Huwag itong basahin

'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.

Friday, October 31, 2008

Hedban

Kahapon o noong isang araw ko lang nasubukan uling magsuot ng headband. Kanya-kanyang tawag lang yan. May mga tumatawag na hairband, hedban, heyrban, heydban... basta 'yung nilalagay sa ulo na parang bahaghari ang hugis. Ayan, napagtripan ko lang at ayun nga, nagulat ako sa presyo. Grabe noon 10-20 pesos lang presyo nung maayos na mga headband ngayon 80, 150 at mas mataas ang halaga (grade 5 pa kasi yata ako noong huling namili ng headband harharhar!). Wala lang bagay pala sa aking maikling buhok.

Matagal-tagal na rin akong hindi nakasulat dahil maraming ginagawa sa paghahanda para sa Pyestang Patay (at maraming oras ang ginugugol sa pannood ng maraming pelikulang nirerentahan sa Video City). Nakasanayan na kasi sa pamilya ang paghahanda ng pagkain at inumin sa sementeryo, parang mini-reunion. Mula umaga hanggang gabi kami doon, siguro ngayon hanggang 8 o kaya 9. Basta kung kelan magsawa magkwentuhan at magpiktyuran.

Ngayon, magbabasa ako dapat (actually manonood ng slideshow) ng manga ngayon. Hindi na kasi ako makahintay ng kasunod na episode ng Naruto Shippuuden. Nagsimula ako sa Chapter 330 at nasa 354 pa lang ngayon at dahil tamad nga akong mag-download ay pinagtitiyagaan ko na lang ang mga slideshow sa you tube dahil mas mabilis makita pero mas maganda sana yung scans. Hindi ko nga lang matuloy dahil ako'y gagawa ng chicken sandwich para bukas.

Siyam na posts na lang matapos ito ay pang-isandaang blog entry ko na haha! Hindi sa binibilang ko talaga pero wala lang nakita ko kanina na nakasulat na pala ako ng siyamnapung walang kwentang bagay tungkol sa kung anu-anong pangyayari sa aking buhay.

Gagawa na 'ko ng sandwich bago pa mapagalitan!

Friday, October 24, 2008

Puksain si Langgam

Kapag ikaw ay mabuting batang pumapasok sa paaraalan mula noong 6 yrs old ka o mas bata pa, siguradong laging kinukwento ang pabula ni Langgam at Tipaklong. Siyempre alam nating bidang-bida rito si Langgam. Masipag siya, mapag-impok, at marami pang mabubuting katangian ang kanyang taglay. Ngunit sa totoong buhay (haha) malalaman nating isa itong malaking kalokohan.

Galit ako sa mga langgam. Para sa akin, wala silang pinagkaiba sa mga daga, ipis at anay. Lahat sila ay peste at mapanira. Gaano na ba karaming pagkain ang hindi na makain dahil pinutakte ng mga langgam? At gaano na karaming damit ko ang nabutas dahil pinagpyestahan nila? Mapa-pagkain, rubber, styro, plastic, karton, watercolor (oo, paborito nila si Prang) pa man ay walang pinalalampas itong mga langgam na ito. Pati tubig kong maiwan sa mesa ng kahit ilang minuto pa lang, maya-maya'y marami nang lunod na langgam. Okay kaawa-awa nga naman itong si anteater at mga ibang hayop na kumakain ng langgam, pero kawawa rin naman ang mga taong nagtitipid sa mga panahong ito. Haay, ang tanging paraan na nga lamang kaya'y puksain ang mga nilalang na ito? Gaano kaya kalaki ang magiging epekto sa ecosystem at sa food web kung sakaling mawala nga itong mga langgam na ito? (ayoko nang alamin)

Para ring sa ating mga tao ang kasong ito (kaya lang tinatamad na akong magsulat at mamaya'y magiging usapang pulitiko at korapsyon na naman ito). Basta humanda lahat ng langgam na lalapit sa akin... siguradong sila'y maglalaho sa mundo. (di ako pwedeng maging Taoist)

Syempre Episode 81

Kapapanood ko pa lamang ng Shippuuden Episode 81. 'Kala ko madrama na naman eh. Wuhuhu! Mabuti naman at nabawi ng 'konti dito yung kapangitan ng episode 80. Nag-eextract na naman sila ng Bijuu at pinag-uusapan ang plano ng Akatsuki... haay nainis ako sa kanilang mga plano. Siyempre ito ang plano ng lahat ng super villains na sobrang gasgas na... Medyo wala rin palang gaanong kwento sa episode na ito. Nagawa lang naman ni Naruto ang kanyang bagong technique at bumalik na si Sai sa kanyang bading na kasuotan.

At alam ko na pala kung bakit wala ng bagong eps ang D. Gray-man. Masyado na pala kasing malapit ang agwat ng kwento sa manga at sa anime. Hindi ko lang alam kung kelan itutuloy.

Tuesday, October 21, 2008

Late Bloomer (with special translation for Mika)

Tawagin 'nyo na 'kong late bloomer pero sa totoo lang kasi, ngayon 'ko lang napag-isipan at naramdamang lubusan na hindi na ako nag-aaral. Isa na akong ganap na walang trabahong Pilipinong umaasa pa rin sa magulang para mabuhay. Bukod doon, ngayon ko lang naramdamang malungkot pala dahil hindi na kami muling magkikita-kita ng mga taong madalas ko lamang makasalubong sa aking pang-araw-araw na buhay noon. Dati kasi matapos ang graduation, naisip kong haay may board review pa at exam makikita ko pa 'tong mga 'to at magsasawa pa rin akong mag-aral (at mag-PSP sa klase). Pero ngayon kapag natapos na ang oathtaking, maaaring 'yun na ang huling pagkikita namin ng ilan sa aking mga kamag-aral na naging kaibigan ko na rin. Note: nagiging madrama si mabahongbata 'pag sumasapit ang alas dos ng madaling araw.

Dahil siguro sumapit na naman ang oras ng aking kadramahan sa buhay kaya bigla ko itong naisip. Sa dami kasi ng bagay na inaalala bago sa wakas ay nakapagbakasyon na tayo, ngayon ko lang naiisip ang mga bagay na ito. Nakakamiss din pala ang mga nakakainis na araw ng pagdadraft sa pangit na IDS kasama ang magugulo mong kamag-aral na iba't iba ang trip sa buhay. Sa mga panahong ayaw mong magpahiram ng markers dahil sobrang mahal ang mga ito at nang-away ka pa ng iba dahil sa groupwork. Wala, tapos na ang mga iyon, hindi na pwedeng balikan (as if gusto naman nating balikan pero wala lang nakakamiss). Mas marami kasi siguro tayong panahong inilalagi sa paaralan kaysa sa kahit ano pang ibang lugar kaya may ganitong attachment.

Pero ok lang. Sawa na rin naman akong mag-aral. At paglipas ng panahon, sawa na rin akong magtrabaho.

Woohoo! Translation for Mika:

Call me a late bloomer but really, it is only now that I realize that I’m not in school anymore. I am now a full-fledged bum still depending on her parents to live. Also, it is only today that I honestly felt sad that I’m not studying anymore, and I won’t be able to see the people I'm used to being with everyday. After our graduation, I thought to myself I’m still going to meet them during reviews and the boards anyway. I’ll still be cursing study sessions during the review so why bother thinking about missing the studying I was doing before the graduation? It is unfortunate but now that we are about to take our oaths as professionals, I was seriously thinking that it would be the last time that I will be able to be with some of my classmates whom I think I already became friends with. Note: mabahongbata usually becomes highly emotional at 2AM.

My dramatic speech may be due to these rare moments of my emotional mood swings. Anyway, I just came to realize these things since there were a lot of stuff that happened before and this was the only time we were actually able to rest. I never thought I would seriously miss drafting in that disgusting IDS building with all my “well-behaved” classmates (isn’t it SO ironic?). Also, who would even think I’d miss those times I hated lending my super-expensive markers and those times of war over group works? Well, everything’s over now and there’s no such thing as rewind in this life of ours (as if we would want that…). I just find it nice to remember those “happy times” (yeah right!). This (or only “My”) emotional attachment to school may possibly be due to spending more of our time in school than anywhere else.

But its ok, I’m tired of studying anyway. Time will just quickly slip away and for all I know I’m already fed up working.

UPCAT (yadayada)

Gabi na. Hmm umaga na pala... ayon sa aking pc eh dalawampu't walong minuto na matapos ang ala una. At sa haba ng pagtatayp ko nun ay nagpalit na ang oras, 1:29 AM. Bakit ba nagsusulat pa 'ko. Well, trip ko lang lagi naman eh. Katatapos ko lang manood ng "Death Becomes Her" na pinanonood din ni ate bago ako umalis ng bahay. Inirerekomenda ko ang palabas na ito sa lahat ng hindi pa nakapanood. Nakakaaliw sobra.

Naalala ko lang 'yung you tube trailer ng UPCAT ('yung movie). Kung hindi 'nyo pa nakita eh check nyo. Naaliw ako noong pinanonood 'yung trailer kaya naman naintriga akong tignan ang mga comment ng mga tao. Naghahanap ako ng comment mula sa mga taga-ibang planeta. May ilan akong nakita na wala lang naman. Ok na sana dahil mga taga-UP ang mga nagcocomment. May iba natuwa sa movie. Masaklap dahil marami ang nag-comment doon na hindi ko alam kung ano'ng diprensya at pinag-aawayan ang kanilang mga campus. Ang mga ito ang halimbawa at dahilan kung bakit sinasabihan ang mga UP students na mga hambog at mayayabang (na totoo naman). Natural naman na sa campus ang paangasan ng course, pati na rin ng campuses. Pero ano ba naman pati ba setting ng pelikula eh pagtatalunan. Kesyo mas maganda raw sa kung sa Diliman ka nag-eng'g, sa LB mas maganda pa raw, tae raw sa Baguio. Parang what the hell mga tao? Pare-pareho tayong mga taga-UP mahiya naman tayo sa ating mga balat na magkalat sa youtube ng kahihiyan. Pag-awayan ba ang mga courses at campuses. Maraming ganitong mababasa sa peyups.com pero ok lang site naman natin 'yun eh pero kumusta naman ang youtube. Isa nga lamang akong hamak na taga-CHE na nagtapos ng isang kursong hindi kilala sa UP pero kailangan nang matuto ng mga ilang freshies (at ilang not-so-freshies) na hindi lamang titulo ng kayabangan ang pagiging taga-UP. Mag-aral muna kayo at patunayang nararapat kayo sa UP bago magpahangin ok?

Hanggang d'yan na lamang ang lecture ko at nakakabanas na. Woohoo! Matutulog na 'ko! 1:49 AM.

Saturday, October 18, 2008

Ulam ulam!

Kagabi nag-iisip ako ng pwedeng ilutong ulam para sa lunch ngayon. Nakaisip na ko ng beef stew, putsero, nilagang baka, adobo, tinola... pero kakakain lang namin nito nakakasawang mag-ulit hehehe... Kaya ang kinabagsakan ng ulam ko kanina ay pork na binabad sa orange, rosemary, oregano at paminta... Haay, pritong may sauce na lang at wala nang maisip... Pwede na siguro yung lasa kasi kinain naman ni Chibi 'yung share niya sa ulam. Maarte kasi si Chibi hindi siya kumakain ng processed at ng hindi luto ni Mama o Ate. Ayaw nga niya ng spaghetti na binili sa labas, gusto niya eh luto ni mama. Ayaw din niya ng mga lutong ulam na nabibili kung saan... marumi raw. Syempre lalong ayaw na ayaw niya ang dog food at leftovers. Mamaya... magpapasta kaya ako o pork uli? Kakakain lang din namin ng pasta kamakailan na may tomato, basil at sausage na sauce... haaay. Puro pagkain ang naiisip ko ngayon. Sana pag-uwi ni ate may pasalubong siyang Wimpy's pancit mula sa Gapo wahaha! Makakauwi rin akong Gapo 'pag nagkaroon ako ng pamasahe!

Ang Nakakadismayang Episode 80

Natuwa naman akong may nabawas na namang character sa Naruto. Pero bakit kailangang mamatay ang mga Sarutobi? Si Konohamaru na ba ang susunod na mamamatay? Nadismaya ako sa episode 80 dahil puro drama lang. Nakakainis si Asuma dahil may panahon pa siyang mag-yosi bago mamatay... Eh sa haba ng eksenang 'yun eh mukhang pwede pa siyang mabuhay ni Tsunade. At nakakatawa dahil maikli lang yung laban nila ni Hidan (yes naalala ko rin ang pangalan ng Akatsuki member na ito)at ang dali niyang namatay. 'Di ko alam kung ganito rin ba 'yung sa manga (tamad akong magdownload at magbasa) o mas maayos... At sino naman itong nakakapang character? Bagong extra na naman? Nagtipid na naman sila sa episode na ito at napakarami na namang flashback na mga 8 beses na yatang naipakita sa iba pang episodes.

Nga pala may nakakaalam ba kung bakit tumigil na sa ep. 103 ang D. Gray-man? Ilang linggo na 'kong naghihintay ng bago wala pa rin... Haay! Manonood na lang ako ng Niea_7.

Friday, October 17, 2008

Unemployed: Galit (lagi naman eh)

Oh ano? Nasagot ko ba mga tanong 'nyo? Tama unemployed pa rin ako (hindi madaling humanap ng trabaho ok?). At teka hindi ko na ipapaliwanag kung bakit. Pakialam ba ng mga pakialamero. Haha kaya nga ngayon ako'y taghirap.

Ano ba'ng mga activities ng mga unemployed?

1. Kain-tulog
2. Nuod ng TV (woohoo! anime at movies)
3. Mangalkal ng PC
4. Mag-aral ng bagong software
5. Magkalat sa bahay
6. Gumawa ng gawaing-bahay (oo bukas maglilinis din ako...)
7. Magbalak gumawa ng artwork
8. Mag-update ng portfolio at resume
9. Mag-net (tamad magtype)
10. Mag-ingay (magsisigaw, gitara, biyolin)
11. Gawin ang mga pending projects (haay...)

'Yan lang naman sa ngayon. Please lang 'wag nyo na 'kong kulitin kung may trabaho na ko o wala ha! At 'wag nyong problemahin ok. Mga magulang ko nga hindi ako minamadali tapos kayo minamaya't maya 'nyo ang tanong! Magtatrabaho ako kung kelan ako may mahanap at kung kelan ko gusto malinaw? (yes, this is bitterness!)

Mamamatay Tao

Tanginang mga kapitbahay 'yan! Haay nakakabanas talaga 'tong mga nakakainis na kapitbahay namin. (redundant?) Sana tinuloy ko na lang ang pangarap kong maging drug lord, kriminal, mamamatay tao! Mga bwisit sa buhay 'tong mga taong 'to! Kapag may nagpatugtog kasing malakas sa isa sa mga kapitbahay ay mapipikon itong isa at manonood ng TV ng pagkalakas-lakas! Naggagantihan ang mga hayop. Nung gabi nga ng September 30 eh nagpaparty sila at nalaman naming nananadya lang talaga silang mambulabog ng mga tao. Noong kinausap kasi sila'y biglang "ah akala namin ok lang (kasi nag-iingay din naman 'yung iba 'di ba lalo na kayo...)" Maingay kasi itong mga nakatira sa taas na floor ng bahay namin kaya pati kami damay. Pinag-iisipan ko na nga kung paano ko pagpapapatayin 'tong mga kapitbahay na 'to eh. Lalo na yung mga hinayupak na batang maghapon nagngangangawa. Pwede na kaya ang pellet gun?

Haay haay... naha-high blood na naman ako.

Thursday, October 16, 2008

Nakasusuya na, Tama na!

Nakakasawa na talaga ang mga taong kilala ka lamang 'pag gusto nila lalo na kapag akala mo magkakilala na kayo. Yak! Ang gulo! Siguro malapit-lapit ang mga taong ito sa species ng mga parasitikong bulate. Hmm... Tama! Siguro may mga pagkakataon din na ganoon ang dating ng pakikitungo ko sa mga malapit sa akin pero sigurado akong hindi 'yon intensyunal. Wahaha o kaya baka minsan ay totoo nga. Ewan basta ako wala namang sinasadyang kaibiganin lamang ang mga tao sa mga pagkakataong may kailangan ako. Paalala lang, paki-review naman nating lahat kung may nagagawa man tayong ganito kasi pangit eh.

Bukod dito nakakabanas din ang mga taong hindi marunong makaramdam na may mali na silang ginagawa. Ewan ko kung tama ako pero madali ko yatang ma-gets kung may nababanas na sa 'kin (pero oo minsan makapal din ang kalyo ko). Hindi ko na tuloy alam kung manhid lang talaga ang mga tao o nananadya lang (minsan ginagawa 'ko). Pero pinakamalalang nakaharap ko eh 'yung tipong sinasabi mo na ng harapan ang problema eh hindi man lang tinatablan. Bullet-proof vest?

