Huwag itong basahin

'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.

Thursday, January 5, 2012

One-night Pisbol Stand

Para sa isang "nagda-diet" o kaya sa mga nagsisikap raw magpapayat, ang pagkain ng hindi wasto kahit isang beses lang ay parang isang one-night stand. Madali namang intindihin. Isang beses lamang ng panandalian kaligayahan na mas madalas ay may hindi magandang kinalalabasan lalo na kung walang ideya ang mga involved sa RH bill. Sinimulan ko itong isulat ngunit mahirap nga naman bang magkumpara kung wala akong karanasan sa aking pinagkukumparahan. Malawak naman ang aking imahinasyon kaya sa tingin ko'y sapat na iyon bwahaha!

Sa mga nagda-diet, ang pagkain ng burger ay isang napakalaking kasalanan ngunit ito'y sadyang nakatatakam na parang lagi kang tinutukso-tukso. Kung ako'y mahilig sa burger halimbawa, tuwing maaamoy ko at makikita ang kaakit-akit na hitsura nito at alam kong hindi ako maaaring kumain, mas mararamdaman ko ang pagkahayok ko rito. Kapag ako'y hindi na makapagpigil at sadyang hindi na maaawat sa pagkain nito, bibigay rin ako. Sa init ng burger patty at tamis ng juice nito, mararamdaman ko ang kaligayahang parang abot langit. Pagkatapos ng sandali ng purong ligayang iyon, mararamdaman ko ang satisfaction na hindi ko makuha sa reduced diet kong pagkain. Panandalian nga lamang ito dahil babalik din naman ako sa dati kong diet at hindi ako sigurado kung mayroon bang hindi magandang side effect ang pagkain ko ng burger ng isang beses. Isang beses na puno ng init at ligaya. Hahanap-hanapin ko ngunit wala nang ibang maaaring pumalit sa moment na iyon na palihim akong nag-singit ng burger sa aking diet. Walang kasiguraduhan kung makakasalubong ko ba uli ba ang pagkakataong iyon. Masaya ngunit alam kong mali. May idudulot ba itong masama? Malaking timbang ba ang maidaragdag nito sa akin? Masisira ba nito ang cycle ng aking diet? Basta ang mahalaga'y kahit saglit lang ay naramdaman ko ang hindi mapapantayang galak sa kaunting oras na iyon.

Wow, ganun din kaya talaga yung pinagkukumparahan ko?

No comments: