Huwag itong basahin

'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.

Saturday, July 3, 2010

Nag-ring ang Telepono

Kadiri ang panaginip ko kagabi. Puro dugo. Ano kayang ibig sabihin nun? Haha. Nakakatawa na lagi na lang naghahanap ang mga tao ng kahulugan sa mga bagay na wala naman. Parang praning lang. Walang magawa. Dulot siguro ito ng pagkaburyong sa buhay.

Nakakainis lang na minsan hindi ko na alam ang pagkaaiba ng paniginip at totoong nangyari. Madalas akong nananaginip ng mga text messages na hindi naman totoong natanggap. Minsan hinahanap ko sa telepono ang mensaheng akala ko'y totoong natanggap ngunit wala naman. Nakakalito. Hindi ko na rin nga malaman kung kailan ako gising at kung kailan ako tulog at nananaginip. Nakakasira ng ulo.

Mukhang magandang ideya nga ang gumawa ng maikling kwento. Sususbukan kong gumawa ng balangkas ngunit paano? Wala pa akong naiisip na paksa... Ang dami ko namang gustong gawin. Nakakainis lang nainaantok na naman ako. Hindi ko pa nga nagagawan ng buod ang meeting kahapon, kung anu-ano nang gusto kong gawin.

Masaya nga kung magugunaw na ang mundo. Bakit ba natatakot ang mga tao sa pagkagunaw ng mundo? Wala namang matitira di ba? Ako nga nasasabik sa pagkagunaw ng mundo. Nakasasabik kasing isipin na makikita ko ang katapusan ng mundo dahil imposible namang makita ko ang simula nito. Puro teorya lamang ang aking basehan sa pagkabuo ng mundo ngunit wala naman talagang nakakita. Kaya kung magugunaw ang mundo sa aking panahon ay lubos akong matutuwa.

No comments: