Huwag itong basahin

'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.

Monday, August 31, 2009

Pasensya na sa mga di ko nasasagot na text

Woo! Matagal na rin akong nawala sa multiply. Sa palagay ko di naman ako magbabalik tulad ng dati hehehe... wala na 'kong panahon magsulat-sulat ng kung anu-ano? 'Di naman. Tamad na lang akong sumulat. Ewan ko ba... tinatamad akong mag-type. Ano bang pinaggagagawa ko ngayon? Nag-me-maple story, neopets, gaia... facebook? di na rin... 'Di na nga ako nakakanuod ng anime eh. Hindi naman ako miserable tulad ng dati pero 'di pa lang ako makanuod ng anime sa ngayon. Ano ngayon kung fan ako ni Bon Jovi? Huh? Teka labo... Ah �un nga pala lumalabas pa rin naman pala ako kahit minsan. Nanuod nga pala kami ng sessionistas nung isang Biyernes. Ok naman sila. Err... syet obyus bang tinatamad ako masyado at gusto ko lang magkwento ng kung anu-anong mga bagay na walang kuneksyon. Sana laging masaya ang buhay tulad ngayon. Kaya lang nararamdaman ko nang malapit na kong mangarag muli hehehe.

Yung title nga pala. Pasensya na talaga sa mga mababait na taong nakakaalala pa sa akin at di ako nakakareply. Dami lang din talagang inaasikaso... Natataong nagtatrabaho ako pag nagtetext kayo hehehe. Salamat!

Sunday, April 5, 2009

Parang

ayoko munang magsulat...

Sunday, March 1, 2009

Pagkamuhi

'Di ko alam kung saan nanggagaling ang pagkamuhi. Pagkatapos ng pagkaasar, pagkainis, pagkabanas, at galit, nagkakaroon ng pagkamuhi. Hindi nakakatuwa ang damdaming ito. Nakakasira pa nga ng ulo eh. Nakagugulo ng pag-iisip, nakasasakit ng tiyan, nakasisira ng ngipin, minsan ay nakabubutas ng bulsa. Ewan, pero ako'y namumuhi sa mga sandaling ito. Kanino? Saan? Marami, Hindi ko alam. Bakit? Napakarami ring dahilan.

Mahirap.

Friday, February 27, 2009

Displacement Map

This might sound silly but can anyone help me with displacement maps in Photoshop? I can't seem to put things together haha! I'm kinda confused with how it works when I want something to look like it is wrapped with something. I know how it works when you want a text to blend in with a textured background but I can't figure out how to distort an image over another image using a displacement map. Arggh! It sucks but I just don't get it. I can't get the results I want... huhuhu! I guess I could use another method and just do it in the layering but I want to learn how to use this displacement thing. I'm tired of searching for online tutorials and this might be an easier way harharhar!

Thanks in advance!

Thursday, February 26, 2009

I'm giving up my studs

Yes, I'm getting rid of my piercings. Umm... wait, I think "letting them heal" is more appropriate. I have 6 of them. Two of them are 21 yrs old and 4 are almost four years old. I'm giving up the younger ones. I've had them since the sembreak of 2nd yr college but until now they still heal up awfully fast as if my ears were newly pierced. They told me before that it was only going to take 1-3 months for it to stop bleeding but it didn't. They didn't bother me before but now I'm sick of them. Hohoho! Good-bye piercings!

Wednesday, February 25, 2009

Saging na Saba

Nasubukan mo na bang amuyin ang bagong lagang saging na saba? Eh 'yung matagal na sa plastik? Sabi ng aking ama at ng aking kapatid, amoy bulok na basahan daw. Ewan ko kung sino'ng nagsabing amoy paa naman daw... Sa aking palagay, mas naaangkop ang amoy basahang pinamunas ng bulok na paa.

Wala na naman akong maisip isulat. Mabaho lang siguro ako kaya ko naisip 'to. Nakakaaliw lang kasi ang magsulat ng blog. Minsan nalilimutan mong may mga taong nakakabasa. Sa bagay, kahit alam mong may ibang nakakakita, ikaw naman ang bahala kung susunod ka ba sa mga patakaran ng pagsulat na iyong natutunan. Sa bagay ito naman ang iyong sariling talaarawan kaya't ikaw ang bahala kung ano'ng gusto mong gawin dito.

Hindi rin kailangang pormal o may istilo ang iyong pagsulat, ikaw na rin ang bahala. Ngunit kung praning ka katulad ko, marahil nais mo ring ayusin kahit paano kahit ang porma lamang ng iyong mga pangungusap. Oo, kahit walang kapararakan ang aking mga sinusulat.

Para nga pala sa impormasyon ng mga nang-iimbyerna sa akin sa aking pagiging unemployed, magsaya na kayo dahil mula noong ikalabindalawa ng Pebrero ay naghahanap na ako ng trabaho. Salamat!

Sa ngayon, isa pa rin akong gusgusing batang pakalat-kalat kung saan. Nagkakamot ng ulo't naghahanap ng kuto.

Tuesday, February 24, 2009

Bakit nga ba ako'y 'yong pinaasa?

Ngunit 'di mo na mababawi'ng iniwang sakit sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda at siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako'y 'yong pinaasa?

Haay! Nakaka-LSS naman itong kantang 'to. Kagabi ko pa 'to kinakanta-kanta hehehe... Hanap na lang ako ng chords nang lalong hindi ko malimutan haha! Wala na namang kwenta 'tong post na 'to. Naiinis lang ako at may sakit na naman ako. Natulog lang ako maghapon kahapon. Nagigising ako ng mga 30 minutes tapos tulog na naman. Waah! Ayoko nang magkasakit! Pasensya na sa mga picture kong utang na hindi ko pa na-upload. Sa susunod na lang kapag matino na 'ko. (Mangyayari kaya 'yun?)