Huwag itong basahin

'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.

Saturday, January 19, 2008

Calcium Citrate

Nawiwili na naman akong magsusulat ng kung anu-ano hehehe. Nakakaaliw kasi pwedeng walang mga rules na sundin kapag sumusulat o kaya nama'y pwedeng itong baliin ng kaunti. Nalulungkot lang ako dahil gusto ko rin sanang malinang pa ng husto ang aking pagsulat ngunit wala naman akong ibang alam na paraan. Mapapansing madalas ay makaluma ang tono ng aking mga sulat dahil ito na ang aking nakasanayan. Nais ko sanang maiba ang aking istilo ng pagsulat ngunit tila wala akong panahon haha! Ni hindi man nga lang ako kumuha ng GE na Filipino o kaya'y malikhaing pagsulat para lang malaman ko kung ano nang mga pagbabago sa ating wika(?). Who cares?

Sa ngayon trip ko lang gumawa ng kung anu-ano... (kung anu-anong may kinalaman sa pag-aaral syet boring!) Ayan ngayon hindi ko naman ma-gets kung bakit ayaw mag-update ng anti-virus ko. Yay! Napapraning na naman ako dahil hindi pa ako naliligo. Maya-maya siguro'y majejebs na 'ko haha! (oo kailangan kong ipangalandakan iyon!)

Gusto ko nga pa lang matuto ng Spanish dahil gusto kong mabasa ang Noli at Fili sa orihinal nitong wika. Haay may pag-asa pa 'ba akong matutunan lahat ng gusto ko?

No comments: