha ng picture pero 'di pa rin ako magaling manglitrato hehehe.

2. Kumain ng Masarap

Kailangan pa ba ng pagpapaliwanag nito? Kumain ng masarap. Ibig sabihin mag-enjoy kumain masarap man o hindi gaano.

3. Magsulat at magkwento

Bata pa lamang ako eh mapag-imbento na 'ko ng mga kwentong ikinukwento sa mga kalaro at mga laruan. May pagka-abnormal ako kaya kinukwentuhan ko pati mga laruan ko ok? Nakatutuwa nga noon dahil nakagagawa ako ng kwento agad-agad (impromptu ba hehe) ngayon ang gulo-gulo ko nang magsalita. Mahilig akong magkwento ng nakakatakot (noon), nakakadiri (ngayon), at minsan mga normal na bagay kung hindi 'man kalokohan. Noong elementary naman palagi rin akong nagsusulat at naalala ko pa noong gumawa kami ng "class newspaper" (dahil pinaalala ng aking kaibigang si Carlo na isa sa mga pasimuno rin nito haha) na naglalaman ng mga kalokohan sa classroom. Noong hayskul, kung saan-saan ako sumusulat. Sa desk, tisyu, resibo, at kung saan 'pang pwede nakita kong pwedeng sulatan. Hanggang noong college, natripan ko namang magsulat ng blog at dito naman magkalat ng lagim.

4. Mag-computer

Hindi ko na kayang mawalay kay computer ng matagal dahil sobrang magkarugtong na ang aming circulatory system. Hindi ako makatagal nang walang kinakalkal o nilalaro sa aming computer. Si SuC (susi) kung aming tawagin ang aming pc, si Luma (haha) ang aming lumang P4 at si Taptap ang aking mga karamay sa buhay haha! Natatangi at mabubuting mga kaibigan ng mga anti-social.

5. Manuod ng anime

Isa na namang karamay sa buhay ng isang taong tulad ko ang telebisyon. Bukod sa mga pelikula, NatGeo, Lifestyle, AXN at HBO, hindi ko kayang hindi manood ng anime sa loob ng isang buwan. Kahit sobrang dami ng gawain noong college, isisingit at isisingit ko ang panonood ng anime dahil 'yun na lamang minsan ang natitirang motivation ko sa paggawa ng mga bagay. "Kailangan na 'tong matapos para makanuod na ko ng anime!" 'Yan lagi ang iniisip ko para matapos agad ang mga plates at papers.

Thursday, November 20, 2008

12 Things I DESPISE About You

1. You never keep your promises.
2. You are very sensitive but at the same time insensitive towards others.
3. You are indecisive and fickle.
4. You only remember people when you need something from them.
5. You forget one when you see others.
6. You are easily influenced by others.
7. You never listen to any advice and you hate opinions.
8. You think you're never wrong.
9. You always make up excuses.
10. You think and speak negatively of any help offered to you but always depend on others anyway.
11. You don't appreciate little things people do for you.
12. You yearn for attention too much and give others too little.

How many bytes are you?

Marami akong ginagawa at gusto pang gawin. Muli kong nadiskubre ang aking hilig sa pagbabasa. Akala ko talaga ayoko ng libro pero nung nasimulan ko uli, gusto ko nang basahin lahat ng makita kong librong tayp ko. Masyado lang palang sagabal ang pag-aaral sa pagbabasa noon. Sinimulan kong basahin yung The Girl Who Loved Tom Gordon ni Stephen King noong 1st or 2nd yr college. Ngayon ko lang natuloy at natapos sa aking paglalakad-lakad sa The Block. Ngayon trip kong magbasa ng classics. Tinatapos ko ngayon ang Little Women (ako na lang yata sa mundo ang hindi pa nakakabasa ng mga ganitong aklat). Nakapila pa 'yung Carrie, Bag of Bones at Everything's Eventual (nabasa ko na ang ibang laman) ni Stephen King, Much Ado About Nothing, Romeo and Juliet (na may translation haha! at oo first time ko 'tong babasahin), Mythology, Tom Sawyer, Huck Finn.... at marami pang iba. Twilight? naah... A Series of Unfortunate Events pa babasahin ko pero Twilight? nevermind.

