Mabuti na sana ang araw kanina. Nagmala-Cinderella kami (ayon kay Denise) sa Conference Room para medyo umayos naman ito bago ang pagkuha ng picture tsaka ng event. Konti na lang kanina matatapos na sana kaya lang di na kinaya ng mga 7:45p. Ok na sana ang lahat kundi lang sa mga nakababanas na nilalang. Pinakikiusapan kayo ng maayos na huwag sanang babuyin ang proyekto naming para sa mga susunod pang gagamit tapos sasagot kayo ng hindi nag-iisip. Kung napagod ka sa pag-aayos ng bagay na sinasadyang sirain ng mga kung sinong nilalang at sasabihan ka ng "gusto nyo h'wag magasgas yung talaga namang nagagasgas?" ano kayang mabuting maiisip mo para sa nagsabi nun? Nagdadalawang isip tuloy ako kung taga-UP ka talaga kasi hindi ka nag-iisip eh, kulang ka sa utak! At balak mo pa kaming isumbong kay dorm manager? Kapalmuks ka rin talaga eh! Yung tao nga hindi pa pinipilit gamitin yung office nya para bago pa 'pag kailangan namin tapos ikaw hindi ka nga residente dyan eh ang kalabaw ng mukha mo! Maraming mababait na tao sa mundo ngunit marami ring mga basurang tulad mo. Mabuti na lang at mga UP student kaming nag-iisip at kahit paano'y mas mataas ang EQ kaysa sa'yo. Kaya nga kay blog ko na lang sinasabi ang lahat upang hindi naman mababoy ang pagkatao mo.
Hiling ko lang, sana h'wag tayong masyadong gago.
Huwag itong basahin
'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.
Friday, January 25, 2008
Thursday, January 24, 2008
Espasol
May nasalubong ako noong isang araw. Dalawang babaeng ewan ko kung naligaw lang ba sa UP. Yung isa wala lang nagpipilit magpakakonyo tulad nung kasama niya. Yung isa naman... well, nagpipilit lang din magpakakonyo at ang nakakainis eh wala siyang ibang bukambibig kundi fuck. Fotek nakakabanas sa tenga, ang tagal pa naman dumating nung dyip na hinihintay ko. Hindi mo kasi pwedeng hindi marinig dahil sobrang lakas niyang magkwento. Sabi niya, "fuck! yesterday I saw this dude na nasa motorcycle with a woman and a 2-month old baby! and fuck ang fucker nila kasi that's so dangerous di ba? fuck talaga I wanted to get the baby and then isasakay ko na lang sa car ko kasi... fuck di ba?" Syete nakakabanas sila naalala ko tuloy yung usapan nila. Hello yung mga dumadaan kaya dun sa shed napapatingin sa kanila ang ingay eh.
Kanina naman ay may mga haliparot na babae sa jip. Pinipilit nyang ipasok yung payong nya ng nakabukas para maabutan nya yung mga kachokaran niyang maiingay rin. Natusok yung mata ko nung payong nya tapos tawa pa sila ng tawa. Fuckers! Hala! Nakakahawa! Gomen, gomen... Buti na lang maganda ang lagay ng aking pag-iisip kanina.
Ngayon naman nakakita ako ng mga espasol na kahoy at bakal hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis.

Monday, January 21, 2008
The DepEd Adventure
Nararamdaman ko na kaninang isa-isang namamatay ang blood cells ko habang nakasakay ng traysikel. Siksikan kasi pauwi sa bahay. Haay... Masaya ang aking naging karanasan kanina wuhuhu. Nagpunta ko sa DepEd NCR para sa aking thesis. Mababait naman sila dun pinahiram nga 'ko ng data para ipa-photocopy ko. Nagtanong naman ako kung saan magpapaphotocopy. Wala pala silang copier kaya pumunta na lang daw ako sa Cyberzone sa Philcopy para magpacopy (di gaanong paulit-ulit no?). Tapos, pagdating ko naman sa Philcopy nasayang ang pagpila ko dahil hindi raw sila ng phophotocopy ng libro. Sa isip-isip ko wtf? pero ok lang kasi 2 pesos per page ang copy nila. Sa National naman wala yung nagphophotocopy. Swerte! Syempre desperado na 'kong magpacopy dahil limitado lang ang oras ng paglabas nung libro. Hayup pumunta pa ako sa Philcoa! Hayup talaga ang Alva kung kelan ko kailangan 'dun naman nasisira mga copier nila. Tinanong ako kung pwede raw 8pm ko na lang kunin. Isa na namang wtf? sa isip ko. Umakyat ako sa itaas ng Philcoa at umaasang may makakapagcopy na. Yung isang Alva dun walang copier. Yung Arkishop naman hindi ako pinapansin p.i. nayayamot na 'ko. Akala ko'y katapusan na ng aking kainisan, may pumayag nang magcopy kaya lang 5 minuto bawat page p*&&^^% i*&^ sobrang gusto kong upakan yung nagkacopy. Pinatigil ko na lang siya p.i. ang daming ibang ginagawa hindi na lang magcopy ng magcopy eh! Piso isa pa yung pangit nilang copy bastos! Wala na akong ibang choice kundi pumasok sa UP. Buti na lang mabuti sa akin ng SC nakapagpacopy na rin sa wakas! Haay... nakakapagod ikuwento. Tapos buti may dyip agad ng SM na dumating at nakabalik din ako sa DepEd. Woohoo!
