Huwag itong basahin

'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.

Saturday, July 17, 2010

Wirdo

Everyday is just getting weirder and weirder for me... I'm scared!

Saturday, July 10, 2010

Condolences

I really am evil. My mom's friend's son died this morning. He's just a bit older than me. When I heard the news, my instant reaction was envy. Of course I didn't show it nor did I tell anyone that I am so envious that he died at a young age. My mom and my sister would probably slap me if I ever said that. Unfortunately for them, that's what I really felt. Right now, I don't see any point in living anymore. I really wish I was dead. I don't want my life anymore. If I can just donate my life to those who want to live then I would have done it months ago. I'm not even sure if these thoughts are still caused by my illness or do I really hate living that much? I'm sick of dealing with my illness. I'm sick of pretending to be okay every freaking day of my life. Someone kill me please.

Wednesday, July 7, 2010

Mendukse

Wala akong maisip kasi nakakatamad. Tinatamad akong mag-isip dahil mahirap. Mahirap mag-isip dahil mahaba ang proseso. Mahaba ang proseso dahil komplikado. Kompikado ang pag-iisip kaya nakakatamad.

Makikinig na lang ako ng mga awiting hapon ng sa gayon ay mabawasan ang aking nararamdamang katamaran. Inaantok pa 'ko dahil umaga nang natulog. Nakakatamad. Sana tamarin akong tamarin. Nakakatamad maging tamad. Ibig kayang sabihin magiging masipag ako kapag tinamad akong maging tamad? Ngunit nakatatamad lalo ang pagiging masipag. Ano nang mangayayari sa akin kung laging ganito. Tamad na lang ng tamad.

Sana mawala na ang aking katamaran nang magkaroon naman ako ng silbi sa buhay. Haay... pati pag-iisip ng isusulat at pagta-type ay kinatatamaran ko na rin. Ayoko namang maging jejemon. Sa bagay mas nakakatamad nga maging jejemon dahil maghahalo-halo ka pa ng kung anu-anong shit para makagawa ng mga pangungusap na walang sense. Ang hirap kaya lalo mag-isip ng walang sense. Paano kaya nila ginagawa 'yun? O wala talaga silang sense? Hindi ko na ma-gets ang aking mga pinagsasabi. Ang tamad ko kasi.

Monday, July 5, 2010

Dra zhay

Can we pretend that airplanes in the night sky are like shooting stars? Yeah! Haay... sana nabuburyong na lang ako kaysa tinatamad. Ang hirap hirap tamarin. Ang bagal kong magtrabaho. Haay! Mendukse! Kahapon ako'y masaya sapagkat akin nang natapos ang FMA Brotherhood! Woohoo! Mas gusto ko yata ito kaysa sa naunang animated version ng FMA. Maraming mga eksenang imba pero ayus lang masaya naman. Nakatutuwa naman ang huling laban eh hehehe.

Sana maglaho na ang aking antok. Ayoko nang antukin!!! Mag-droga kaya ako?? Kaya lang mahal 'yun. Wala pa naman akong salapi sa mga panahong ito. Sampung araw pa bago muling dumating ang pera. 'Yun ay kung hindi ako matatanggal sa trabaho sa aking katamaran. Sana naman. Kahit paano'y natutuwa naman ako sa aking trabaho kaya't dapat magsipag kahit nakakatamad.

Sugatan ko kaya sarili ko para hindi ako antukin..? O masama ba 'yun? Oo nga 'wag na lang baka lalo akong hindi makapagtrabaho. Mamaya pipilitin kong mag-ehersisyo nang sa gayon ako'y magising-gising naman. Ako'y guguhit muna ng mga aking mga proyekto ngayon nang ako'y matapos.

Ang init pa ng panahon hindi ko mawari kung ano'ng gagawin. Kakain na lang muna 'ko ng mentos...

Sunday, July 4, 2010

Bata, bata, wala kang magawa?

Ang mga bata sa simbaha'y sadyang nakaiinis
Lakad dito, lakad doon, bungisngis nang bungisngis
Ngunit huwag hintaying ang mabahong bata'y mainis
Baka kayong lahat, isa-isang pakainin ng panis!

Ikaw batang pasaway, kaway nang kaway
Tumigil ka't baka ika'y matusok ng pamaypay
Sige lang at mag-ingay nang walang humpay
Makikita mo mamaya't ika'y aking makakatay!

Batang makulit, ako ma'y hindi makata
Aking pipilitin kahit mukhang tanga
Ang magsulat ng isang maikling tula
Habang hinihiling na ika'y madapa.

Huh?

Saturday, July 3, 2010

Nag-ring ang Telepono

Kadiri ang panaginip ko kagabi. Puro dugo. Ano kayang ibig sabihin nun? Haha. Nakakatawa na lagi na lang naghahanap ang mga tao ng kahulugan sa mga bagay na wala naman. Parang praning lang. Walang magawa. Dulot siguro ito ng pagkaburyong sa buhay.

Nakakainis lang na minsan hindi ko na alam ang pagkaaiba ng paniginip at totoong nangyari. Madalas akong nananaginip ng mga text messages na hindi naman totoong natanggap. Minsan hinahanap ko sa telepono ang mensaheng akala ko'y totoong natanggap ngunit wala naman. Nakakalito. Hindi ko na rin nga malaman kung kailan ako gising at kung kailan ako tulog at nananaginip. Nakakasira ng ulo.

Mukhang magandang ideya nga ang gumawa ng maikling kwento. Sususbukan kong gumawa ng balangkas ngunit paano? Wala pa akong naiisip na paksa... Ang dami ko namang gustong gawin. Nakakainis lang nainaantok na naman ako. Hindi ko pa nga nagagawan ng buod ang meeting kahapon, kung anu-ano nang gusto kong gawin.

Masaya nga kung magugunaw na ang mundo. Bakit ba natatakot ang mga tao sa pagkagunaw ng mundo? Wala namang matitira di ba? Ako nga nasasabik sa pagkagunaw ng mundo. Nakasasabik kasing isipin na makikita ko ang katapusan ng mundo dahil imposible namang makita ko ang simula nito. Puro teorya lamang ang aking basehan sa pagkabuo ng mundo ngunit wala naman talagang nakakita. Kaya kung magugunaw ang mundo sa aking panahon ay lubos akong matutuwa.

Almond Jelly

Mahirap makipag-usap sa Intsik. Kala ko kanina kung anong sinasabi sa 'kin. Kala ko laging minumura ako. May sinasabi sya kanina kala ko "shit, shit" nalimutan ko na kung ano talaga 'yun basta related sa construction. Hehehe.

Sa ngayon antok na antok lang ako talaga. Isang oras at tatlumpong minuto lang ako nakatulog kanina dahil sa hinayupak na hagdan na 'yan. Pero ayos naman, sa kabutihang palad walang napili ni isa hahaha! Pero ako'y natutuwa naman na nagustuhan nila ang mga pinili kong muwebles.

Gutom na 'ko pero parang mas matimbang ang tulog sa ngayon... ewan. Nakakapagod bumiyahe. Haay. Hindi na tuloy matutuloy ang aking pinapangarap na FMA Brotherhood marathon. Sana makapag-shopping ako ng mga series sa Quiapo. Wala na akong sinusubaybayang series tampok ang mga totoong tao. Puro drawing na lang.

Gusto ko ng hipon.

Friday, July 2, 2010

What's on your mind?

'Yan na lamang ang laging tanong sa akin ng facebook. Tsismosang facebook 'yan! Eto naman ako uto-uto. Lagay naman ng lagay ng kung ano ngang iniisip ko. Pathetic. Wala akong maisip na ibang angkop na salitang makapaglalarawan sa akin ngayon. Nakakatamad nang maging tamad pero 'yun talaga ang aking nararamdaman. Ayoko nang magising bukas para magtrabaho. Napapagod na 'ko. Sana mawala na lang ako sa mundo. Gusto kong lumipat ng ibang universe. O kaya ng ibang planeta kung saan ako'y mag-isa lang at magagawa ko kahit anong aking gustuhin. Wala na ring mga shit na gagambala pa sa akin. Wala na ring mga taong makikialam sa buhay ko. Wala na rin akong ibang iintindihin kahit sarili ko. Hindi ko kakailanganin ng pera para mabuhay. Hindi ko na rin sana kailangan ng pagkain 'dun. Basta matutulog na lang ako ng matutulog. Haay! Kaysaya naman ng buhay kung ganoon! Panginoon, naging mabuti naman siguro ako, kunin 'nyo na po ako. Pathetic talaga!

Thursday, July 1, 2010

Confessions of ME

I am the lord of the lazy.

If not for the money, then I wouldn't have looked for a job.

I just want to lie around and watch tv all day.

I hate waking up early.

I hate meetings.

I hate taking baths.

I hate washing dishes.

I hate chores.

I hate checking emails.

I hate getting up to get a glass of water.

I hate walking.

I hate talking to people.

I hate taking down notes.

I hate sitting down in front of the pc to do work.

I hate thinking.

I love procrastination.

I want more sleep!

I want to sleep forever!

Masaya?

Ito'y mula lamang sa aking multiply. Wala lang...

May mga bagay talagang hindi para sa 'kin. Mas masaya ang buhay ko kapag ganito ako. Walang pakialam sa mundo. Tanggap ko nang hindi ko mapipilit ang aking sariling makihalubilo sa maraming tao at maging maayos pa rin. Ayoko talaga ng mga tao. Natutuwa akong bumabalik na ang pagkasuklam ko sa mga kalokohan sa buhay ng mga tao. Buti naman at nagising na ako sa wakas. Buti na lang panandalian lang ang aking kabaliwan. Unti-unti na ako muling bumabalik sa masama kong bisyong umiwas sa mga tao. Hindi talaga para sa akin ang mga relasyong pang-tao. Pang-tao lang 'yun. Masaya akong isiping hindi ako tao. Hindi ako normal. Mas masaya ang buhay 'pag ganun. Ayoko na muling makaramdam ng kahit ano tulad ng dati. Mas masaya talaga. Buti na lang namulat na lang ako isang araw na hindi naman talaga ako gusto ng mundo. Hindi ako mahal ng mundo. Hindi rin kita mahal kung ganun! Bahala ka na sa buhay mo. Magsama kayo ng mga taong gumawa ng kung anu-anong shit. Wala akong pakialam. Nagagalak akong nayayamot ako at nagrereklamong muli. Ibig sabihin masaya na ako.

One-liners

Sa totoo lang, nakakabobo ang facebook. Ngayon ko lamang napagtantong kaya hindi na ako nakabubuo ng blog ay dahil sa mga one-liner status messages na nakasanayan ko nang gawin simula noong nagkaroon ako ng account sa facebook.

Heniwey, nakahanap ako ng ilang nakakaaliw na kung anu-ano sa aking katamaran...

1. God must love stupid people. He made SO many.

2. The voices in my head may not be real, but they have some good ideas!

3. Artificial intelligence is no match for natural stupidity.

4. When in doubt, mumble.

5. I like work. It fascinates me. I sit and look at it for hours.

6. You're never too old to learn something stupid.

7. Better to remain silent and be thought a fool, than to speak and remove all doubt.

8. I didn't say it was your fault, I said I was blaming you.

9. Never get into fights with ugly people, they have nothing to lose.

10. Light travels faster than sound. This is why some people appear bright until you hear them speak.

Bagong Post

Haha! Nakakapanibago. Hindi na yata ako marunong sumulat. Hayop na multiply kasi puro kadramahan ang laman. Nahawa tuloy ako. Ang hirap naman mag-isip ng isusulat. Ngunit mula ngayong araw ay magbabalik na ang mabahong bata sa pagsulat ng kung anu-anong shit.

Nakakatamad tamarin. Ilang araw na rin akong nagbabalak sumulat ngunit ako'y pinipigilan ng aking tamad na utak. Malapit ko na nga yatang palitan 'tong blog name ko ng tamad na bata pero parang 'di magandang pakinggan. Nakakainis 'pag ganito. Wala akong maisip. Parang nagsusulat lang ako para mapuno ng mga salita itong kahon na pinagsusulatan ng bagong post.

What the fuck? WTF? Wala na bang masabi ang mga tao kundi what the fuck? Sa mga pelikula, tv series, facebook at kung anu-ano pang networking sites eh sobrang sikat ng linyang ito. Aaminin ko naging bukambibig ko rin ito sa loob ng mahabang panahon. Gets naman nating lahat kung anong ibig sabihin 'pag may nagsabi ng "what the fuck?" Pero what the fuck? Para lang siyang dattebayo ni Naruto... Mukhang walang patutunguhan 'tong pinagsususulat ko. Fuck! Haha! Shoot ayokong masanay. Pero nakakaasar lang minsan hindi naman kailangan ng wtf? na reaction eh wtf ng wtf ang mga tao. Pucha naaasar ako kay Gretchen Barretto! Ang pangit mag-dialogue busalsal pa yung labi. It's like... what the fuck? Hahaha!

So ayan, walang konek ang mga pinagsusulat-sulat ko. Sa bagay, dati ba meron? O nga no hahaha! Sana bukas may nakatutuwang mangyari para may maikwento naman ako.

Saturday, February 6, 2010

Freak

I finally feel like I'm myself again. Yes, it's funny but during the past 3 months, I've kinda lost my usual weirdness and had been really down due to a lot of things. Now that I think of the stuff I did to get out of my miserable situation, I can't help but laugh. I will never regret doing the things I did. Even though most of them are out of my comfort zone, I did learn a lot. It's nice when you have good friends and family supporting you at times like these. I just can't get over some of the situations I've put myself into and the way I dealt with my issues. There are times I just want to burst into laughter when I remember how freaky I was. Hahaha! How silly of me. But I am glad that I'm almost okay now and over with it. I hope this good mood will last a little more since I really need it now. Maybe after a month or so I'd be able to tell my story and make fun of myself but right now, I'll take some time off from thinking too much and enjoy life.