Nakakainis din yung mga taong sinungaling. Sino ba nga naman ang hindi pa nakapagsinungaling ever? Sinungaling ang magsabing 'di pa nakapagsinungaling. Ayos 'di ba? Ang nakakainis sa mga sinungaling eh yung tipong inaaraw-araw hanggang sa magkapatong-patong na si kasinungalingan at sobrang wala nang totoong lumalabas. Pirated na may pangit na subs?

Mas nakakasuklam pa kay sinungaling eh itong si mapagpanggap. Lalo na 'pag tipong matagal mo nang alam ang ligaw ng bituka pero nagpapanggap pa rin para sa ibang tao, siguro para matanggap ng lipunang mapanlibak? Kilala natin 'to. Ilang katawagan ay thermoset, PVC, acrylic, orocan, supot... ano, plastik? Well, kailangan din siguro 'to sa buhay nang manatiling matiwasay ang mundo. Pero pangit pa rin, peke, hindi pangmatagalan. Pwede rin palang ihambing sa veneers. Mababaw lang at di panghabambuhay. Pag kinuha mo ang section iba yung materyales na nasa bungad at ang mga nasa loob ay magkaiba. Bago pa 'man maging construction ang usapan, itutuloy ko na. Nakakasawa 'tong mga taong ito kasi parang lagi ka na lang may pinanonood na bagong palabas na hindi naman natatapos at nagpapalit palagi ng plot. Mahirap maintindihan. Ewan, malabo. (Maligoy at nakalilito ang partikular na talatang ito sapagkat magulo na rin ang utak ko)

Sobrang hindi nakakatuwa 'yung mga mahilig mangako tapos di naman gagawin. 'Yung mga pangakong tipong nakapagbabago ang isang buwan, taon o ng buong panahong nabubuhay ka sa mundo. Malamang maraming beses ko na rin itong nagawa sa maliliit na bagay dulot ng pagkamakakalimutin ko at pagiging schizo. Minsan siguro sinadya ko rin. Pero kapag iniisip ko ang mga pagkakataong may nangako sa akin at hindi tumutupad sa usapan, nakakaimbyerna. Maaaring isang kaso lamang ito ng pagiging sinungaling o kaya'y sadyang nanggagago lamang ang mga gumagawa nito. Nainis na 'ko bigla ngayon nang may maalala ako. Wala na akong masabi.

Naiinis din akong marami sa mga bagay na hindi ko gusto ay nagawa ko na ng isa o mahigit pang beses sa ibang tao. Kaya nga aking pinag-aaralan ngayon kung bakit ako nasusuya sa ibang tao at sa aking sarili. May gagawin ba ko tungkol dito? Who cares?

Saturday, October 11, 2008

Lugaw at Pinakurat

Bagong paboritong kombinasyon ni ate.

Isang mahabang haaaaaaaaaay!
Salamat at nakapasa rin tayo!
Pagkakita ko kanina 'nung resulta ng board exam, syempre masaya ako. Pero hindi ko magawang magtatalon sa tuwa dahil nalulungkot ako para sa mga hindi ko nakita sa listahan. Alam ko kasi 'yung pakiramdam ng ganun dahil matapos pa lamang ang unang araw ng exam ay may ganoong moment na ako.

Ito na ang huling beses kong aalalahanin ang mga nangyari noong design na araw (wow drama) Actually drama talaga. Sa kalagitnaan ng aking pag-eexam ay nagpanic ako at nagpipigil lamang umiyak dahil kung nagpadala ako at nalungkot, hindi ko na matatapos 'yung exam. Mula 1pm yata ay nagpipigil nang umiyak hanggang sa makasakay sa sasakyan nila Rachel ay 'di ko na napigilan. Mula noon hanggang nakauwi sa bahay bago matulog ay nag-iiyak pa ako ng nag-iiyak dahil sa tingin ko talaga hindi maayos 'yung nagawa ko.

Tinanggap ko na noon na sobrang maliit lang yung chance kong pumasa pero tinuloy ko na rin mag-exam sayang ang P1000 plus mga bagay na maraming pinagbibili para sa boards. Sobrang hopeless na ako noon at buti na lang ay mabait ang aking ate at mga kasama sa bahay pati kapwa examinees.

