Ito'y mula lamang sa aking multiply. Wala lang...
May mga bagay talagang hindi para sa 'kin. Mas masaya ang buhay ko kapag ganito ako. Walang pakialam sa mundo. Tanggap ko nang hindi ko mapipilit ang aking sariling makihalubilo sa maraming tao at maging maayos pa rin. Ayoko talaga ng mga tao. Natutuwa akong bumabalik na ang pagkasuklam ko sa mga kalokohan sa buhay ng mga tao. Buti naman at nagising na ako sa wakas. Buti na lang panandalian lang ang aking kabaliwan. Unti-unti na ako muling bumabalik sa masama kong bisyong umiwas sa mga tao. Hindi talaga para sa akin ang mga relasyong pang-tao. Pang-tao lang 'yun. Masaya akong isiping hindi ako tao. Hindi ako normal. Mas masaya ang buhay 'pag ganun. Ayoko na muling makaramdam ng kahit ano tulad ng dati. Mas masaya talaga. Buti na lang namulat na lang ako isang araw na hindi naman talaga ako gusto ng mundo. Hindi ako mahal ng mundo. Hindi rin kita mahal kung ganun! Bahala ka na sa buhay mo. Magsama kayo ng mga taong gumawa ng kung anu-anong shit. Wala akong pakialam. Nagagalak akong nayayamot ako at nagrereklamong muli. Ibig sabihin masaya na ako.
No comments:
Post a Comment