Gusto ko ng sushi!
Gusto ko ng sushi!
Saturday, January 19, 2008
Calcium Citrate
Nawiwili na naman akong magsusulat ng kung anu-ano hehehe. Nakakaaliw kasi pwedeng walang mga rules na sundin kapag sumusulat o kaya nama'y pwedeng itong baliin ng kaunti. Nalulungkot lang ako dahil gusto ko rin sanang malinang pa ng husto ang aking pagsulat ngunit wala naman akong ibang alam na paraan. Mapapansing madalas ay makaluma ang tono ng aking mga sulat dahil ito na ang aking nakasanayan. Nais ko sanang maiba ang aking istilo ng pagsulat ngunit tila wala akong panahon haha! Ni hindi man nga lang ako kumuha ng GE na Filipino o kaya'y malikhaing pagsulat para lang malaman ko kung ano nang mga pagbabago sa ating wika(?). Who cares?
Sa ngayon trip ko lang gumawa ng kung anu-ano... (kung anu-anong may kinalaman sa pag-aaral syet boring!) Ayan ngayon hindi ko naman ma-gets kung bakit ayaw mag-update ng anti-virus ko. Yay! Napapraning na naman ako dahil hindi pa ako naliligo. Maya-maya siguro'y majejebs na 'ko haha! (oo kailangan kong ipangalandakan iyon!)
Gusto ko nga pa lang matuto ng Spanish dahil gusto kong mabasa ang Noli at Fili sa orihinal nitong wika. Haay may pag-asa pa 'ba akong matutunan lahat ng gusto ko?

I Remember You
Namida wa misenai tte kimi wa sou itte boku tachi wa futaride wo futta... Ewan di ko alam ang ibig sabihin nyan. Na-stuck lang sa isip ko wehehe. Kanta ng paborito kong Japanese artist na si Yui at title nya ay pareho ng title ng entry na ito yay! Wala lang sori trip ko lang. Ngayong mga panahong ito, sumusulat ako hindi lang ng blog kundi ng para sa ID 179 pa rin namin habang nakikinig kay Yui at nang-gigitara (hanapin sa diksyunari ni Meysel). Wow multi-tasking parang kompyuter ko wuhuhu!
Kani-kanina lang may kumakatok na namang batang nanghihingi ng pagkain. Nakasanayan na yata nyang kumatok sa bahay namin dahil lagi siyang binibigyan ni Mama. Syempre nariyan na naman ang aking madalas na dilemma. Pang-iispoil ba itong ginagawang ito o pagtulong? Sa bandang huli hindi rin kami lumabas ng bahay kasi wala rin naman kaming pagkaing maibibigay.
Kailangan ko nang matapos ang aking mga book review at masimulan na ang pagrerevise ng aking thesis! Haay! Natatakot talaga ako! Sana matapos ko ito sa oras. Tumigil na nga muna 'kong manood ng anime eh wehehe. Marami na nga pala akong napanood nitong maikling bakasyon. Eto ang aking evaluation ng mga napanood ko.
1. Detective School Q - Maganda storya pero di ko pa napanood ng buo...
2. Ghost Hunt - Maganda drowing at ok lang ang storya. - OK!
3. Suzuka - Maganda ang drowing, pangit ang storya. - Medyo TRASH!
4. XXXHolic - Di pangit, di rin gaanong maganda - MAPAGTITYAGAAN!
5. Shinigami no Ballad - Pambata ang drawing maganda naman, walang storya - TRASH!
6. I, My, Me Strawberry Eggs - Ok ang drowing, kadiri ang storya - May mas baBASURA pa ba rito?
7. Ginban Kaleidoscope - Ok lang ang drowing, pang-disney ang storya. - Ok lang
8. Nodame Cantabile - nakakaaliw ang drowing at storya - NAKAKAALIW!
Marami pa eh hindi ko lang matandaan kung anu-ano. Siguro pangit yung mga hindi ko matandaan pero pwedeng dahil lang sa aking memory gap. Wala pa ring tatalo sa aking mga paborito wehehe ililista ko nga.