Imbes na yung design ang niniisip ko mula nung lunch pagkatapos kong kumain ng tocino at kanin, naiisip ko lahat ng nagastos para sa boards. Pinangreview, index cards, maraming stuff, kure, kuryente at marami pa. Naisip ko paano na lang pag hindi... sayang. Anong sasabihin ko sa magulang ko? Anong trabaho kukunin ko pagtapos? Seryoso 'yan talaga 'yung iniisip ko buong apat na oras na nagdedesign.

Malungkot pa rin ako 'nung second at third day pero ayun natapos din.

Ngayon nagpapasalamat na lang akong natapos na ito. Bagong problema na naman pero sa susunod na 'yun pagkatapos ng oathtaking.

CONGRATULATIONS SA LAHAT NG INTERIOR DESIGNERS!

Lalo na sa tatlong halimaw kong classmates na si Astrid Sangil, Childy Elamparo at Kazel Ferreras!

Pati pala sa ka-PSP kong si Rachel Razal at katabi namin sa review na katulad naming hindi nakikinig na si Althea Almazar.

At sa lahat Congrats muli!

hmmm... pero lagot tayo sa UP...(harharhar)

Para sa mga Klules... Paano nagdedsayn ang mga Interior Designers?

Ayan gagawin 'ko ito para sa karagdagang kaalaman ng nakararaming medyo kluless sa ginagawa ng mga Interior Designer. Marami kasing nagtataka pa rin ngayon, anong ginagawa nyo sa board exam? (Madali lang daw sabi ni Kluless) Eto magbibigay na lang ako ng halimbawa.

Para lamang itong problem solving kung pamilyar kayo sa terminolohiyang ito na ginagamit din sa math (hindi sinasadyang sarcastic). Siyempre una sa lahat ay may problem kung saan hahanapan mo ng solusyon. Tulad din sa math, hindi lahat ay may iisang solusyon at maaari itong magkaiba-iba ayon sa nagsosolve.

Magbibigay ako ng maikling paliwanag.

1. Siyempre hanapin muna ang given.

Ito ba ay bahay, opisina, paaralan, mall, kainan o kung saan?
Para kanino ba ito?
Para ba ito sa mag-asawa, sa mga doktor, matatanda, may hika o may sakit?
Magkano ba ang ilalaang badyet para sa proyekto?
Saan ba nakatayo ang gusali?
May mga limitasyon bang idinidikta ng namamahala sa lugar o kaya ang ng mga architectural features ng lugar?
Anong mga batas ba ang kailangang sundin para sa uri ng lugar na ididisenyo?

Marami pang ibang mga criteria na dapat pag-aralan ngunit hindi ko na sasabihin dahil sinulat ko nga kanina maikli lang dapat.

2. Ayon sa given ay bumuo ng konseptong nararapat para rito.

Ang konseptong aking tinutukoy ay siyang magdidikta ng kabuuang hitsura ng space na iyong idedesign. Hindi ko na ipaliliwanag ngunit mahalaga ito.

3. Pag-aralan ang plano.

Oo, syempre ito ay kung may plano ka nang hawak. Kung wala pa eh ikaw pa rin ang magsusukat. Pero kung tipong exam naman ang ibibigay eh malamang meron na nito.

Anong mga spaces ang kailangan?
Para sa ilang tao?
May mga espesyal bang pangangailangan ang mga gagamit?

Para sa paggawa ng floor plan, anong materyales ang gagamitin? Anong pattern?

Marami pa...

Syempre gagawa ka ng bubble diagram na akin na ring nakasanayan... At pag-iisipan kung aling mga furniture at anong mga sukat nito ang kakasya sa space na may tama pa ring mga daanan at traffic paths. (madaling sabihin ngunit mahirap gawin)

Anong klaseng partitions ang gagamitin mo kung wala pa? Gagamit ka nga ba ng partitions o mas mabuting open plan na lang?

4. Kung nanghihingi ng mga power layout, switching layout at reflected ceiling plan...

Power Layout - Layout ng mga saksakan ng kuryente... (outlets para sa mga timawa)at pati ng telepono, lan at kung anu-ano pa

Switching Layout - Saan nakalagay ang mga switch ng ilaw at kung alin ang mga ilaw na kinokontrol nito. Ito ba ay 3-way, 4-way...

Reflected Ceiling Plan - Layout ng mga ilaw sa kisame at disenyo nito. May dropped ceiling ba? Cove lighting? Suspended ceiling? Coffered ceiling? Anong klaseng materyales gawa ang mga ito? Anong klaseng ilaw ang gagamitin at anong wattage at kulay? Anong klaseng lighting fixture ito nakalagay at kung may diffuser ba o wala...

Ang lahat ng ito sa nakabase sa plano at layout ng furniture na ginawa. (kaya hindi ito magagawa hanggang di ka pa tapos sa floor plan)

5. Kung nanghihingi ng elevations at section...

Sa elevation pinakikita kung anong mga bagay ang built-in sa iyong pader. Dito rin makikita ang mga sukat at taas ayon sa pangangailangan ng gagamit. Counter heights halimbawa o kaya ay taas ng switch mula sa sahig.

Sa section naman ipinakikita kung paano mo i-coconstruct ng aktwal ang iyong kaaibang wall features. May detailed section at sectional elevation na sobrang magkaiba ngunit di ko na ipaliliwanag pa. Nandito rin ang sandamakmak na specifications kung saan nakalagay kung alin ang mga materyales, joints, connections ar sukat ng kung anu-anong mga bagay.

6. Furniture Schedule

Mula sa concept mo, malamang ay may nakatakda ka nang style at kung anumang hitsura ang gusto mong makita.

Idodrowing mo ang bawat piraso ng muwebles na inilagay mo sa plano. Kung ilan... depende sa hinihingi o sa kinakailangan. Sa ilalim ng larawan ng furniture ay kailangang nakasaad kung anong uri at pangalan, ilang piraso, anong sukat at kung anong materyales ang ginagamit.

7. Material at Color Board

Dito nakalagay kung anong color scheme at halimbawa ng aktwal na materyales na gagamitin sa proyekto. Syempre ang mga ito ay nakabase sa iyong konsepto na kanina ko pa sinasabi.

8. Perspective

Ito ay para kay kluless. Hindi lang para sa kanya kundi sa lahat ng nangangailangang makaintindi ng kabuuan ng iyong disenyo. Ito ay uri ng pagguhit na nalalapit sa hitsura ng isang larawan. Ipinakikita rito sa anyong 3D kung anong ang hitsura ng iyong disenyo na sinusunod ang ginawa mong plano, ceiling plan, color scheme at materyales.

Marami pang detalyeng hindi ko na isasama. Pero hayan naipaliwanag ko na rin ng maikli kung paano nagdedesign ang mga Interior Designers na pinag-aaralan ng mga Interior Design students.

Sa mga nagtatanong, mahabang storya talaga 'to kaya huwag mag-abang ng maikling sagot 'pag nagtanong kayo. Bukod dyan ay marami pang pinag-aaralan ang mga Designers upang makabuo ng isang epektibo ang magandang disenyo. Kailangan alam mo rin ang mga period styles, bagong styles at elements na tulad nito upang mabigyang solusyon kung anumang problema ang inihaharap sa isang interior.

Mukha sigurong madali para kay kluless pero... bahala kayo try nyo lang isang beses baka madali nga talaga.

Friday, October 10, 2008

Ligaw na Damong Dagat

Haay... nagpipilit isalin ang salitang seaweed! Wala pa 'kong ibang ginagawa sa buhay ngayon kundi manood ng telebisyon at mga piniratang mga bagay. Kaninang umaga hindi ako mapakali at bumili ng dyaryo sa Philcoa sa pag-aakalang makikita ko ang aking hinahanap ngunit wala naman... Kalimutan na nating kinuwento ko 'yon... Basta kanina naglalaro kami ni Johann habang kumakain ng aking kinaaadikang seaweeds na bigay nila Ate Hids. Naglakad-lakad kami sa SM ni ate... nalimutan ko'ng tignan 'yung gusto kong lalagyan ni Kun-Kun. Habang umiinom ako ng strawberry shake na nakalagay sa isang matangkad na baso ang naalala ko ang aking mga kaibigang kasama sa chaikoffi. Sabog ako ngayon pero masaya ako dahil bumaba na ang grado ng aking mata mula sa dati nitong gradong nasa apatnaraan. Ito'y nasa dalawandaan at pitumpu't lima na lamang, yahoo! Unang beses itong mangyari dahil madalas ay lumalabo lang nang lumalabo ang mga mata ko... Salamat po sa paglinaw kaunti ng aking paningin... Pagpasensyahan sana ang kaguluhan ng post na ito.