It's nice to read some blog entries from years ago and realize how normal or abnormal I was before. Here's one post I found interesting.
I'm going to make a list of some small-time and short-term goals just to
keep me sane for now since I've been "emotionally unstable" for the
past couple of months. Where should I start?
1. Sleep at 11pm and
wake up at 4am as often as I can to be able to have a somehow normal
sleep cycle that I haven't had for years.
2. Organize things once a week so I don't lose important stuff. I wonder where my 7.5m measuring tape went...
3.
As much as possible, return things where they were originally placed so
as not to lose a lot of time looking for things that should be there
when needed.
4. Eat meals on time to avoid reasons to buy more medicines.
5. Feeding the fish is therapeutic... and it will keep them alive. Do it everyday.
6. Always make a list of things to do so that I don't panic when I remember them in the middle of the night.
7. Never lose that 7.5m measuring tape I just found a couple of minutes ago.
8.
Finish a book every month. I still have Bag of Bones, A Series of
Unfortunate Events Book 3, 12 (weird that I haven't finished this),
Duh?!!, Hellbound Hearts, No Fear Shakespeare: Romeo and Juliet (yeah,
strange), any many more.
9. After finishing all the books, buy that interesting Philosophy book in Fully Booked.
10. Explore new design sites for references.
11. Go out with friends every once in a while.
12. Take supplements everyday. It'd be a waste of money if they expire.
13. Never forget to take your meds on time so as not to get woozy in the morning.
14. Defragment PC every week since it will take too long if this will be done everyday.
15. Charge phones even though no one sends a message except for work.
16. Facebook is evil. Keep away from that website.
17. Finish that bottle of brandy so that it won't go to waste. (Is this good?)
18. Throw all unnecessary stuff on your table.
19. Take pleasure in killing ants.
20. Save enough money for that lovely case logic bag. Hahaha!
Huwag itong basahin
'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.
Wednesday, July 11, 2012
Muling Ilathala?
I am the lord of the lazy.
If not for the money, then I wouldn't have looked for a job.
I just want to lie around and watch tv all day.
I hate waking up early.
I hate meetings.
I hate taking baths.
I hate washing dishes.
I hate chores.
I hate checking emails.
I hate getting up to get a glass of water.
I hate walking.
I hate talking to people.
I hate taking down notes.
I hate sitting down in front of the pc to do work.
I hate thinking.
I love procrastination.
I want more sleep!
I want to sleep forever!
from Confessions of ME, Kamot Papel
Kape
Grabe. Na-miss ko ang pagsulat dito. Ngayon ko lamang napagtanto na napakadrama na pala ng mabahong bata. Pasensya naman at may pinagdaraanan lamang. Ngayon, wala lang din naman akong maisulat na nakaaliw. Gusto ko lang bumisita. Gusto ko lang tignan kung may nagbago. Parang wala naman. May mga pangyayari lang na hindi nakakatuwa. Marami rin namang bago at maipagdiriwang. Sa totoo lang, ako wala pa rin. Parang wala lang talaga.
Sunday, January 8, 2012
Skips
Ang hirap tuloy mag-isip kung ano'ng isusulat ko. Habang ako'y nakasakay ng bus patungong bahay ay napakarami kong naiisip. Sa totoo nga'y sobrang dami sabay-sabay. May mga naaalala ako ngunit sabog-sabog at malabo. Hinihiling ko na lang noong mga panahong iyon na mawalan ako ng malay o kaya'y bigla na lang makatulog. Isa sa mga pinakaayaw ko itong nangyayari sa akin. Nababaliw ako kapag naloloko ang aking focus. Parang pumapasok ako sa isang mundo na lahat ng mga karanasan ko sa buhay kong ito ay isa-isa at madalas ay sabay-sabay na bumubungad sa akin.
Sa ngayon ay nagbibigay ako ng aking mga haka-haka tungkol sa kaligayahan at ang walang katiyakan nito. Maraming palagay tungkol sa paraan ng pagkakamit ng kaligayahan. Sa aking opinyon tulad ng aking sinasabi sa aking kaibigan, ang kaligayahan ay wala na sa mga tunguhin ng mga tao sa panahong ito. Hindi na natin mahahanap ang kaligayahan. Hindi nga natin alam kung ano talaga ang kaligayahan kaya't natural lang din na hindi natin ito makuha.
Masyado nang nabilog ng media ang ating mga utak sa pagpapaniwala sa atin na ang kaligayahan ay isang konsepto na nagpapahayag ng pagiging masaya ngunit kung ganoon lang kasimple 'yon edi ang dami na sanang tunay na maligaya. Ang tanong pa'y paano nga ba magiging maligaya? Ano dapat ang depenisyon ng kaligayahan kung hindi ito simpleng kasiyahan? Isa pang pagpapalagay ay maari namang hindi kalungkutan ang resulta ng kawalan ng kaligayahan. Maaaring mali ang konsepto natin nito kaya't nagkukumahog tayong gawin ang lahat upang makamit ito ngunit naliligaw lamang. Sa kasamaang palad, hindi tayo pinahihintulutan ng siyang may kapangyarihan na paglaruan lamang ang kaligayahan kaya't isang bagay ito na kailangang siliping mabuti at lubusang maintindihan upang tuluyang mabatid ang nararapat upang tumungo sa kaligayahan.
Nalilito na ako kaya't ilalagay ko na lamang ang aking mga kuro-kuro sa aming usapan tungkol sa kaligayahan. Ang una ko yatang gustong ipahiwatig ay sobrang malayo na sa katotohanan ang mga happy ending sa mga kwento. Ang kaligayahan ay isang bagay na hindi na kayang makuha ng kahit sino sa mundong ito.

- ang mga happy ending laging walang kasiguraduhan kaya hindi rin natin masasabing"happy" talaga. maraming maaaring mangyari.
- ngunit kung trahedya ang magiging katapusan ng kwento. sigurado kahit detalyado pa ang mga pangyayari ay masasabi mong yun na talaga yun at wala nang iba pa.
- sa bagay kailangan mo silang gawan ng ideal na happy ending dahil nabubuhay pa rin sila sa gawa-gawang mundong mayroon pang existing na kaligayahan.
- walang kaligayahang mababaw. katuwaan lang siguro yun pero ang kaligayahan ay definite. iisa lang ito at wala na ito sa mundong ating kilnalalagyan.
- ang kaligayahan ay isang karanasan, ultimate at pangmatagalan. hindi ito mahahanap sa isang hamak na nilalang lamang. mali ang patutunguhan ng kaligayahang ibinigay lamang ng isang nilalang dahil maaari itong mawala sa panahong maisip ng nilalang na ito na hindi na ikaw ang kaligayahang kanyang hinahangad.
- sa kaligayahan namang iyong tinutukoy, nararating lamang ito ng mga taong ginamit ang lahat ng maaring paraan upang gawing makabuluhan ang paglalakbay nila rito sa mundo. ang kaligayahang matatanggap mo mula sa ganitong paraan ang siyang hindi mapapantayan. isang malaking pagkakamali kung iisipin ng mga taong makukuha nila ang kaligayahang ito sa madaling paraan gayundin naman kung sila'y magpapakasakit. ang kaligayahang ito'y matatagpuan lamang kung maaabot ng ating pang-unawa ang tunay na layunin ng buhay na ito. isang bagay na hindi kaya ng aking pag-iisip sa mga panahong ito.
- sa aking pananaw, maaaring walang kasulatan o kaya'y mga gawa ng pananampalataya ang makapagtuturo sa atin kung ano o paano marating ang kaligayahan. lahat ay haka-haka lamang kaya nga't walang nakababatid kung ano ang mayroon kapag tayo'y tumawid na sa ibang dimensyon ng buhay. Sa aking paniniwala ay nakatago sa bawa't isa ang paraan at daan tungo sa kaligayahan ngunit mahirap itong saliksikin o kaya nama'y matagal na itong nakahain sa ating mga harapan ngunit mahirap lamang talaga itong makita sa mga panahong ito. walang nakakaalam kung ano ba itong kaligayahang ito kaya't malabo na itong sapitin ng sinuman.
- sa paghanap na iyon ay tila naghahanap tayo ng wala dahil maaaring ang kaligayahan ay isang beses lamang nating mapanghahawakan. ang kaligayahan na ating tinutukoy ay nawala na at lalong mahirap hanapin dahil sa iba't ibang konsepto nitong binigyang buhay ng mga tao. ngunit ang nag-iisang kaligayahan ay nagmimistulang isang misteryo sa atin ngayon at wala nang makaiintindi pa dahil nasakluban na ng kadiliman ang bawat isa sa atin.
- walang makapagsasabi kung ano ang kaligayahan. sa ngayon, siguro'y dapat gawing malinaw sa ating mga nilalang na ang kaligayahan ay hindi siyang nakapagpapasaya lamang sa atin. hindi nga natin sigurado ang kaligayahan ngunit pihadong mahihirapan nating mahanap natin ito. marapat sigurong simulan nating ihiwalay ang ating mga sarili sa mga bagay na naglalayo sa atin sa ating sarili. sa ating sariling siyang binigyan Niya nang buhay at doon simulan ang paghahanap at pagtatanong kung mayroon pa ba tayong makakamit na kaligayahan. doon tayo'y aasang makahanap ng sagot kung nasa atin ba ang kaligayahan o talagang hindi na ito abot ng ating mga kamay sa mundong ito.
Friday, January 6, 2012
Wh-wh-wh-what?
Ayoko na muling maging alipin ng Facebook. Natutunan ko nang tigilan ito noong ako'y nagtatago sa mundo. Ngayong narito na naman ako at aktibong nag-iisip at nang-ookray, nagsisimula na naman akong mahilig sa fb. Sana ay malimutan ko na ito muli dahil naiinis ako kapag ito ang unang website na pinupuntahan ko 'pag bukas ng browser ko. Marami kasing kademonyohan yang fb na yan. Maraming masasamang bagay ang nakukuha sa evil social network na ito. Andami kong dapat hindi na nakikita na pinipilit ipakita sa akin ng fb. May mga chismis na iniiwasan ko nang makigulo pa ngunit ayan, I am notified. May mga tao akong nakikita na gusto ko nang patayin sa totoong buhay. Evil. Basta evil.
April
Isang bagay sa buhay nating mga tao ang siyang kasingkomplikado ng komposisyon ng ating katawan ang ating pangalan. Ang labo ko diba? Simple nga lang sa panlabas ang pangalan ngunit kung kakalikutin mo 'to eh sobrang nakakawindang. Siguro susubukan ko na namang ilista kung bakit ko pinoproblema ang mga pangalan. Sige ganun na lang kahit hindi related sa isa't isa.
Teka, una muna'y ililista ko ang mga uri ng pangalan ayon sa aking pananaw.
1. Maraming magkakaparehong pangalan. May mga pangalang sobrang common na pag sumigaw ka sa isang lupon ng mga tao ng Michael ay pihadong maraming lilingon.
2. May mga pangalang sobrang kakaiba naman na sobrang hirap basahin na dapat lagi kang may ID para makilala.
3. Meron din namang mga pangalan na hindi gaanong kakaiba at di rin gaanong common na madali naman ang spelling, hindi pa rin mabasa ng matino ng iba. Masakit sa damdamin yun (ayon sa pansariling karanasan).
4. May mga pangalan namang kaunti lamang ang pagkakaiba sa spelling ng iba o pareho pa nga minsan ngunit mahirap tantyahin kung ano ang nararapat na basa.
5. May mga pangalang generic na minsan nakakahiyang ipagsigawan sa publiko dahil baka lahat ng babae o lahat ng lalaki ay tumingin.
6. May mga pangalang nakakainsulto sa may-ari nito na minsan nakakailang sabihin dahil parang kinukutya mo sya o hinuhusgahan.
7. May mga pangalang adjective ang dating at madalas ay hindi bagay sa nagmamay-ari nito.
8. May mga pangalang sobrang haba na parang nakakapanghinayang na lang.
9. May mga pangalan din naman sobrang ikli na parang hindi sila mahal ng magulang nila.
10. May mga pangalang sobrang cute na hindi na bagay sa 'yo pag tumanda ka na.
11. May mga pangalang wala raw kinikilingang gender kaya ang hirap naman malaman kung babae o lalaki ang may-ari.
May iba pang mga uri ng pangalan na hindi ko nabanggit pero titigil na ako sa 11.
Nalilito na ako ngayon kung tungkol saan 'tong sinusulat ko.

Thursday, January 5, 2012
Nikon
Tsismis ang nagpapaikot sa mga buhay ng mga taong tsismosa. Isa ako sa mga taong yan. Ano naman kasing gagawin ko sa mga bagay na nakikita at naoobserbahan ko kung hindi ko i-ttsismis 'di ba? 'Di masaya 'yun. Ngunit ang pagttsismis ay nararapat din magkaroon ng hangganan at nararapat na panuntunan.
Unang-una, piliin ang mga taong pagsasabihan ng tsismis. Nabibilang ako sa mga uri ng tsismosang nagbabahagi lang ng salita sa mga malalapit na kaibigan. Sa mga hindi ko katulad, isipin nyo naman kung kanino kayo nagbabahagi ng inyong mga materyal dahil baka mapa-trouble lang kayo dyan. Dito pumapasok ang ikalawang panuntunan - iwasang masangkot sa gulo. Napakasaklap kung nag-eenjoy ka ngang magkalat o kumalap ng tsismis ngunit obvious naman na mapapa-away ka. Tsk, tsk, tsk. Karugtong nito ang huling rule - be discreet. Hindi kailangang maging loud kapag tsismosa ka. 'Wag na 'wag kang pahahalatang hayok na hayok ka sa impormasyon o kayang excited kang magkwento. Dapat pasimple lang ang moves. Parang nagkukwento o nakikinig ka lang ng normal kahit sa sa loob mo'y nanginginig na ang iyong mga kalamnan sa tuwa sa nakakalap o naibabahaging impormasyon.
Marami nga sigurong tsismosa ang hindi nakakaalam ng mahahalagang impormasyon na aking ibinahagi. Bahala kayo. Manatili kayong mangmang at tatanga-tanga sa larangan ng pag-tsismis. Ako na ang expert! Bwahahaha!

Subscribe to:
Posts (Atom)