1. Rurouni Kenshin
2. Hajime no Ippo
3. Mushishi
4. Monster
5. GTO
6. Nodame Cantabile
7. Ouran High School Host Club
8. Saiyuki Trilogy
9. Naruto
10. Jigoku Shoujo
11. Bleach
12. Fruits Basket
13. Beck
14. Gatekeepers
15. Blood+
16. Yakitate Japan
17. Chuuka Ichiban
18. Ghosts at School
19. Gokusen
20. Chibi Maruko-chan
21. Detective Conan
22. Dragonball (Sinusulat pa ba 'to)
23. Flame of Recca
24. Yu Yu Hakusho
Mga napagtripan lang panoorin
1. Welcome to NHK! (nakakarelate ako wehehe)
2. Honey and Clover (kawaii!)
3. Gunslinger Girls (bitin)
4. Jubei-chan, the Ninja Girl (hindi napanood lahat, sa animax lang)
6. Yami no Matsuei (bading)
7. Kyou Kara Maoh! (bading)
8. Saiunkoku Monogatari (di pa tapos mejo boring na eh)
9. Midori no Hibi (scary haha!)
10. Vampire Princess Miyu (ok lang)
11. Tenjo Tenge (mejo boring di ko pa tapos)
Iilan lang ang mga iyan sa mga napanood ko na. Sana marami pa akong mapanood pagkatapos ng semestreng ito!

Friday, January 18, 2008
Maligaya dapat ang 2008
Ayan! Maligayang Bagong Taon! Wehehe hindi pa naman huli ang lahat para bumati hindi ba? Haay napakatagal ko na ring hindi nakakapagblog dahil sa napakaraming dahilang kasama na ang mabagal na internet connection.
Ngayon ko lang napagtanto na nakatutulong pala itong pagsulat ko ng kahit mga kalokohan lang sa pagpapatuloy ng paglinang ng aking pagsulat. Nitong medyo matagal na akong tumigil magsulat ay napansin kong may kabagalan na rin akong mag-isip ng kung anong mga gusto kong ipahayag.
May kalokohan akong nagawa kaninang exam. Alam na alam ko ang sagot sa isang tanong ngunit iba ang aking sinulat. Wow! Galing ko talaga! At kababasa ko lang ngayon na mali pala ang aking hula sa pangyayari noong Pebrero 17, 1872. Nalito ako wehehe at ang nailagay ko ay ang pangyayari noong 1871 haaay... Sa bagay ayus lang hehehe! Kahit hindi ko man gaanong gusto ang paraan ng pagkakaturo ng subject na aking tinutukoy, naaliw pa rin ako sa mga pinababasa. Parang medyo naiintindihan ko na kung bakit obsessed yung prof ko kay Rizal (malapit na nga rin akong ma-obsess sa kanya eh).
Haay! Ang dami ko nang mga sinulat kung saan-saang papel minsan sa tisyu pa nga harharhar dahil nahihirapan akong kumonek sa internet. Tulungan nyo naman akong magdasal. Sana tayo'y magtapos lahat ng maayos at sana rin matapos ko na ang thesis ko. Sana matapos nyo na rin ang thesis 'nyo.
Ayaw ko na yatang pag-usapan ang mga bagay na may kinalaman sa pag-aaral. Lalo akong nalulungkot. Malungkot ako ngayon dahil hindi ko maitono yung huling dalawang strings ng violin ko. Hindi na rin ako makabasa ng mga nota dahil sa tagal ko nang hindi nag-ensayo. Ngunit sisiguraduhin ko kapag natapos ko ang thesis ko, muli kong pag-aaralang ang pagbibiyolin. Pangarap ko kasing makatugtog ng isang piyesa ni Bach. Minsan (mga tatlong araw na ang nakakaraan) ay nangarap akong tumugtog ng oboe ngunit nang magsaliksik ako ukol rito, napakahirap pala nitong tugtugin. Balik na lang ako sa dati kong pangarap na tumugtog ng totoong flute o kaya aay ng piccolo.
Kailangang maging masaya ang 2008.

Subscribe to:
Posts (Atom)