Gusto kong barilin ang sarili ko sa ulo sa inis sa mga bwisit na palabas sa telebisyon. Sa bagay, kaya nga tinawag na idiot box ang tv dahil puro basura ang laman nito at ginagawang tanga ang mga taong nanonood nito. Hindi ko ikakailang ako rin ay naging alipin ng telebisyon sa matagal na panahon. Ngayon, minsan nanonood pa rin ako ngunit nababanas tuwing nakikita ang laman nito.
Naiintindihan kong may ibang set of values ang mga foreign tv series at wala akong magagawa doon. Ang aking tinutukoy ay ang mga local shows natin. Unang-una, hindi ko maintindihan kung bakit parati na lamang tungkol sa nawawalang anak na mayaman pala at laging may paghihiganting nangyayari sa mga teleserye natin. Ang pagkakaiba-iba lang ay ang mga tauhang kasali. Ang pinakakaraniwan ay ang dating magjowang mayaman at mahirap na nagkaanak ngunit inilayo si jowang mahirap dahil di sila magka-level. Ngayon may dinagdag pa sila, mga cute na batang bastos sumagot sa matatanda na kinukunsinte ng mga writers. Ikalawa, Filipino naman lahat ang mga sumusulat ngunit wala na talaga ang konsepto ng magandang asal at ugali na maaari naman nilang isingit sa pangit nilang mga eksena at dialogue.
Nakakainis tong ubong dulot ng mga fireworks nitong bagong taon at nawawala ang aking focus.
Basura na nga ang mga ugali ng lahat ng batang pinanganak simula nang taong 2000 at lumalala pa bawat taon, lalo pang ginagatungan ng walang kwentang mga palabas sa telebisyon. Kailangan pakialamero ang mga bata. Kailangan ipagpilitan nila ang gusto nila kahit mali. Kailangan sumabat sila sa usapan ng matatanda. Kailangan sigawan nila ang matatanda kapag ayaw sundin ang kanilang mga gusto. Hindi na ako nagtataka kung bakit ganito ang ginagaya ng mga bata ngayon. Pati mga magulang nila malamang ay nabilog na ang mga ulo na ito na ang bagong set ng values na ituturo nila sa mga anak nila. Ito ang uso. Ito ang bago. Ito ang moderno. Bakit ba kasi ipinagigiitan ng media na kailangang sumabay sa mga uso, bago at moderno? Marami tuloy tangang naniniwala. Ang hayop na kahong ito na ang nagpapaikot sa buhay ng mga Pilipino. Nakakasuklam. Nakakainis. Nakakasuka. Puro drama! Drama! Drama!
Bwiset.
No comments:
Post a Comment