Huwag itong basahin

'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.

Saturday, January 19, 2008

I Remember You

Namida wa misenai tte kimi wa sou itte boku tachi wa futaride wo futta... Ewan di ko alam ang ibig sabihin nyan. Na-stuck lang sa isip ko wehehe. Kanta ng paborito kong Japanese artist na si Yui at title nya ay pareho ng title ng entry na ito yay! Wala lang sori trip ko lang. Ngayong mga panahong ito, sumusulat ako hindi lang ng blog kundi ng para sa ID 179 pa rin namin habang nakikinig kay Yui at nang-gigitara (hanapin sa diksyunari ni Meysel). Wow multi-tasking parang kompyuter ko wuhuhu!

Kani-kanina lang may kumakatok na namang batang nanghihingi ng pagkain. Nakasanayan na yata nyang kumatok sa bahay namin dahil lagi siyang binibigyan ni Mama. Syempre nariyan na naman ang aking madalas na dilemma. Pang-iispoil ba itong ginagawang ito o pagtulong? Sa bandang huli hindi rin kami lumabas ng bahay kasi wala rin naman kaming pagkaing maibibigay.

Kailangan ko nang matapos ang aking mga book review at masimulan na ang pagrerevise ng aking thesis! Haay! Natatakot talaga ako! Sana matapos ko ito sa oras. Tumigil na nga muna 'kong manood ng anime eh wehehe. Marami na nga pala akong napanood nitong maikling bakasyon. Eto ang aking evaluation ng mga napanood ko.

1. Detective School Q - Maganda storya pero di ko pa napanood ng buo...
2. Ghost Hunt - Maganda drowing at ok lang ang storya. - OK!
3. Suzuka - Maganda ang drowing, pangit ang storya. - Medyo TRASH!
4. XXXHolic - Di pangit, di rin gaanong maganda - MAPAGTITYAGAAN!
5. Shinigami no Ballad - Pambata ang drawing maganda naman, walang storya - TRASH!
6. I, My, Me Strawberry Eggs - Ok ang drowing, kadiri ang storya - May mas baBASURA pa ba rito?
7. Ginban Kaleidoscope - Ok lang ang drowing, pang-disney ang storya. - Ok lang
8. Nodame Cantabile - nakakaaliw ang drowing at storya - NAKAKAALIW!

Marami pa eh hindi ko lang matandaan kung anu-ano. Siguro pangit yung mga hindi ko matandaan pero pwedeng dahil lang sa aking memory gap. Wala pa ring tatalo sa aking mga paborito wehehe ililista ko nga.

1. Rurouni Kenshin
2. Hajime no Ippo
3. Mushishi
4. Monster
5. GTO
6. Nodame Cantabile
7. Ouran High School Host Club
8. Saiyuki Trilogy
9. Naruto
10. Jigoku Shoujo
11. Bleach
12. Fruits Basket
13. Beck
14. Gatekeepers
15. Blood+
16. Yakitate Japan
17. Chuuka Ichiban
18. Ghosts at School
19. Gokusen
20. Chibi Maruko-chan
21. Detective Conan
22. Dragonball (Sinusulat pa ba 'to)
23. Flame of Recca
24. Yu Yu Hakusho

Mga napagtripan lang panoorin

1. Welcome to NHK! (nakakarelate ako wehehe)
2. Honey and Clover (kawaii!)
3. Gunslinger Girls (bitin)
4. Jubei-chan, the Ninja Girl (hindi napanood lahat, sa animax lang)
6. Yami no Matsuei (bading)
7. Kyou Kara Maoh! (bading)
8. Saiunkoku Monogatari (di pa tapos mejo boring na eh)
9. Midori no Hibi (scary haha!)
10. Vampire Princess Miyu (ok lang)
11. Tenjo Tenge (mejo boring di ko pa tapos)

Iilan lang ang mga iyan sa mga napanood ko na. Sana marami pa akong mapanood pagkatapos ng semestreng ito!

No comments: