Huwag itong basahin

'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.

Friday, January 18, 2008

Maligaya dapat ang 2008

Ayan! Maligayang Bagong Taon! Wehehe hindi pa naman huli ang lahat para bumati hindi ba? Haay napakatagal ko na ring hindi nakakapagblog dahil sa napakaraming dahilang kasama na ang mabagal na internet connection.

Ngayon ko lang napagtanto na nakatutulong pala itong pagsulat ko ng kahit mga kalokohan lang sa pagpapatuloy ng paglinang ng aking pagsulat. Nitong medyo matagal na akong tumigil magsulat ay napansin kong may kabagalan na rin akong mag-isip ng kung anong mga gusto kong ipahayag.

May kalokohan akong nagawa kaninang exam. Alam na alam ko ang sagot sa isang tanong ngunit iba ang aking sinulat. Wow! Galing ko talaga! At kababasa ko lang ngayon na mali pala ang aking hula sa pangyayari noong Pebrero 17, 1872. Nalito ako wehehe at ang nailagay ko ay ang pangyayari noong 1871 haaay... Sa bagay ayus lang hehehe! Kahit hindi ko man gaanong gusto ang paraan ng pagkakaturo ng subject na aking tinutukoy, naaliw pa rin ako sa mga pinababasa. Parang medyo naiintindihan ko na kung bakit obsessed yung prof ko kay Rizal (malapit na nga rin akong ma-obsess sa kanya eh).

Haay! Ang dami ko nang mga sinulat kung saan-saang papel minsan sa tisyu pa nga harharhar dahil nahihirapan akong kumonek sa internet. Tulungan nyo naman akong magdasal. Sana tayo'y magtapos lahat ng maayos at sana rin matapos ko na ang thesis ko. Sana matapos nyo na rin ang thesis 'nyo.

Ayaw ko na yatang pag-usapan ang mga bagay na may kinalaman sa pag-aaral. Lalo akong nalulungkot. Malungkot ako ngayon dahil hindi ko maitono yung huling dalawang strings ng violin ko. Hindi na rin ako makabasa ng mga nota dahil sa tagal ko nang hindi nag-ensayo. Ngunit sisiguraduhin ko kapag natapos ko ang thesis ko, muli kong pag-aaralang ang pagbibiyolin. Pangarap ko kasing makatugtog ng isang piyesa ni Bach. Minsan (mga tatlong araw na ang nakakaraan) ay nangarap akong tumugtog ng oboe ngunit nang magsaliksik ako ukol rito, napakahirap pala nitong tugtugin. Balik na lang ako sa dati kong pangarap na tumugtog ng totoong flute o kaya aay ng piccolo.

Kailangang maging masaya ang 2008.

No comments: