Gabi na. Hmm umaga na pala... ayon sa aking pc eh dalawampu't walong minuto na matapos ang ala una. At sa haba ng pagtatayp ko nun ay nagpalit na ang oras, 1:29 AM. Bakit ba nagsusulat pa 'ko. Well, trip ko lang lagi naman eh. Katatapos ko lang manood ng "Death Becomes Her" na pinanonood din ni ate bago ako umalis ng bahay. Inirerekomenda ko ang palabas na ito sa lahat ng hindi pa nakapanood. Nakakaaliw sobra.
Naalala ko lang 'yung you tube trailer ng UPCAT ('yung movie). Kung hindi 'nyo pa nakita eh check nyo. Naaliw ako noong pinanonood 'yung trailer kaya naman naintriga akong tignan ang mga comment ng mga tao. Naghahanap ako ng comment mula sa mga taga-ibang planeta. May ilan akong nakita na wala lang naman. Ok na sana dahil mga taga-UP ang mga nagcocomment. May iba natuwa sa movie. Masaklap dahil marami ang nag-comment doon na hindi ko alam kung ano'ng diprensya at pinag-aawayan ang kanilang mga campus. Ang mga ito ang halimbawa at dahilan kung bakit sinasabihan ang mga UP students na mga hambog at mayayabang (na totoo naman). Natural naman na sa campus ang paangasan ng course, pati na rin ng campuses. Pero ano ba naman pati ba setting ng pelikula eh pagtatalunan. Kesyo mas maganda raw sa kung sa Diliman ka nag-eng'g, sa LB mas maganda pa raw, tae raw sa Baguio. Parang what the hell mga tao? Pare-pareho tayong mga taga-UP mahiya naman tayo sa ating mga balat na magkalat sa youtube ng kahihiyan. Pag-awayan ba ang mga courses at campuses. Maraming ganitong mababasa sa peyups.com pero ok lang site naman natin 'yun eh pero kumusta naman ang youtube. Isa nga lamang akong hamak na taga-CHE na nagtapos ng isang kursong hindi kilala sa UP pero kailangan nang matuto ng mga ilang freshies (at ilang not-so-freshies) na hindi lamang titulo ng kayabangan ang pagiging taga-UP. Mag-aral muna kayo at patunayang nararapat kayo sa UP bago magpahangin ok?
Hanggang d'yan na lamang ang lecture ko at nakakabanas na. Woohoo! Matutulog na 'ko! 1:49 AM.
No comments:
Post a Comment