Huwag itong basahin

'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.

Friday, January 6, 2012

April

Isang bagay sa buhay nating mga tao ang siyang kasingkomplikado ng komposisyon ng ating katawan ang ating pangalan. Ang labo ko diba? Simple nga lang sa panlabas ang pangalan ngunit kung kakalikutin mo 'to eh sobrang nakakawindang. Siguro susubukan ko na namang ilista kung bakit ko pinoproblema ang mga pangalan. Sige ganun na lang kahit hindi related sa isa't isa.

Teka, una muna'y ililista ko ang mga uri ng pangalan ayon sa aking pananaw.

1. Maraming magkakaparehong pangalan. May mga pangalang sobrang common na pag sumigaw ka sa isang lupon ng mga tao ng Michael ay pihadong maraming lilingon.

2. May mga pangalang sobrang kakaiba naman na sobrang hirap basahin na dapat lagi kang may ID para makilala.

3. Meron din namang mga pangalan na hindi gaanong kakaiba at di rin gaanong common na madali naman ang spelling, hindi pa rin mabasa ng matino ng iba. Masakit sa damdamin yun (ayon sa pansariling karanasan).

4. May mga pangalan namang kaunti lamang ang pagkakaiba sa spelling ng iba o pareho pa nga minsan ngunit mahirap tantyahin kung ano ang nararapat na basa.

5. May mga pangalang generic na minsan nakakahiyang ipagsigawan sa publiko dahil baka lahat ng babae o lahat ng lalaki ay tumingin.

6. May mga pangalang nakakainsulto sa may-ari nito na minsan nakakailang sabihin dahil parang kinukutya mo sya o hinuhusgahan.

7. May mga pangalang adjective ang dating at madalas ay hindi bagay sa nagmamay-ari nito.

8. May mga pangalang sobrang haba na parang nakakapanghinayang na lang.

9. May mga pangalan din naman sobrang ikli na parang hindi sila mahal ng magulang nila.

10. May mga pangalang sobrang cute na hindi na bagay sa 'yo pag tumanda ka na.

11. May mga pangalang wala raw kinikilingang gender kaya ang hirap naman malaman kung babae o lalaki ang may-ari.

May iba pang mga uri ng pangalan na hindi ko nabanggit pero titigil na ako sa 11.

Nalilito na ako ngayon kung tungkol saan 'tong sinusulat ko.

No comments: