Tsismis ang nagpapaikot sa mga buhay ng mga taong tsismosa. Isa ako sa mga taong yan. Ano naman kasing gagawin ko sa mga bagay na nakikita at naoobserbahan ko kung hindi ko i-ttsismis 'di ba? 'Di masaya 'yun. Ngunit ang pagttsismis ay nararapat din magkaroon ng hangganan at nararapat na panuntunan.
Unang-una, piliin ang mga taong pagsasabihan ng tsismis. Nabibilang ako sa mga uri ng tsismosang nagbabahagi lang ng salita sa mga malalapit na kaibigan. Sa mga hindi ko katulad, isipin nyo naman kung kanino kayo nagbabahagi ng inyong mga materyal dahil baka mapa-trouble lang kayo dyan. Dito pumapasok ang ikalawang panuntunan - iwasang masangkot sa gulo. Napakasaklap kung nag-eenjoy ka ngang magkalat o kumalap ng tsismis ngunit obvious naman na mapapa-away ka. Tsk, tsk, tsk. Karugtong nito ang huling rule - be discreet. Hindi kailangang maging loud kapag tsismosa ka. 'Wag na 'wag kang pahahalatang hayok na hayok ka sa impormasyon o kayang excited kang magkwento. Dapat pasimple lang ang moves. Parang nagkukwento o nakikinig ka lang ng normal kahit sa sa loob mo'y nanginginig na ang iyong mga kalamnan sa tuwa sa nakakalap o naibabahaging impormasyon.
Marami nga sigurong tsismosa ang hindi nakakaalam ng mahahalagang impormasyon na aking ibinahagi. Bahala kayo. Manatili kayong mangmang at tatanga-tanga sa larangan ng pag-tsismis. Ako na ang expert! Bwahahaha!
No comments:
Post a Comment