Nararamdaman ko na kaninang isa-isang namamatay ang blood cells ko habang nakasakay ng traysikel. Siksikan kasi pauwi sa bahay. Haay... Masaya ang aking naging karanasan kanina wuhuhu. Nagpunta ko sa DepEd NCR para sa aking thesis. Mababait naman sila dun pinahiram nga 'ko ng data para ipa-photocopy ko. Nagtanong naman ako kung saan magpapaphotocopy. Wala pala silang copier kaya pumunta na lang daw ako sa Cyberzone sa Philcopy para magpacopy (di gaanong paulit-ulit no?). Tapos, pagdating ko naman sa Philcopy nasayang ang pagpila ko dahil hindi raw sila ng phophotocopy ng libro. Sa isip-isip ko wtf? pero ok lang kasi 2 pesos per page ang copy nila. Sa National naman wala yung nagphophotocopy. Swerte! Syempre desperado na 'kong magpacopy dahil limitado lang ang oras ng paglabas nung libro. Hayup pumunta pa ako sa Philcoa! Hayup talaga ang Alva kung kelan ko kailangan 'dun naman nasisira mga copier nila. Tinanong ako kung pwede raw 8pm ko na lang kunin. Isa na namang wtf? sa isip ko. Umakyat ako sa itaas ng Philcoa at umaasang may makakapagcopy na. Yung isang Alva dun walang copier. Yung Arkishop naman hindi ako pinapansin p.i. nayayamot na 'ko. Akala ko'y katapusan na ng aking kainisan, may pumayag nang magcopy kaya lang 5 minuto bawat page p*&&^^% i*&^ sobrang gusto kong upakan yung nagkacopy. Pinatigil ko na lang siya p.i. ang daming ibang ginagawa hindi na lang magcopy ng magcopy eh! Piso isa pa yung pangit nilang copy bastos! Wala na akong ibang choice kundi pumasok sa UP. Buti na lang mabuti sa akin ng SC nakapagpacopy na rin sa wakas! Haay... nakakapagod ikuwento. Tapos buti may dyip agad ng SM na dumating at nakabalik din ako sa DepEd. Woohoo!
Gusto ko ng sushi!
No comments:
Post a Comment