Lumuwag naman ang aking pakiramdam nang aking malamang maayos na ang isa sa aking mga kaibigang panandaliang nawala. Sobra akong nag-alala noong mga panahong hindi siya nagpaparamdam dahil sa isang suliraning dapat nyang tugunan.
Ngayon napapaisip ako kung masyado na nga ba akong attached sa mga tao sa aking paligid? Mali bang maging attached? Ang hirap kasi nilang pakawalan o makitang lumayo sapagkat sanay akong lagi lang silang nariyan. May mga tao rin kayang attached na rin sa akin? Mararamdaman kaya nila ang mararamdaman ko kung mawala man ako?
Nakababahala lamang na ganito ako mag-react sa mga sitwasyon kung saan nasasangkot ang mga taong malapit sa akin. Sa kondisyon ng utak kong ganito, masama ang masyadong maging malapit sa mga tao. Hindi maganda ang kinalalabasan kapag bigla na lang silang nawawala. Yung tipong bahagi na sila ng pang-araw-araw mong buhay tapos biglang magbababay. Nasubukan ko na ng maraming beses at sobrang nakapanlulumo. Ngayong mga oras na itong naaalala ko, hindi lang oa, nararamdaman ko pa rin ang bigat ng pakiramdam noong nangyari dati. Hindi nakakatuwa.
Dahil tuloy rito ay naaalala ko ang isang taong bigla na lamang dumating sa buhay ko at sobrang tumatak sa akin ngunit sa saglit na panaho'y nagpaalam din. Ang tunay na dahilan kung bakit nya ako iniwan ay dahil hindi nya matanggap ang kalagayan ko. Hindi nya matanggap na minsa'y hindi ko lang mapigilang gustuhing mawala sa mundo. 'Yun ang sinabi nya sa aking rason at kahit marami akong tanong, siguro nga 'yun 'yon.
Hindi ko nagugustuhan ang pinatutunguhan ng post na ito. Bakit ko pa kasi sinimulan...
Huwag itong basahin
'Wag mag-aksaya ng panahong magbasa ng kalokohan.
Thursday, January 5, 2012
One-night Pisbol Stand
Para sa isang "nagda-diet" o kaya sa mga nagsisikap raw magpapayat, ang pagkain ng hindi wasto kahit isang beses lang ay parang isang one-night stand. Madali namang intindihin. Isang beses lamang ng panandalian kaligayahan na mas madalas ay may hindi magandang kinalalabasan lalo na kung walang ideya ang mga involved sa RH bill. Sinimulan ko itong isulat ngunit mahirap nga naman bang magkumpara kung wala akong karanasan sa aking pinagkukumparahan. Malawak naman ang aking imahinasyon kaya sa tingin ko'y sapat na iyon bwahaha!
Sa mga nagda-diet, ang pagkain ng burger ay isang napakalaking kasalanan ngunit ito'y sadyang nakatatakam na parang lagi kang tinutukso-tukso. Kung ako'y mahilig sa burger halimbawa, tuwing maaamoy ko at makikita ang kaakit-akit na hitsura nito at alam kong hindi ako maaaring kumain, mas mararamdaman ko ang pagkahayok ko rito. Kapag ako'y hindi na makapagpigil at sadyang hindi na maaawat sa pagkain nito, bibigay rin ako. Sa init ng burger patty at tamis ng juice nito, mararamdaman ko ang kaligayahang parang abot langit. Pagkatapos ng sandali ng purong ligayang iyon, mararamdaman ko ang satisfaction na hindi ko makuha sa reduced diet kong pagkain. Panandalian nga lamang ito dahil babalik din naman ako sa dati kong diet at hindi ako sigurado kung mayroon bang hindi magandang side effect ang pagkain ko ng burger ng isang beses. Isang beses na puno ng init at ligaya. Hahanap-hanapin ko ngunit wala nang ibang maaaring pumalit sa moment na iyon na palihim akong nag-singit ng burger sa aking diet. Walang kasiguraduhan kung makakasalubong ko ba uli ba ang pagkakataong iyon. Masaya ngunit alam kong mali. May idudulot ba itong masama? Malaking timbang ba ang maidaragdag nito sa akin? Masisira ba nito ang cycle ng aking diet? Basta ang mahalaga'y kahit saglit lang ay naramdaman ko ang hindi mapapantayang galak sa kaunting oras na iyon.
Wow, ganun din kaya talaga yung pinagkukumparahan ko?

Wednesday, January 4, 2012
Bawal
Kung ang ibig sabihin ng pagtanda ay mas marami pang gamot eh ayoko na talagang tumanda. Sa aking expectations sa aking buhay sa edad na ito ay hindi kasama ang pag-inom ng apat na klaseng gamot para tumino at mabuhay ng normal. Alam kong marami sa edad ko ang mas malala ngunit hindi nga ito ang inasahan kong mangyayari sa akin. Sabi lang ng nanay ko kanina habang pinupuno ko ang bawat kahon ng lalagyan ko ng gamot na 'pag tumanda raw ako mas marami pa 'to. Ayoko.
Alam ko rin na ang mga gamot na itong binibigay sa akin ay unti-unting niluluto ang utak ko sa hindi ko alam na putahe. Kung hindi ko naman iinumin, babalik ako sa dating kalunos-lunos kong kinalalagyan. Hindi nawawala ang takot ko na isang araw ay bigla na naman ako babagsak sa kalaliman ng aking sarili na hindi ko maipaliwanag. Kaya kailangan kong pagtiyagaang lunukin ang mga ito kahit nakakasawa at nakakasuka. Ayoko lang kapag naiisip ko kung bakit ko nga ba kasi kailangan pang bumuti? Wala na akong mga pangarap o kaya ay hinahangad sa ngayon. Kung anu-anong pinipilit kong pumuno sa utak ko upang hindi ko maisipang hindi ako nararapat sa mundo. Kailangan kong mag-isip ng mga walang kwentang bagay para tumigil tong gumugulo sa utak ko. Hindi ko gustong tumigil pero laging ganun. Titigil, mag-iisip, titigil, mag-iisip ng mas malalim.
Nagsisimula na naman ako. Tama na.

Katunog ng Cripple
Natutuwa akong sumulat ng iba't ibang bagay na sunud-sunod 'pag ginaganahan ako. Lalo na ngayon bago pa ako uminom ng gamot na siyang tanging dahilan ng maayos kong pagtulog.
Ang paksang ito ay amin nang pinagdiskusyunan ng aking mga kaibigan ngunit trip ko pa rin itong isulat. Nagsimula ang lahat noong kami'y nagvi-videoke. Hindi kasi mawala sa tingin namin ang mga babaeng nakahubad kasama ng mga lyrics ng aming kanta. Napansin namin ang pagpilit ng ibang modelo na takpan ang kanilang nipples. Halos lahat ganun. Tapos nasambit na lang namin, sa tingin ba nila hindi sila nakahubad 'pag natatakpan ang nipples nila?
Kung tama ang konsepto ko ng nudity rito sa Pilipinas, kapag natatakpan ang nipples ng model kahit kita na halos buong katawan niyang hubad ay tinuturing pa rin or perceived pa rin na partial nudity. Kapag naman kahit may manipis na halimbawa eh shawl ngunit kita ang nipples ay parang hubad na hubad yung taong nasa magasin. Kahit sa mga palabas, kahit makita na ang legs, tyan at ang bilog ng suso ay hindi sine-censor dahil dito sa atin ay hindi pa rin talaga ito hubad. Ngunit napakaliit na porsyento lamang ng katawan natin ang pinupunuan ng utong. Kahit hindi na sa batayan ng nudity. Halimbawa ay bigyan ka ng dalawang larawan ng kalahating photo ng babae na kita ang nipples at ang isa'y natatakpan ng mga daliri, magkaibang lebel ng kalaswaan ang bibigyan reaksyon ng makakita nito.
Nagtanong ako sa kaibigan ko online na mahilig sa pornography tungkol rito ngunit tila immune na sya sa mga hubad na larawan kaya't wala na syang masabi rito.
Bakit nga ba may ganitong pag-iisip?
Oops teka lang me nabasa ako sa wiki na hindi ko naman bibigyan ng comment:
In many western societies and in appropriate settings, such as while suntanning, the exposure of women's breasts is not, of itself, normally regarded as indecent exposure. In the United States, however, exposure of female nipples is a criminal offense in many states and not usually allowed in public (see Public indecency), while in the United Kingdom, nudity may not be used to "harass, alarm or distress" according to the Public Order Act of 1986.[27]

Plema
Bakit kaya may mga taong kayang kumbinsihin ang mga sarili nila magiging mabuti ang lahat? Yung iba sinasabing ang lahat ng nangyayari sa buhay ng isang tao ay may dahilan. Kung ako ang sasabihan mo noon ay hindi ako mapapanatag dahil ang mga dahilan ay maaaring para sa ikabubuti at maaari rin namang sa ikasasama. Kung ganoon ay lalong sasama ang aking pakiramdan.
Iniisip ko tuloy ngayon kung ano ang aking coping mechanism sa mga panahong masama talaga ang lahat ng nangyayari. Sumubok na ako ng iba't ibang approach at ang ilan ay ang sumusunod.
Basta bilib ako sa ibang mga tao.

- Pag-iisip ng rational na lahat ng bagay may solusyon - EKIS- hindi epektibo, pathetic
- Paggawa ng mga bagay na makakasakit sa akin emotionally - so-so - parang madodoble ang sakit pero mawawala ang 3/4 pero matagal na panahon ang epekto kaya parang hindi rin pwede...
- Paggawa ng mga bagay na makakasakit sa akin physical - errr - epektibo naman pero short-term lang, pathetic
- Pagtawag sa kaibigan, paghahanap ng kausap - ok - salamat mga kaibigan, epektibo naman ngunit short-term din
- Pagkonsumo ng maraming alkohol - pwede - epektibo talaga ngunit short-term nga lang, destructive minsan
- Pagtulog buong araw at pagtatago sa mundo - GOOD - epektibo ngunit kailangan palamunin ka para ok
- Pag-iisip ng pagkitil ng sariling buhay - pwede rin - lalong nakasasama at hindi epektibo, tipong last resort na
Basta bilib ako sa ibang mga tao.
Bobong Kahon
Gusto kong barilin ang sarili ko sa ulo sa inis sa mga bwisit na palabas sa telebisyon. Sa bagay, kaya nga tinawag na idiot box ang tv dahil puro basura ang laman nito at ginagawang tanga ang mga taong nanonood nito. Hindi ko ikakailang ako rin ay naging alipin ng telebisyon sa matagal na panahon. Ngayon, minsan nanonood pa rin ako ngunit nababanas tuwing nakikita ang laman nito.
Naiintindihan kong may ibang set of values ang mga foreign tv series at wala akong magagawa doon. Ang aking tinutukoy ay ang mga local shows natin. Unang-una, hindi ko maintindihan kung bakit parati na lamang tungkol sa nawawalang anak na mayaman pala at laging may paghihiganting nangyayari sa mga teleserye natin. Ang pagkakaiba-iba lang ay ang mga tauhang kasali. Ang pinakakaraniwan ay ang dating magjowang mayaman at mahirap na nagkaanak ngunit inilayo si jowang mahirap dahil di sila magka-level. Ngayon may dinagdag pa sila, mga cute na batang bastos sumagot sa matatanda na kinukunsinte ng mga writers. Ikalawa, Filipino naman lahat ang mga sumusulat ngunit wala na talaga ang konsepto ng magandang asal at ugali na maaari naman nilang isingit sa pangit nilang mga eksena at dialogue.