Wala naman akong ginawa o ginagawang bago pero sa palagay ko lang wala na talagang gamot sa pagiging anti-social. Ayoko talagang makipag-ugnayan sa mga tao eh. Susubukan ko lang kung eepekto 'pag inisip kong ang mga tao'y binubuo lamang ng mga bytes. Pwedeng i-alter, compress, DELETE... haay 'wag na lang baka lalo 'pang lumala. Habang tumatagal akong walang nakikitang ibang tao eh lumalala itong aking "sakit." Wala tuloy akong ilalagay na social and emotional skills sa aking resume (haha). Malapit na rin yata akong makumbinsing may aliens dito sa mundo. Actually, may kaibigan kaming "legal alien." Naniniwala naman ako talagang may ibang life form sa ibang solar system na maaaring hindi carbon-based pero... who cares? Mababa lang siguro talaga ang EQ ko kaya hindi ako makatagal makihalubilo sa ibang mga tao.

Friday, November 7, 2008

Krismas Jumping Jack

Haha kagigising lang yata 'nung kapitbahay namin haha! Gusto kong humalakhak ng malakas. Nagpapatugtog kasi sila ng korning Krismas songs na Tinagalog. Tapos ang masaklap eh parang nagjajumping jack yata sila habang nakikinig. Pang-exercise, christmas songs? Pwede...

Para sa aking 95th blogger post ay naisipan kong basahin ang mga 2007 entries ko at ilan lang ang mga ito sa aking paborito harharhar...

Tuesday, August 21, 2007
Nakapandidiri


Kadiri talaga. Ang sakit ng tyan ko sa 141 kahapon at di ko na napigilan. Wee! Pers taym kong jumebs sa CHE weee! I'm so proud wahaha! Ang thesis masaya!


Saturday, March 10, 2007
Masashi Kishimoto


Ikaapat na beses ko nang naghilamos at nagtoothbrush. Gusto ko nang matulog pero ayaw ko pa nakakainis! Sinasayang ko na naman ang oras ko sa walang kapararakang bagay sana tinatapos ko na yung mga paper ko ngayon ano ang tamad kasi eh! Tinotopak na naman ako. Masaya naman ako nitong linggo yay bait kasi ni sir natapos na ang report weee weee weee! Pero malungkot na naman ako kasi praning ako eh. pms siguro to, post menstrual syndrome meron kaya nun hehe. Naalala ko tuloy yung archaeo namin 8 lang kaming nagklase nung friday ang saya tapos nagcheck pa rin ng attendance... nawili magdiscuss si sir kaya umabot hanggang 6:35 yung lec. Halos 7 na ko nakarating sa Philcoa tapos naalala ko ayokong tignan yung maraming tao dun sa bilihan ng pirata. Natatakot ako sa Philcoa 'pag gabi. Pa'no kung may makita akong krimen? Di 'ko sure kung anong gagawin ko... Naisip ko nung minsan sisigaw ako, kriminal, kriminal haha kaya lang masyadong nakakatawa baka walang maniwala. Minsan naman naisip ko kunwari snatcher, itutulak ko pag may malapit ng jeep para masagasaan, wag na lang nga. Nakakatakot pa minsan yung mga nanghihingi ng tulong. Madalas may nanghihingi sa 'kin ng pamasahe 'di 'ko kilala minsan lang talaga nakakatakot kasi Philcoa yun eh. Tapos nung minsan may ale ngang nanghingi ng pamasahe sa 'kin nanakawan raw siya kasi at walang kapera-perang natira. Masyado siyang makwento kaya natakot ako baka inuuto na nya lang ako pero ayus naman. Banas na banas ako nung friday may bigla kasing sumigaw akala mo kung napaano napatingin kami dun sa babae tapos nakita lang pala yung friend nya pasalamat sya di ako bad trip nun kundi binitin ko sya sa overpass hehe oa no! Yay! antok na yata ako totoo na to! Wee sana magising ng maaga para magawa na ang mga gawaing gagawin heh ewan!

