Huwag itong basahin

'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.

Wednesday, November 30, 2011

Maga

Kawawa naman 'tong blog na ito. Ni wala mang bagong nakasulat sa loob ng mahabang panahon. Naging tambayan na lang ng katopakan. Sa bagay may topak kasi talaga yung nagsusulat. Masaya akong ibalita na hindi na yata ako sa mga tao sa ngayon. Siguro medyo magpapakasaya muna ako sa mga panahong ito.

Dahil nagpapaantok ako at naghihintay matae, ibabahagi ko ang aking natuklasan kani-kanina lamang. Napulot ko ang ideya sa isang aklat ngunit maaaring nagawa mo na ito. Hinanap ko ang yahoo sa google at ang google sa yahoo. Nakapagtatakang bilyon ang lumabas na resulta sa paghanap ng yahoo sa google at milyon lamang ang lumabas sa paghanap ng google sa yahoo. Hindi ko pa sinubukang tignan ang detalye ng mga resultang ito para masuri dahil masakit ang aking tiyan.

Sa susunod susuriin ko ang bawat pahina ng mga resulta upang masabi kung bakit ganoon na lamang ang layo ng pagkakaiba ng paghanap ng yahoo at google. Marami pang pwedeng gawin tulad ng sabay na pagsaliksik sa YahOOgle ngunit sa susunod ko na lamang ito gagawin. Sa ngayon, ako'y magpapaalam muna at mag-iisip ng isusulat ko sa susunod. Hinahanap-hanap ko rin pala minsan ang pagsulat tungkol sa mga bagay na maaari namang hindi mahalaga sa mundo.

Sunday, January 16, 2011

Nothing

I'm not sure what to write. I was supposed to do this yesterday as well but I wasn't able to. I shouldn't be but I feel so out of it. I definitely don't want to throw up though I've been feeling like I want to.

What's happening? I don't know.

Saturday, July 17, 2010

Wirdo

Everyday is just getting weirder and weirder for me... I'm scared!

Saturday, July 10, 2010

Condolences

I really am evil. My mom's friend's son died this morning. He's just a bit older than me. When I heard the news, my instant reaction was envy. Of course I didn't show it nor did I tell anyone that I am so envious that he died at a young age. My mom and my sister would probably slap me if I ever said that. Unfortunately for them, that's what I really felt. Right now, I don't see any point in living anymore. I really wish I was dead. I don't want my life anymore. If I can just donate my life to those who want to live then I would have done it months ago. I'm not even sure if these thoughts are still caused by my illness or do I really hate living that much? I'm sick of dealing with my illness. I'm sick of pretending to be okay every freaking day of my life. Someone kill me please.

Wednesday, July 7, 2010

Mendukse

Wala akong maisip kasi nakakatamad. Tinatamad akong mag-isip dahil mahirap. Mahirap mag-isip dahil mahaba ang proseso. Mahaba ang proseso dahil komplikado. Kompikado ang pag-iisip kaya nakakatamad.

Makikinig na lang ako ng mga awiting hapon ng sa gayon ay mabawasan ang aking nararamdamang katamaran. Inaantok pa 'ko dahil umaga nang natulog. Nakakatamad. Sana tamarin akong tamarin. Nakakatamad maging tamad. Ibig kayang sabihin magiging masipag ako kapag tinamad akong maging tamad? Ngunit nakatatamad lalo ang pagiging masipag. Ano nang mangayayari sa akin kung laging ganito. Tamad na lang ng tamad.

Sana mawala na ang aking katamaran nang magkaroon naman ako ng silbi sa buhay. Haay... pati pag-iisip ng isusulat at pagta-type ay kinatatamaran ko na rin. Ayoko namang maging jejemon. Sa bagay mas nakakatamad nga maging jejemon dahil maghahalo-halo ka pa ng kung anu-anong shit para makagawa ng mga pangungusap na walang sense. Ang hirap kaya lalo mag-isip ng walang sense. Paano kaya nila ginagawa 'yun? O wala talaga silang sense? Hindi ko na ma-gets ang aking mga pinagsasabi. Ang tamad ko kasi.

Monday, July 5, 2010

Dra zhay

Can we pretend that airplanes in the night sky are like shooting stars? Yeah! Haay... sana nabuburyong na lang ako kaysa tinatamad. Ang hirap hirap tamarin. Ang bagal kong magtrabaho. Haay! Mendukse! Kahapon ako'y masaya sapagkat akin nang natapos ang FMA Brotherhood! Woohoo! Mas gusto ko yata ito kaysa sa naunang animated version ng FMA. Maraming mga eksenang imba pero ayus lang masaya naman. Nakatutuwa naman ang huling laban eh hehehe.

Sana maglaho na ang aking antok. Ayoko nang antukin!!! Mag-droga kaya ako?? Kaya lang mahal 'yun. Wala pa naman akong salapi sa mga panahong ito. Sampung araw pa bago muling dumating ang pera. 'Yun ay kung hindi ako matatanggal sa trabaho sa aking katamaran. Sana naman. Kahit paano'y natutuwa naman ako sa aking trabaho kaya't dapat magsipag kahit nakakatamad.

Sugatan ko kaya sarili ko para hindi ako antukin..? O masama ba 'yun? Oo nga 'wag na lang baka lalo akong hindi makapagtrabaho. Mamaya pipilitin kong mag-ehersisyo nang sa gayon ako'y magising-gising naman. Ako'y guguhit muna ng mga aking mga proyekto ngayon nang ako'y matapos.

Ang init pa ng panahon hindi ko mawari kung ano'ng gagawin. Kakain na lang muna 'ko ng mentos...

Sunday, July 4, 2010

Bata, bata, wala kang magawa?

Ang mga bata sa simbaha'y sadyang nakaiinis
Lakad dito, lakad doon, bungisngis nang bungisngis
Ngunit huwag hintaying ang mabahong bata'y mainis
Baka kayong lahat, isa-isang pakainin ng panis!

Ikaw batang pasaway, kaway nang kaway
Tumigil ka't baka ika'y matusok ng pamaypay
Sige lang at mag-ingay nang walang humpay
Makikita mo mamaya't ika'y aking makakatay!

Batang makulit, ako ma'y hindi makata
Aking pipilitin kahit mukhang tanga
Ang magsulat ng isang maikling tula
Habang hinihiling na ika'y madapa.

Huh?