Nakakainis tong ubong dulot ng mga fireworks nitong bagong taon at nawawala ang aking focus.
Basura na nga ang mga ugali ng lahat ng batang pinanganak simula nang taong 2000 at lumalala pa bawat taon, lalo pang ginagatungan ng walang kwentang mga palabas sa telebisyon. Kailangan pakialamero ang mga bata. Kailangan ipagpilitan nila ang gusto nila kahit mali. Kailangan sumabat sila sa usapan ng matatanda. Kailangan sigawan nila ang matatanda kapag ayaw sundin ang kanilang mga gusto. Hindi na ako nagtataka kung bakit ganito ang ginagaya ng mga bata ngayon. Pati mga magulang nila malamang ay nabilog na ang mga ulo na ito na ang bagong set ng values na ituturo nila sa mga anak nila. Ito ang uso. Ito ang bago. Ito ang moderno. Bakit ba kasi ipinagigiitan ng media na kailangang sumabay sa mga uso, bago at moderno? Marami tuloy tangang naniniwala. Ang hayop na kahong ito na ang nagpapaikot sa buhay ng mga Pilipino. Nakakasuklam. Nakakainis. Nakakasuka. Puro drama! Drama! Drama!
Bwiset.

Tuesday, January 3, 2012
Weh?
Nagloloko ang utak ko tuwing naiisip ko kung ano ba ang batayan ng pagiging mabuti. Paanong naging mas mabuti o mabait ang isang tao sa iba? Halimbawa, hindi ko maintidihan kung bakit sinasabing mas mabuti kang tao kung bukal sa loob mo ang pagbibigay kaysa sa mga nagbibigay para lang masabing nakapagbigay siya. Hindi ba't sa huli'y pareho naman silang nakatulong. Kung ang kabutihan ay may ganitong sukat, hindi ba't parang nagiging mapanghusga ito? Kung mapanghusga ito, hindi ito mabuti tama ba?
Bilang mamamayang namulat sa kulturang Pilipino, nangingibabaw ang simbahan bilang tinitingalang sangay ng lipunan pagdating sa tamang asal at pag-uugali. Simbahan din ang nagpapalaganap ng salita na nagsasabi kung ano ang tama o mali ayon sa bibliya. Ang hindi ko lamang mapagtanto ay kung bakit ipinahahayag ng malinaw ng simbahan na ang isang tao ay mas bibiyayaan at mas mabuti kung susundin nya ang pamantayang nakasaad sa bibliya. Halimbawa na lamang, sinabi sa mga homilya na kapag mas malaki ang sakripisyo mo ay mas malaki ang halagang kabutihan nito at mas mamahalin ka ng Diyos.
Hindi rin naman lingid sa aking kaalaman na mayroong sinasabing mga pamantayan sa pagiging mabuti ng isang gawain. Binabase ito sa motibo, paraan ng paggawa at ang kalalabasan. Sabihin na nating iisa lamang ang paraan ng paggawa at ito ay nasa tama. Gawin na rin nating ang kalalabasan nito ay mabuti. Kailangan ba talagang mabawasan o madagdagan ng motibo ang magiging halaga ng mabuting kalalabasan sa huli? Muli, isang halimbawa ay kung ang isang lower middle class na tao ay nagbigay ng abuloy dahil gusto nyang maging mabuti ang tingin sa sarili, masasabi bang mas hindi mabuti iyon kumpara sa isang mahirap na nagbibigay ng buong puso kahit sya'y wala na? Masasabi bang may double standard ang kabutihan?
Marami pang argumentong naglalaro sa aking utak ngunit nalilito ako sa pagsulat nito kaya heto na muna ang unang bahagi ng blog na ito.

Subscribe to:
Posts (Atom)