Kahapon kami'y nagkita-kita ng aking mga kaibigang matagal nang hindi nakita. Kumain kami ng lunch ng alas dos dahil sa aking pagka-late. Nagkukwentuhan kami at maya-maya'y napagdiskitahan ang yogurt shake na aking iniinom. Sa ibang tao raw ay nakakapagdulot ng pagtatae ang yogurt. Bigla namang naitanong ng isang kasama kung nakatae na raw ba kami sa isang pampublikong palikuran. Napaisip naman kami. Ah oo nakajebs na kami minsan sa CHE, CIDL, Mall, at kung saan pa.
Naikwento at naalala ko tuloy na noong ID 141 na nagpaalam pa ko sa aming prof na mag-cr sa main building ng CHE (najejebs na 'ko eh) at tinanong nya kung bakit hindi na lang daw sa cr sa classroom ako gumamit (may sariling cr kasi ang IDS 122A). Sabi ko na lang eh wala kasing tubig 'dun dahil sa ating lipunan ay may pagka-taboo ang pagsasabi sa publiko na "natatae na 'ko" (naalala ko 'pa 'yung friend ko dating nagalit sa 'kin dahil inannounce ko sa klaseng natatae siya para manghingi ng tissue sa kung sinong meron). Pero syempre ang dahilan naman talaga ay kawawa naman lahat ng makakamoy ng aking milagrong ginawa drafting pa naman 'yun. Pagbalik ko ng classroom eh nagtanong itong mga katabi kung saan ako nanggaling at sabi ko nga eh jumebs ako. Nagtawanan naman kami. Pero kung iisipin nga naman eh walang nakakatawa o nakakadiri (oo nakakadiri ang tae) sa akto ng pagtae sapagkat ito'y MAHALAGANG bahagi naman ng ating pang-araw-araw na buhay.
Naalala ko tuloy 'yung kamag-aral ko noong elementary (kawawa naman siya naaalala siya ng lahat ng tao dahil rito) najebs na siya sa upuan dahil nahihiya siyang magbanyo at tumae o kaya'y magsabi kay teacher na natatae siya (naiyak na lang tuloy siya nung natae na siya sa kanyang upuan). Noong elementary kasi eh may pass pa bago ka maka-cr. Pagkatapos tuloy ng pangyayaring iyon eh kapag medyo matagal-tagal nawala 'yung pass paghihinalaan 'yung huling gumamit na tumae sa cr. Eh kung nasanay na ang mga taong hindi ikinahihiya ang pagtae eh di sana wala nang magiging ganitong mga kaso ng pagpipigil tumae at mas malala pang kahihiyan.
Hindi naiisip ng iba na mas nakakadiri ang hindi pag-flush (lalo na pag may tubig at gumaganang flush) kaysa sa pagtakip at pag-iwan na lamang ng jebs sa bowl para wala lang makaamoy na mga ibang nasa cr at problemahin na lamang ito ng susunod na gagamit. Hindi ba nakakainis (lalo na pag gumagana naman ang flush) kapag gagamit ka na ng toilet at may lumulutang na mga bagay sa iihian mo? At kung ang mga tao sana'y hindi nahihiya sa pagtae, eh di hindi rin sila mahihiyang mag-flush o magbuhos ng kanilang mga dumi sa pampublikong mga cr, 'di ba? Wala nang masakit na tiyan, wala 'pang mabahong palikuran! (hehehe may potensyal na maging slogan)
No comments:
Post a Comment