Huwag itong basahin

'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.

Friday, October 24, 2008

Puksain si Langgam

Kapag ikaw ay mabuting batang pumapasok sa paaraalan mula noong 6 yrs old ka o mas bata pa, siguradong laging kinukwento ang pabula ni Langgam at Tipaklong. Siyempre alam nating bidang-bida rito si Langgam. Masipag siya, mapag-impok, at marami pang mabubuting katangian ang kanyang taglay. Ngunit sa totoong buhay (haha) malalaman nating isa itong malaking kalokohan.

Galit ako sa mga langgam. Para sa akin, wala silang pinagkaiba sa mga daga, ipis at anay. Lahat sila ay peste at mapanira. Gaano na ba karaming pagkain ang hindi na makain dahil pinutakte ng mga langgam? At gaano na karaming damit ko ang nabutas dahil pinagpyestahan nila? Mapa-pagkain, rubber, styro, plastic, karton, watercolor (oo, paborito nila si Prang) pa man ay walang pinalalampas itong mga langgam na ito. Pati tubig kong maiwan sa mesa ng kahit ilang minuto pa lang, maya-maya'y marami nang lunod na langgam. Okay kaawa-awa nga naman itong si anteater at mga ibang hayop na kumakain ng langgam, pero kawawa rin naman ang mga taong nagtitipid sa mga panahong ito. Haay, ang tanging paraan na nga lamang kaya'y puksain ang mga nilalang na ito? Gaano kaya kalaki ang magiging epekto sa ecosystem at sa food web kung sakaling mawala nga itong mga langgam na ito? (ayoko nang alamin)

Para ring sa ating mga tao ang kasong ito (kaya lang tinatamad na akong magsulat at mamaya'y magiging usapang pulitiko at korapsyon na naman ito). Basta humanda lahat ng langgam na lalapit sa akin... siguradong sila'y maglalaho sa mundo. (di ako pwedeng maging Taoist)

2 comments:

ARJAY SACE said...

wahhahahahAHHAHAHAHA PATAY ka!!!!! mATSITSISMIS KA!!!! whahahahha ARJAY SACE NGA PALA!!
YOUR FRIEND!!
HAHAHAHA
JOKING!!

Anonymous said...

lolo mu langgam!!! nga nga!! nga!!