Kahapon o noong isang araw ko lang nasubukan uling magsuot ng headband. Kanya-kanyang tawag lang yan. May mga tumatawag na hairband, hedban, heyrban, heydban... basta 'yung nilalagay sa ulo na parang bahaghari ang hugis. Ayan, napagtripan ko lang at ayun nga, nagulat ako sa presyo. Grabe noon 10-20 pesos lang presyo nung maayos na mga headband ngayon 80, 150 at mas mataas ang halaga (grade 5 pa kasi yata ako noong huling namili ng headband harharhar!). Wala lang bagay pala sa aking maikling buhok.
Matagal-tagal na rin akong hindi nakasulat dahil maraming ginagawa sa paghahanda para sa Pyestang Patay (at maraming oras ang ginugugol sa pannood ng maraming pelikulang nirerentahan sa Video City). Nakasanayan na kasi sa pamilya ang paghahanda ng pagkain at inumin sa sementeryo, parang mini-reunion. Mula umaga hanggang gabi kami doon, siguro ngayon hanggang 8 o kaya 9. Basta kung kelan magsawa magkwentuhan at magpiktyuran.
Ngayon, magbabasa ako dapat (actually manonood ng slideshow) ng manga ngayon. Hindi na kasi ako makahintay ng kasunod na episode ng Naruto Shippuuden. Nagsimula ako sa Chapter 330 at nasa 354 pa lang ngayon at dahil tamad nga akong mag-download ay pinagtitiyagaan ko na lang ang mga slideshow sa you tube dahil mas mabilis makita pero mas maganda sana yung scans. Hindi ko nga lang matuloy dahil ako'y gagawa ng chicken sandwich para bukas.
Siyam na posts na lang matapos ito ay pang-isandaang blog entry ko na haha! Hindi sa binibilang ko talaga pero wala lang nakita ko kanina na nakasulat na pala ako ng siyamnapung walang kwentang bagay tungkol sa kung anu-anong pangyayari sa aking buhay.
Gagawa na 'ko ng sandwich bago pa mapagalitan!
No comments:
Post a Comment