Saturday, February 24, 2007
Mello Marshmallow P12.20


Matatapos na naman ang weekend... Nanamnamin ko na lang 'tong masarap na marshmallow para malimutan ko lahat ng galit ko sa mundo wehehe. Ang gago kasi ng mga pahirap sa buhay na hindi naman kailangan eh. Tae talaga ang sama ng ugali nung taeng inimbita naming speaker. Humanda siya tatambangan ko sya sa arki sa march 9. Bading kasi eh ang sarap upakan! Sana pwedeng lumipat ng college pero ganun pa rin yung course! 'Di bale isang taon na lang(sana) na titiisin kong mga pagmumukha ng mga %#^^@@* yan! Hindi ako galit masarap lang talaga ang marshmallow!


Saturday, February 3, 2007
Nesvita


Haha! Nesvita! alam ko na kung bakit ako nagtae! Dahil jan sa expired na Nesvitang nilaklak ko nung ilang mga araw. Nakita ko na kasi eh BEST BEFORE 04/2006 haha katakawan ininom pa rin. Paalala 'wag maging kasing takaw ko at huwag uminom ng lipas na gatas lalo na kung mag-iisang taon na itong expired. Maraming salamat po!

Kwentuhang Pagtae

Kahapon kami'y nagkita-kita ng aking mga kaibigang matagal nang hindi nakita. Kumain kami ng lunch ng alas dos dahil sa aking pagka-late. Nagkukwentuhan kami at maya-maya'y napagdiskitahan ang yogurt shake na aking iniinom. Sa ibang tao raw ay nakakapagdulot ng pagtatae ang yogurt. Bigla namang naitanong ng isang kasama kung nakatae na raw ba kami sa isang pampublikong palikuran. Napaisip naman kami. Ah oo nakajebs na kami minsan sa CHE, CIDL, Mall, at kung saan pa.

Naikwento at naalala ko tuloy na noong ID 141 na nagpaalam pa ko sa aming prof na mag-cr sa main building ng CHE (najejebs na 'ko eh) at tinanong nya kung bakit hindi na lang daw sa cr sa classroom ako gumamit (may sariling cr kasi ang IDS 122A). Sabi ko na lang eh wala kasing tubig 'dun dahil sa ating lipunan ay may pagka-taboo ang pagsasabi sa publiko na "natatae na 'ko" (naalala ko 'pa 'yung friend ko dating nagalit sa 'kin dahil inannounce ko sa klaseng natatae siya para manghingi ng tissue sa kung sinong meron). Pero syempre ang dahilan naman talaga ay kawawa naman lahat ng makakamoy ng aking milagrong ginawa drafting pa naman 'yun. Pagbalik ko ng classroom eh nagtanong itong mga katabi kung saan ako nanggaling at sabi ko nga eh jumebs ako. Nagtawanan naman kami. Pero kung iisipin nga naman eh walang nakakatawa o nakakadiri (oo nakakadiri ang tae) sa akto ng pagtae sapagkat ito'y MAHALAGANG bahagi naman ng ating pang-araw-araw na buhay.

Naalala ko tuloy 'yung kamag-aral ko noong elementary (kawawa naman siya naaalala siya ng lahat ng tao dahil rito) najebs na siya sa upuan dahil nahihiya siyang magbanyo at tumae o kaya'y magsabi kay teacher na natatae siya (naiyak na lang tuloy siya nung natae na siya sa kanyang upuan). Noong elementary kasi eh may pass pa bago ka maka-cr. Pagkatapos tuloy ng pangyayaring iyon eh kapag medyo matagal-tagal nawala 'yung pass paghihinalaan 'yung huling gumamit na tumae sa cr. Eh kung nasanay na ang mga taong hindi ikinahihiya ang pagtae eh di sana wala nang magiging ganitong mga kaso ng pagpipigil tumae at mas malala pang kahihiyan.

Hindi naiisip ng iba na mas nakakadiri ang hindi pag-flush (lalo na pag may tubig at gumaganang flush) kaysa sa pagtakip at pag-iwan na lamang ng jebs sa bowl para wala lang makaamoy na mga ibang nasa cr at problemahin na lamang ito ng susunod na gagamit. Hindi ba nakakainis (lalo na pag gumagana naman ang flush) kapag gagamit ka na ng toilet at may lumulutang na mga bagay sa iihian mo? At kung ang mga tao sana'y hindi nahihiya sa pagtae, eh di hindi rin sila mahihiyang mag-flush o magbuhos ng kanilang mga dumi sa pampublikong mga cr, 'di ba? Wala nang masakit na tiyan, wala 'pang mabahong palikuran! (hehehe may potensyal na maging slogan)

Boy, alis d'yan!

