Huwag itong basahin

'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.

Friday, October 10, 2008

Ligaw na Damong Dagat

Haay... nagpipilit isalin ang salitang seaweed! Wala pa 'kong ibang ginagawa sa buhay ngayon kundi manood ng telebisyon at mga piniratang mga bagay. Kaninang umaga hindi ako mapakali at bumili ng dyaryo sa Philcoa sa pag-aakalang makikita ko ang aking hinahanap ngunit wala naman... Kalimutan na nating kinuwento ko 'yon... Basta kanina naglalaro kami ni Johann habang kumakain ng aking kinaaadikang seaweeds na bigay nila Ate Hids. Naglakad-lakad kami sa SM ni ate... nalimutan ko'ng tignan 'yung gusto kong lalagyan ni Kun-Kun. Habang umiinom ako ng strawberry shake na nakalagay sa isang matangkad na baso ang naalala ko ang aking mga kaibigang kasama sa chaikoffi. Sabog ako ngayon pero masaya ako dahil bumaba na ang grado ng aking mata mula sa dati nitong gradong nasa apatnaraan. Ito'y nasa dalawandaan at pitumpu't lima na lamang, yahoo! Unang beses itong mangyari dahil madalas ay lumalabo lang nang lumalabo ang mga mata ko... Salamat po sa paglinaw kaunti ng aking paningin... Pagpasensyahan sana ang kaguluhan ng post na ito.

No comments: