Bagong paboritong kombinasyon ni ate.
Isang mahabang haaaaaaaaaay!
Salamat at nakapasa rin tayo!
Pagkakita ko kanina 'nung resulta ng board exam, syempre masaya ako. Pero hindi ko magawang magtatalon sa tuwa dahil nalulungkot ako para sa mga hindi ko nakita sa listahan. Alam ko kasi 'yung pakiramdam ng ganun dahil matapos pa lamang ang unang araw ng exam ay may ganoong moment na ako.
Ito na ang huling beses kong aalalahanin ang mga nangyari noong design na araw (wow drama) Actually drama talaga. Sa kalagitnaan ng aking pag-eexam ay nagpanic ako at nagpipigil lamang umiyak dahil kung nagpadala ako at nalungkot, hindi ko na matatapos 'yung exam. Mula 1pm yata ay nagpipigil nang umiyak hanggang sa makasakay sa sasakyan nila Rachel ay 'di ko na napigilan. Mula noon hanggang nakauwi sa bahay bago matulog ay nag-iiyak pa ako ng nag-iiyak dahil sa tingin ko talaga hindi maayos 'yung nagawa ko.
Tinanggap ko na noon na sobrang maliit lang yung chance kong pumasa pero tinuloy ko na rin mag-exam sayang ang P1000 plus mga bagay na maraming pinagbibili para sa boards. Sobrang hopeless na ako noon at buti na lang ay mabait ang aking ate at mga kasama sa bahay pati kapwa examinees.
Imbes na yung design ang niniisip ko mula nung lunch pagkatapos kong kumain ng tocino at kanin, naiisip ko lahat ng nagastos para sa boards. Pinangreview, index cards, maraming stuff, kure, kuryente at marami pa. Naisip ko paano na lang pag hindi... sayang. Anong sasabihin ko sa magulang ko? Anong trabaho kukunin ko pagtapos? Seryoso 'yan talaga 'yung iniisip ko buong apat na oras na nagdedesign.
Malungkot pa rin ako 'nung second at third day pero ayun natapos din.
Ngayon nagpapasalamat na lang akong natapos na ito. Bagong problema na naman pero sa susunod na 'yun pagkatapos ng oathtaking.
CONGRATULATIONS SA LAHAT NG INTERIOR DESIGNERS!
Lalo na sa tatlong halimaw kong classmates na si Astrid Sangil, Childy Elamparo at Kazel Ferreras!
Pati pala sa ka-PSP kong si Rachel Razal at katabi namin sa review na katulad naming hindi nakikinig na si Althea Almazar.
At sa lahat Congrats muli!
hmmm... pero lagot tayo sa UP...(harharhar)
No comments:
Post a Comment