Noong isang araw sa MRT, nabanas ako nang may taong mukhang lalaking nakapila sa area na para sa mga ladies, children and elderly. Obviously, itong si boy ay isang tibo. Nakakainis lang dahil wala namang nakasulat sa karatulang ladies, children, elderly and crossdressing lesbians. Sige sabihin na nating diskriminasyon ang aking sinasabi pero sa tingin ba ng iba 'pag tinawag ko itong si miss tibong crossdresser na lady eh matutuwa siya? Nakakainis pa at nakikipag-unahan silang umupo samantalang kalalaki ng katawan at pa-astig pang lumakad. Gusto ko ngang awayin gago pala kayo eh dun kayo sa ibang sakayan (oo masama ako) at paupuin 'nyo 'yang may mga kasamang bata at mas matatanda. Nakikita niyo bang kasama kayo sa kategorya ng pwedeng sumakay rito? Pwede naman talaga silang sumakay sa bahaging iyon ng tren nakakainis lang kung ako si manong guard na nagbabantay doon sasabihan ko sya "boy 'dun ka bawal 'lalaki' rito." Magrereklamo kasi sila ng gender discrimination tapos 'pag tinrato mo naman sila ng kung anumang gender ang kanilang claim sa mga pagkakataong tulad ng sa MRT eh tatawagin pa ring diskriminasyon. Wala akong galit sa mga 'masasayang' tao pero ewan nakakainis lang talaga sila minsan.

Tuesday, November 4, 2008

Frodo-san, Aishiteru!

Isa na naman ito sa aking kapitbahay chronicles. Eh kasi naman ilang beses na naming inireklamo itong sina kapitbahay kina apartment administrator eh deadma lang naman sila. Akala ba nila'y natutuwa ang kanilang mga kapitbahay na marinig ang paulit-ulit nilang pinanonood na mga palabas. Tuwing nanonood sila eh parang nasa sala nila ako at dinig na dinig ko ang bawat dialogue at eksena sa palabas. Tulad na lang noong adik na adik sila sa 300. Haay naku sawang-sawa ako sa palabas na 'yun dahil sa kanila. Ngayon naman ay ikatlong araw na nilang pinanonood maghapon ang Lord of the Rings. Lagi ko pang naaabutan pag nasa kwarto ako (kung saan pinakarinig ang lahat) ay ang eksena ni Frodo at Sam noong papunta sila kung saan susunugin na 'yung ring. Mala-yaoi ang eksenang ito at ayaw ko nang maalala. Hinihintay ko na lang ngayon kung kailan sila magsasawang manood.

Kwentong Sementeryo

Nakakapagod maglulupasay sa sementeryo. Wehehe noong undas syempre andun kaming lahat sa libingan ng aking lola. Ayun mabuti naman ang kalagayan niya (haha pa'no ko nalaman?). Para na naman akong batang nagkakasat sa damo, putik at linoleum kasama ang aking mga pinsan at mga pamangking sandamakmak. Syempre picture picture na naman. Pinakamarami naming pictures ay ngayong taon haha! Umabot kami ng mahigit limandaang ewang pictures. Gusto ko sanang maglaro ng kandila kaya lang naunahan na 'ko ng mga pamangkin ko. Namiss ko nang maglaro ng kandila dahil 'yun ang kasiyahan namin noong kami pa 'yung mga batang sinasaway ng matatanda. Birthday celebration din pala 'yun ng mga pamangkin kong nagbirthday noong Oct. 31 at Nov.1 haha ayos talagang mga petsa ng kapanganakan. Wala naman ibang gaanong nangyari. Maaga nga kaming nagsiuwi... dati mua 9am hanggang 9pm andun kami... ngayon hanggang 7 lang hehehe.

Teka ba't ko nga ba kinukwento 'to?