Huwag itong basahin

'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.

Wednesday, January 4, 2012

Plema

Bakit kaya may mga taong kayang kumbinsihin ang mga sarili nila magiging mabuti ang lahat? Yung iba sinasabing ang lahat ng nangyayari sa buhay ng isang tao ay may dahilan. Kung ako ang sasabihan mo noon ay hindi ako mapapanatag dahil ang mga dahilan ay maaaring para sa ikabubuti at maaari rin namang sa ikasasama. Kung ganoon ay lalong sasama ang aking pakiramdan.

Iniisip ko tuloy ngayon kung ano ang aking coping mechanism sa mga panahong masama talaga ang lahat ng nangyayari. Sumubok na ako ng iba't ibang approach at ang ilan ay ang sumusunod.
  1. Pag-iisip ng rational na lahat ng bagay may solusyon - EKIS- hindi epektibo, pathetic
  2. Paggawa ng mga bagay na makakasakit sa akin emotionally - so-so - parang madodoble ang sakit pero mawawala ang 3/4 pero matagal na panahon ang epekto kaya parang hindi rin pwede...
  3. Paggawa ng mga bagay na makakasakit sa akin physical - errr - epektibo naman pero short-term lang, pathetic
  4. Pagtawag sa kaibigan, paghahanap ng kausap - ok - salamat mga kaibigan, epektibo naman ngunit short-term din
  5. Pagkonsumo ng maraming alkohol - pwede - epektibo talaga ngunit short-term nga lang, destructive minsan
  6. Pagtulog buong araw at pagtatago sa mundo - GOOD - epektibo ngunit kailangan palamunin ka para ok
  7. Pag-iisip ng pagkitil ng sariling buhay - pwede rin - lalong nakasasama at hindi epektibo, tipong last resort na
Ayan, makikita nating hindi ako mahusay sa larangang ito. Alam ko kasing mahirap lokohin ang sarili ko at siya mismo ang problema ko. Paano ko lolokohin ang sarili kong ayaw magpaloko sa hindi totoo? Sa mga bagay na puro pang-uuto lang? Sa mga bagay na hindi nagbibigay ng tiyak na solusyon na syang batid ko naman?

Basta bilib ako sa ibang mga tao.

No comments: